top of page
Search

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | November 8, 2023



Oh, ha?! Iba talaga ang galing ng isang Coco Martin, hindi lang bilang aktor kundi bilang isa ring direktor!


Mainit ngang pinag-uusapan ngayon sa social media hindi lang ang maaaksiyong eksena ni Ivana Alawi sa hit Kapamilya teleseryeng FPJ’s Batang Quiapo kung saan nakasama niya sa bakbakan si Coco Martin, kundi maging ang maiinit nilang love scenes ay pak na pak din sa mga netizens.


Sa isang episode ng serye kamakailan, sumabak si Bubbles (Ivana) sa matitinding barilan at suntukan para sa una niyang misyon kasama si Tanggol (Coco).


“Hindi siya madali pero I’m very thankful kasi I’m supported by such a strong team. Saka may training talaga, hindi naman nila ako isinabak na ganu'n lang. May mga training din,” sabi ni Ivana sa isang interview sa TV Patrol.


Kaliwa’t kanan ang mga papuri ng fans kay Ivana at tinawag pa nila itong “potential action star”.


Pero bukod nga sa mga action scenes ni Ivana, pina-"huwoooow!" din nila ang mga viewers ng Batang Quiapo at maging ang mga netizens dahil sa eksenang pumatong si Ivana kay Coco sa kanilang bed scene with matching maiinit na lips-to-lips, na ewan lang kung pinanood ng rumored long-time girlfriend ni Coco na si Julia Montes.


Palaban talaga itong si Ivana!!!


Komento naman ng mga netizens na todo-inggit kay Coco, "Sana all direktor!"


Hahahaha! Jackpot nga naman si Coco dahil siya na ang aktor, siya pa ang direktor ng Batang Quiapo kaya kung ano'ng gusto niyang eksena, 'yun ang masusunod!

Sana all blessed!


Anyway, huwag palampasin ang maaaksiyong kaganapan sa FPJ’s Batang Quiapo na hango sa orihinal na kuwento ng Regal Films, gabi-gabi, 8 PM sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, iWantTFC, at Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment.




May nagtsika kay yours truly na something like… "Meron akong advice sa 'yo... hingi ka ng mga t-shirts ni Ate Guy na may pangalan mo at may pirma niyang... 'Love You, Ate Guy' kasi pagdating ng panahon, sobrang mahal na 'yun 'pag binili sa Pawnstar. Kasi may pirma ni Ate Guy kaya sobrang mahal."


"Saan mo na-discover 'yung Pawnstar?" asked ni yours truly.


"Sa YouTube. Du'n nga sa Pawnstar nagbenta ng t-shirt 'yung GF ni Francis Magalona. 'Yung t-shirt ni Francis Magalona, binili ng P2 milyon!!! Pero ibinenta lang ng GF ni Francis ng P700 K."


Aba, kung trulili itey, dapat mag-invest si Ate Guy ng mga t-shirts na may pirma niya na kumbaga sa mga paintings, habang tumatagal ay nagiging antique collections na, na ang presyo ay talagang to the highest level! Boom, 'yun na!


Mas mabuti pa nga siguro kung 'yun ang ibenta niya kesa sa mga tuyo para 'di na sila magkakumpitensiya sa negosyong tuyo ni Matet de Leon.


What do you think, Noranians? Think and think big, ha!



 
 

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | October 29, 2023



Isang masayang Vilma Santos ang humarap sa madlang press pipol sa mediacon ng pelikulang When I Met You In Tokyo na isa sa mga entries sa MMFF 2023.


Hindi naitago ni Ate Vi ang kasiyahan nang mabalitang kasama sila sa MMFF. “Thank God! Thank you, MMFF, for the trust! Teamwork ang movie na ito!”


“Very simple love story but beautiful!” paniniyak ni Ate Vi na hindi lamang kilig at saya ang hatid ng When I Met You in Tokyo.


“May mga lessons din kasi ang movie [like] love has no boundaries, forgiveness, and moving forward in love and life. Simple but beautiful! Let’s fall in love,” aniya pa.


Naibahagi pa ni Ate Vi na, “Haping-haping-happy! Sobra-sobra. Naliligayahan ako kasi medyo matagal ang preparation namin at hirap sa movie at ngayon we are so blessed na sa dami ng pumasok ay nakasama ang When I Met You in Tokyo. I’m very thankful sa MMFF at sa lahat ng nagdasal na makapasok tayo.


“Maganda ‘to. Noong ginawa ito, pinag-isipan din namin ni Boyet at ng team na gumawa tayo ng very simple pero beautiful love story na magugustuhan ng manonood na hindi mahihirapan ang dibdib, hindi madramang-madramasa panahon. It’s a very simple and beautiful love story lalo na para sa may mga edad na magre-retire na.”


Oo naman, ang love, hindi lang pang-bagets kundi pang-senior citizens din, ‘noh.


Inamin ni Ate Vi na kaya niya tinanggap ang movie ay dahil nga light lang ito. Sa edad niya ngayon na 30 something lang (wow, ha?!), ayaw na raw niya nang napapagod.


Kaya nga masuwerte raw siya na nasa punto ng buhay na niya siya ngayon kung saan hindi na niya kailangang pagurin ang sarili sa pagtatrabaho at pinipili na lang niya ang mga roles at offers na gusto niya.


