top of page
Search

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | November 19, 2023




Lalong umiigting ang mga emosyon sa hit Kapamilya teleseryeng Senior High pagkatapos nitong makalikom ng isang bilyong views sa TikTok kasabay ng pagbubukas ng bagong kabanata ng serye.


Sa isang pasabog na trailer na inilabas para sa bagong kabanata, nabulabog ang netizens sa sunud-sunod na rebelasyon kaugnay sa pagbubuntis ni Luna noong namatay siya.


Ipinasilip dito ang posibleng ‘baby daddy’ na si Gino (Juan Karlos), ang dating lover ni Luna, at si Professor Castrodes (Floyd Tena), ang dating vice-principal ng Northford na ikinulong dahil sa panggagahasa ng isang estudyante noon.


Tutukan ang mga rebelasyon sa Senior High gabi-gabi, 9:30 PM sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, TV5, iWantTFC, at TFC.


 
 

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | November 19, 2023



Just recently ay nakatsikahan ng madlang press pipol si Tutok To Win Partylist Representative Sam Verzosa para sa kanyang programang Dear SV na nagsimula nang mapanood nu’ng November 18, 2023 at 11:30 PM sa bago nitong tahanan sa GMA-7.


"Kaya naman I am very thankful sa Kapuso Network lalo na kina Atty. Felipe Gozon at kay Atty. Annette Gozon Valdez dahil sa oportunidad na ibinigay sa akin para makatulong sa ating mga kababayan at para mapanood ang mga bagong episodes na makaka-inspire sa ating mga kababayan na hirap sa buhay para lalo silang maging matatag at ‘di matakot ipagpatuloy ang buhay," unang pagbabahagi sa amin ng Dear SV host.


Matatandaan na unang ipinalabas sa CNN Philippines ang Dear SV last February kaya naman sabi nga ni Sam, "I'm so grateful to my first home network for giving me the opportunity to venture into TV hosting."


When asked by yours truly kung ano ang masasabi niya na ikinukumpara siya kay Willie Revillame sa pagiging matulungin, ang nangingiti niyang sagot ay, "I am proud and honored na maikumpara kay Kuya Wil dahil itinuturing ko siyang kuya at para na ring kapatid. Isa rin siya sa mga inspiration ng ating mga kababayan.


“Ang programang ito, sabi nga ni Kuya Wil (Willie Revillame), sabi ng team ko, nakikita ko na programa para sa bawat Filipino. Nagbibigay-inspirasyon, nagbibigay ng pag-asa, nagbibigay ng kaunting luha at sa dulo, nagbibigay po ng kaunting saya,” saad ni Sam na medyo gumagaralgal na ang boses.


Ang tanong, bakit nga ba nagkaroon ng ginintuang puso ang isang Sam Verzosa?


Ang mama at papa raw niya ang nagturo sa kanya ng right values.


"Kundi dahil sa kanila, wala ako at wala rin ang mga ginagawa kong pagtulong sa ating mga kababayan. Ang father ko po ang nagturo sa akin na huwag makalimot na tumulong to the needy ones," paliwanag niya.


And even added, “My advocacy is to help the helpless who work hard to improve their standard of living, and that is exactly what Dear SV stands for. Dear SV highlights not only individual but also the communities that handle all the hardships to improve and uplift their condition in life."


And take note, kahit may posisyon sa ating gobyerno ang isang Sam Verzosa bilang Tutok To Win Partylist representative ay hindi niya ginamit ang pondo ng opisina niya para ipantulong sa mga taong nangangailangan, bagkus ay nanggagaling ang kanyang financial aid sa mga negosyong itinatag niya tulad ng FrontRow International at bilang presidente ng mamahaling brand ng kotse, ang Maserati Philippines.


Well, we salute you Dear SV at pati na rin ang iyong parents dahil napalaki ka nilang isang mabuting tao at hindi makasarili. For sure, haping-hapi sa heaven ang iyong dearest dad dahil sa mga ginagawa mong kabutihan sa iyong kapwa tao.


So, madlang pipol, please don't forget to watch Dear SV na napapanood tuwing Sabado at 11:30 PM only at GMA-7.






 
 

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | November 14, 2023



Tipong sinusuwerte lately si Gabby Concepcion sa kanyang showbiz career, ha!


Katatapos lang ng Dear Heart concert nila ng kanyang ex-wife na si Sharon Cuneta kung saan halatang sa mga ikinilos nila sa nasabing concert at maging sa mga naging rehearsals nila ay tipong swak ang saying sa kanilang dalawa that goes.... "Love is born and so it dies... But only to resume again even just for one day or more.." pakkk, tumpak!


Halata naman sa mga kilos nila, eh, lalo na sa mga titigan at pa-sweet smile ni Sharon kay Gabby na hindi lang ang audience ang kinilig kundi pati ang only dyunakis nilang si KC Concepcion, sa true lang.


Eh, kami man ay kinilig sa mga napanood naming reels nila sa social media, 'noh! But for sure, wa' kilig ang present husband ni Sharon na si Sen. Kiko Pangilinan at mga dyunakis nila at siyempre, pati na rin ang present jowa ni Gabby, devah naman, mga Marites diyan? Boom, 'yun na!


At heto nga, tipong lalo naging "lucky me pansit canton" si Gabby sa naging laplapan nila ni Beauty Gonzalez sa bagong GMA-7 Afternoon Prime series nilang Stolen Life na ang airing ay simula na ngayong November 13.


Sa mediacon ng Stolen Life ay inamin ni Beauty Gonzalez na nag-enjoy siya sa mga laplapan nila rito ni Gabo. Sa trailer pa lang ay makikita na ang maiinit nilang eksena and for sure, si Gabby man ay tinablan. Wanna bet, ha, Log? Boom, insert smiley, ☺!


“I did enjoy, okay? I enjoyed every bit. And I must say Gabby is such a gentleman,” diretsong sagot ni Beauty Gonzalez sa mga press pipol.


Dual role ang ginagampanan ni Beauty sa nasabing palabas na idinirek ni Jerry Lopez Sineneng.


Pakiramdam naman daw niya ay pinrotektahan siya ni Gabby sa mga eksena nila kaya 2 takes lang sila.


“We did it in one take or 2 takes para hindi na maging awkward and I really admired that of him and I must say, I enjoyed it a lot. I felt that I was taken good care of,” added na sey pa ni BG.


Jackpot lang si Beauty na walang selos sa katawan ang mister na si Norman Crisologo.


“Even the scripts that I’ve done, all the movies, binabasa ng asawa ko and I’m very open to him and I’m very blessed that he’s not seloso. He’s a very supportive husband,” chika pa ni Beauty G.


Well, like Gabby C., lucky you, too, Beauty Gonzalez.


At sa beauty mong taglay, malamang sa hindi ay binulungan ka ni Gabo ng bulong na 'di malilimutan ni Lady Camille before the pandemic-ek sa isang set visit namin noon na isa nga si Gabo sa lead stars.


Ang bulong niya noon kay Lady Camille nang magkatabi sila ay ganitey.... "Magaling akong magpalahi" na totoo naman 'coz super-ganda ng anak nila ni Sharon na si KC Concepcion, 'noh!


Kung bagets pa lang si yours truly, malamang magpalahi rin me kay Gabby! Charrrrottt! Hahaha!


'Yun lang and I thank you.




 
 
RECOMMENDED
bottom of page