top of page
Search

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | October 18, 2023



Wala si Superstar Nora Aunor sa concert ni John Rendez na ginanap sa The New Music Box located sa Timog Avenue, QC last Sunday, October 15.


Bago nag-perform si John Rendez sa stage ay inanunsiyo muna ni Rommel Ramilo na nagsilbing director ng concert ni John na “Pasensiya na po at hindi makakarating dito ngayon ang ating Superstar Nora Aunor dahil nasa ospital po siya at ayaw palabasin ng kanyang mga doctor dahil baka raw mauwi sa pulmonya ang kanyang sakit na ubo at sipon at mataas na lagnat.


“Pero nagbilin siya na i-enjoy na lang natin ang performance ni John at ng kanyang special guest performers na si Beverly Salviejo at ng grupong Jeremiah."


As of this writing ay wala pa kaming balita kung magaling na at nakalabas na ng ospital si Ate Guy ‘coz hindi pa namin siya makontak sa FB Messenger.


Dalangin namin ang kanyang maagang paggaling at harinawa, nakalabas na siya ng ospital at hindi na lumala pa ang kanyang sakit.


At habang hindi pa nag-uumpisa ang John Rendez-Vous concert that night ay maraming old songs ni La Aunor ang pinatugtog muna at halos lahat ng nandu’n ay talagang na-mesmerize sa golden voice noon ng Superstar na nasira nang dahil lang sa isang operation na ginawa sa ospital sa Japan many years ago.


Sobra tuloy kaming nanghinayang ni katotong Jobert Sucaldito sa nawalang golden voice ng Superstar, sa true lang.


‘Niwey, ganadong nag-perform that night si John Rendez at wala pa rin kupas ang ganda ng kanyang singing voice. At guwaping pa rin siya, in pernes, kaya tuloy napasigaw si Beverly Salviejo ng... "I love you, John!".... boom, ganern!


Nag-throwback cum flashback tuloy si yours truly na many years ago ay sa isang disco bar somewhere in Ermita, Malate Manila na-meet namin nina Ate Guy si John na DJ sa disco bar that time at talagang super-guwaping noong kabataan niya, sa true lang, at hanggang ngayon naman, ‘noh!


Halos lahat ng Noranians ay sinuportahan ang concert that night ni John dahil ‘yun ay isang benefit show ng Nora Cares Outreach Program na ang kikitain ay ibibigay sa mga nangangailangan ng tulong.


In pernes, sobrang naaliw kami kay Beverly ‘coz ang ganda pa rin ng singing voice nitey with matching patawa epek.


At pati ang grupong Mudrabelles na kinabibilangan nina Mam Yna, Gem Mascarinas at Hayds ay nagpakitang-gilas din sa pagkanta at pagsayaw sa stage.


At lalong naging masaya nu’ng kumanta rin ang kasamahan namin sa PMPC na si Rommel Placente, talbog!


At kung nandu’n lang si Ate Guy, malamang ay kunin na rin siyang talent at i-manage ng ating Superstar. Yo, what do you think, katotong Rodel Fernando? Think and think BIG, ha! ‘Yun na!


Oo nga pala, ito ang latest report ni katotong Rodel tungkol kay Ate Guy, "Iba talaga ang isang Nora Aunor dahil maging sa mundo ng Botanika ay may pangalan siya.


“Ang bago kasing tuklas na Begonia Plant galing Surigao del Sur ay ipinangalan sa National Artist for Film and Broadcast Arts. Officially, ito ay tinawag na Begonia noraaunorae ng mga dalubhasa (Blasco et al. 2023).


“Ang halamang ito sa kasalukuyan ay matatagpuan lamang sa Surigao del Sur. Nakalathala na ito sa Phytotaxa.


“Sobrang saya ni Ate Guy sa masasabing karangalang ito. Bilang haligi ng movie, TV at music industry ng ating bansa ay nararapat lamang ang mga ganitong pagpapahalaga sa beteranang aktres.


“Ipinagbubunyi naman ito ng kanyang mga tagahanga na kani-kanya nang nagpo-post sa kanilang mga social media accounts sa magandang balitang ito.”