Samantala, tiniyak din ni Ate Vi na sasama siya sa inaabangang Parade of Stars na ginaganap sa unang araw ng MMFF. Inalala nga nito ang mga nakaraang pagsali at pagkapanalo sa festival.


“Iniikot namin talaga ang Manila para sa parada. Ang saya-saya ng affair na ‘yan!”


Ikinatuwa rin ng premyadong aktres ang nalalapit nilang pagkikita ng kanyang mga tagasuporta.


“I will be seeing people again! Makikita ko na naman ang mga fans. Nakae-excite lalo na after pandemic. Ito ang chance makita ulit ang crowd, ang tao! Sana ma-excite rin sila para sa amin,” ang masayang pagtatapos na pahayag ng Star for All Seasons.


At kung magiging number one sila sa MMFF 2023 kalaban ang siyam na entries, well, pahulaan na lang natin kay Madam Damin, boom, ganerrnnn! Insert smiley, ☺!



Ibinuhos ng singer-songwriter na si Cool Cat Ash ang iba't ibang damdamin sa kanyang bagong album na I Find Love So, So Weird na mapapakinggan na simula Biyernes (Oktubre 27).

Laman nito ang 13 awitin na isinulat at ipinrodyus mismo ni Cool Cat Ash na kilala rin sa tunay niyang pangalan na Ashley Aunor. Mula sa novelty at rock songs, sinubukan naman niya ang kanyang talento sa pagbuo ng pop at upbeat songs.


“Hindi ko in-expect na ilalabas ko itong songs in the first place. Star Music encouraged me to write more upbeat and pop songs because they believed in me, so I'm very happy that they supported me in that way,” saad niya.


Sa key track na I Find Love So, So Weird, ibinahagi ni Cool Cat Ash ang nakakakabang pakiramdam na mahulog para sa taong minamahal at kung paano nakakaapekto ang peer pressure mula sa iba’t ibang tao.


“It’s all about me finding love so weird kasi medyo allergic ako sa romantic love. I feel like I’m too scared to fall deeply in love and I’m scared of being vulnerable and intimate with anyone. For this, na-feel ko ‘yung peer pressure mula sa mga taong nahanap na ‘yung taong mahal nila,” kuwento niya sa naganap na album launch nitong Miyerkules (Okt. 25).


 
 

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | October 19, 2023



Donbelle love team, sumisikat na!!!


Yes, Sir! Bahkeeet daw?


Eto ang sagot....


Maiinit ang pagtanggap ng mga viewers sa kauna-unahang teleserye ng New Gen Love team na DonBelle sa pilot episode ng Can't Buy Me Love nitong Lunes (Oktubre 17) na nakakuha ng 454,413 live concurrent views at nanguna sa X (dating Twitter) trending list nationwide.


Ayon kay Donny, mas challenging ang roles nila rito at kakaiba sa mga dating ginampanan nila.

"Ang daming bago talaga. Ang question talaga, kung ano'ng similarities and there are so many new things na hindi n'yo pa nakikita sa past projects," sey ng guwapong anak nina Maricel Laxa at Anthony Pangilinan.


Dagdag pa niya, hindi lang kilig ang ipaparamdam ng mga karakter nilang sina Bingo (Donny) at Caroline (Belle) sa Can't Buy Me Love.


"Hindi ito 'yung typical rom-com. Ang daming genre in one show, may rom-com, drama, mystery.


Ang dami mong emotions na mapi-feel and marami ka ring questions na gustong malaman every episode," saad niya.


Para naman kay Belle, ituturo ng kuwentong ito kung bakit hindi talaga mabibili ang pag-ibig.


"You can’t buy love. You can buy happiness, but you can’t buy everything. You can only find true happiness in yourself and the people surrounding you," sabi niya.


Samantala, hindi lang naman sa social media nanguna ang serye dahil kasalukuyang Top 1 most watched show din ito sa Netflix Philippines.


Sa pilot episode, nakita ng mga viewers ang mga masalimuot na nakaraan nina Bingo at Caroline noong mga bata pa sila. Iniwan nga si Bingo ng kanyang ina para ayusin ang malaking utang nito habang si Caroline naman ay nakita ang inang nasaksak matapos pasukin ang kanilang bahay ng hindi kilalang tao.


Sa pagkamatay ng ina, napilitang tumira si Caroline sa unang pamilya ng ama na simula pa lang ay ipinaintindi sa kanyang sampid lang siya sa pamilya.


Samantala, si Bingo naman ay kinupkop ni Lola Nene matapos niyang sagipin ito mula sa pagkakabangga.


Unang nagtagpo ang landas ng dalawa sa engagement party ng kapatid ni Caroline na si Bettina (Kaila Estrada). Pumunta nga si Caroline roon at nagsuot ng itim para ipaalala ang death anniversary ng ina samantalang gusto namang i-present ni Bingo ang kanyang ideya kay Wilson (Rowell Santiago).


Huwag palampasin ang Can't Buy Me Love sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, Jeepney TV, TFC IPTV, at TV5. Maaari rin itong panoorin in advance sa Netflix o iWantTFC.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page