O, ha.... wanakamesey kundi wowowin pa rin ang nag-iisang Nora Aunor ng ating showbiz industry, pakkk ganernn!


‘Yun lang and I thank you.




 
 

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | October 11, 2023



'Yun nga lang, as of this writing ay wala pa kaming kumpirmasyon na nage-getlag kung true nga na magkarelasyon na ngayon sina Ruffa Gutierrez at Herbert Bautista.


Basta 'yung huling nabasa naming report ay ayaw pa rin daw umamin nang diretsahan ni Ruffa sa estado ng relasyon nila ni Herbert.


Naniniwala raw kasi si Ruffa na mas magiging tahimik ang pribadong bahagi ng kanyang buhay at iwas-intriga na rin kung hindi siya magdedetalye about her love life kung meron man.


At sabi pa niya, a private life is a happy life... what you see is what you get.


May point siya, ha, in pernes! Wait-wait na lang tayo kung totoo ngang may relasyon sila ni Herbert in real life now at kung makikita natin silang laging magkasama, for sure, 'yun na ang matatawag na what you see is what you get.


Pero kung babalikan ni Herbert si Kris or vice-versa, hindi rin malabong mangyari with matching background music that goes.... "Isang babalikan... Isang iiwanan ... ako'y nagbalik sa unang minahal nang madama ang tunay na pag-ibig..." na hango sa old song ni Cristy Mendoza.


Weehhh, hindi naman si Herbert ang unang minahal ni Kris at gayon din naman si Herbert.


Tsuk and more tsuk!


Hayaan na lang natin si Kristetay kung sa pagbabalik niya rito ay muling tumibok ang kanyang puso para muling magmahal at magkaroon ng relasyon-cum inspirasyon sa buhay.


Tipong ang dali namang magmahal ng isang Kris Aquino.


O, siya, 'yun lang and I thank you.




Naaliw si yours truly sa tsikahan blues ng dalawa naming co-writers na mala-belong sa tribu ni Marites.


Wa' na mention their names para no denials, hehehe, 'yun na!


And the following ay ang kanilang tsikahan blues....


"So, malapit na palang umuwi ng 'Pinas si Kris Aquino," sey ng unang Marites (M1) na syobis writer.


"Oh, eh, ano ngayon kung babalik na uli siya rito sa 'Pinas?" asked ni second Marites (M2) writer.


M1:" "Wala lang....gusto ko lang kantahin 'yung old song na may lyrics that goes.... Isang babalikan, isang iiwanan… o, devah, bagay niyang maging theme song 'yun sa ngayon?"


M2: "Bakit mo naman nasabi 'yan?"


M1: "O, devah, split na raw sila ni Gov. Marc Leviste at 'yun nga, bagay 'yung kantang... isang iiwanan.... tapos pagbalik niya rito, puwede rin na mangyari 'yung lyrics na... isang babalikan... boom, ganerrrn!"


M2: "Eh, sinex naman 'yung isang puwede niyang balikan? Si Phillip Salvador, si Tsong Joey Marquez, si James Yap o si Herbert Bautista?"


M1: "Eh, malamang, si Herbert Bautista if magiging tama ang kutob ko."


M2: "Hoy, si Herbert, 'di ba, balitang-balita na si Ruffa Gutierrez na ang karelasyon ngayon? So malabo 'yang kutob mo."


M1: "Eh, para namang hindi sila. Kasi nu'ng birthday ganap ni Senator Bong Revilla, Jr. ay nag-iisa lang dumalo si Ruffa. Waley siyang escort na Herbert Bautista."


M2: "Kunsabagay, hindi nga sila magkasama sa birthday ganap ni Sen. Bong. Pero malay naman natin na may ibang mas importanteng pinuntahan si Bistek that night. At saka, what you see is what you get, devah naman?"


Pakkkk, tumpak!



 
 

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | October 10, 2023



Bumuhos ang suporta ng Filipino-American community para sa Hollywood premiere ng A Very Good Girl nina Kathryn Bernardo at Dolly de Leon, kung saan dumalo sina Bretman Rock, Rupaul’s Drag Race alumnus Manila Luzon, She Hulk: Attorney at Law actor Ginger Gonzaga, at ibang Fil-Am na personalidad mula sa industriya ng film, TV at theater.


Bilang unang pelikulang Pilipino na nagkaroon ng Hollywood premiere, taos-puso ang pasasalamat nina Kathryn at Dolly sa mga Fil-Am celebrities at Asian American na pumunta sa premiere night na ginanap sa The Silver Screen, Pacific Design Theater sa Los Angeles, California.


“Thank you so much for coming here tonight. I am really nervous and overwhelmed. We are so proud of this film. This is our baby. Our hearts are just overflowing with gratitude to be able to bring a slice of Philippine cinema here in the U.S.,” ayon sa Outstanding Asian Star ng 2023 Seoul Drama Awards, na binigyang-diin ang halaga ng Asian representation sa kanyang mensahe.


Sey naman ni Golden Globe nominee Dolly de Leon, “We really feel the love. I see so many familiar faces and so many new faces. Thank you so much for coming and we hope you enjoy A Very Good Girl.”


“Thank you all for coming tonight. This is a very historic moment for ABS-CBN, not just for our company, but for Philippine cinema in general. I feel like we have waited for so many years for Filipino stories to get told in the U.S. market and we’re finally doing it,” mensahe ni ABS-CBN Films Head Kriz Gazmen.


Pumunta rin sa Hollywood premiere sina ABS-CBN President and CEO Carlo Katigbak, COO of Broadcast Cory Vidanes, at TV Production and Star Magic head, Laurenti Dyogi.


Samantala sa Pilipinas, pumalo na raw sa P75 million ang kinita ng A Very Good Girl.


Bukod sa US, mapapanood din ang A Very Good Girl sa Canada, New Zealand, Australia, Guam at Saipan, Hong Kong, Singapore, Malaysia, Cambodia, Nigeria at Middle East.


Tampok din sa cast ng A Very Good Girl sina Chie Filomeno, Jake Ejercito, Gillian Vicencio, Kaori Oinuma, Ana Abad Santos, Nour Hooshmand, Donna Cariaga, Althea Ruedas, Nathania Guerrero, at Angel Aquino.



Isang bagong digital program ang sikat na sikat ngayon sa online world.


Milyun-milyon ang views ng programang Tune In Kay Tunying, Live!(TIKTLive) sa YouTube ng beteranong broadcast journalist na si Anthony “Ka Tunying” Taberna dahil sa mga pasabog na balita.


Mula sa unang episode noong Agosto, ilang prominenteng personalidad na ang naging panauhin ni Ka Tunying sa kanyang show — ang dating pulis na si Willie Gonzales na sangkot sa viral road rage video kasama ang isang siklista; ang bilyonaryong si Ramon Ang, na lubhang kinagiliwan ng publiko dahil sa kanyang pagiging simple at prangka; at sina Defense Secretary Gilbert Teodoro at Executive Secretary Lucas Bersamin, dalawang respetadong opisyal sa kasalukuyang administrasyon na nagpakawala ng mga juicy soundbites na agad lumanding sa mga pahayagan, newscasts at websites.

Gamit ang kanyang 31 years na karanasan bilang mamamahayag, nakukuha ni Ka Tunying ang mga pinaka-natural at nakakatuwang sagot mula sa kanyang mga big-time na panauhin, kaya nailalapit niya sila sa mga viewers na ang tingin sa kanila ay nasa pedestal.


Bukod sa exclusive interviews, mapapanood din sa TIKT Live! ang iba pang makabuluhan at nakakaaliw na segments gaya ng All Access na tungkol sa mga kuwento ng tagumpay, At The Moment na tumatalakay sa mga dinadayong pasyalan at kainan, at Payong Kapatid kung saan nagbibigay si Ka Tunying ng kanyang mga opinyon tungkol sa mga napapanahong isyu.


Ang TIKT Live! ay mapapanood din sa Facebook page ni Ka Tunying kung saan mayroon siyang 2.3 million followers. Ang kanyang YouTube page naman ay may higit kalahating milyong subscribers.


'Wag pahuli sa mga pasabog na balita! Abangan ang bagong TIKT Live episode ngayong Huwebes, Oct. 12!



 
 
RECOMMENDED
bottom of page