top of page
Search

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | January 5, 2024



Nabasa namin sa Facebook ni Dingdong Dantes ang isang open letter sa kanila ni Marian Rivera mula kay Jerome Papa Lucas na ganito ang nilalaman…


"Sa totoo lang, hindi Rewind ang pinakamagandang pelikula ngayong 2023 MMFF, pero sa tuwing may magtatanong sa akin kung ano ang pelikulang dapat nilang panoorin ngayong MMFF, walang pagdadalawang-isip na Rewind ang irerekomenda ko. 


"Hindi ko ma-explain ‘yung pakiramdam pero ganu'n yata kapag makapangyarihan ang pelikula. Kung kapangyarihan lang din ang usapan, ito na yata ang pinakamakapangyarihang pelikula ngayong 2023 MMFF. 


"Nasa trailer na ang lahat ng mangyayari sa pelikula. Isinubo na sa atin ng trailer. Pero hey, ‘yung acting n'yo talaga, Dingdong Dantes at Marian Rivera, ang nagdala sa pelikula. 


"Alam na namin ang lahat ng mangyayari, eh, pero ‘yung imagination siguro namin na dahil totoong mag-asawa kayo, bukod sa puwedeng kwento n'yo ‘yan, eh, kwento rin ‘yan ng maraming mag-asawa, magkasintahan, at mga marunong magmahal.


"Tuwing may MMFF, hinahanap ko lagi ‘yung pelikulang makakapagpaiyak sa akin.


Pakiramdam ko, mas nararamdaman ko ‘yung kwento, mas nagiging tao ako, at mas nalilinis ang kaluluwa ko. Kaya salamat sa pagpapaiyak sa akin, sa aming mga nanood dahil ipinaramdam n'yo sa amin ang kwento, ginawa n'yo kaming mas tao, at nilinis n'yo ang mga kaluluwa namin.


"Kaya hindi nakapagtatakang tanggapin n'yo ang mga role dahil sa palagay rin namin, wala nang ibang dapat gumanap sa mga role na ‘yan kundi kayo lang. And with that, bukod sa fan base n'yo, sa palagay ko, dumami pa ang fans n'yo. 


"Naniniwala akong ang mahusay na mga artista ay hindi ‘yung mga marunong lang lumuha, umiyak, ay maglupasay. Hindi ‘yung mga magagaling magbato ng linya. Ang mga mahuhusay na artista ay silang kayang kurutin ang mga puso kahit ng mga pinakamanhid na tao sa mundo. Sana, makagawa pa kayo ng mga pelikulang hindi namin malilimutan. 


"Maraming salamat sa pelikulang Rewind dahil bukod sa ipinaalala n'yo sa amin ang halaga ng buhay, ipinakita n'yo rin sa akin ang halaga ng kamatayan. 


"Happy wedding anniversary na rin sa inyo, Dingdong at Marian. Sana, mag-SABAY-SABAY TAYO sa paghahanap sa wagas na pag-ibig para maiwasan ang FAMILY FEUD."

 

 
 

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | December 28, 2023


Photo: Sharon Cuneta / IG


Sa programang Fast Talk with Boy Abunda ay inamin ni Sharon Cuneta ang kanyang mga pagkukulang sa panganay niyang si KC Concepcion na anak nila ni Gabby Concepcion.


Natanong siya ni Kuya Boy Abunda kung saan siya nagkulang at sumobra bilang nanay.


Sagot niya, “Kay KC, Kakie, kay Miel, kay Miguel, hindi ako nagkulang sa pagmamahal, sa paalala. Kay KC, nagkulang ako malamang sa oras.”


Paliwanag niya ay kailangan niyang maging nanay at tatay sa anak nu'ng mga panahong iyon bilang single mom. Kinailangan niyang magtrabaho para sa pag-aaral ng mga anak at hindi umasa sa kanyang mga magulang.


Sinuway pa niya ang ama dahil gusto niya talagang matuto bilang nanay. 


“I told my dad, because he said, ‘Kapag ‘di ka umuwi, wala kang ama.’ And I said, ‘Daddy, if I don’t do this now, I will never learn. Ano po ang ituturo ko sa apo n’yo?’” sey niya.


Kaya naman natutunan ni KC sa kanya na hindi dumepende sa iba para mabuhay.


Naging protective raw siya talaga sa panganay noon kumpara sa mga anak nila ni Kiko Pangilinan. 


“But I was also overprotective to KC. Remember, halos hindi ko ipakita in public nu’ng medyo nag-13 na, 14, ‘yung maraming offers na.


“I was so scared kasi anak namin siya ni Gabby. Iba ‘yung anak namin ni Kiko,” pag-amin niya.


Kaya naman sa pelikula nila ni Alden Richards na Family of Two ay nanay na nanay ang arrive ni Sharon. Mahal na mahal niya si Alden bilang nag-iisang anak niya at may mga instances na nagiging overprotective siya rito.


In pernes, nagampanan nang husto ni Sharon ang role niya bilang nanay sa pelikulang Family of Two na kasama sa mga entries ng MMFF 23 na showing na nga ngayong Holiday Season in theaters nationwide at napabilang sa Top 5 na pumatok sa takilya.

 

 
 

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | December 18, 2023



Tinalbugan ni Kathryn Bernardo ang ex-BF at onscreen love team na si Daniel Padilla!

Kabilang na kasi si Kathryn sa Anak TV Hall of Fame.


Ang mga programa at mga personalidad ng ABS-CBN ay kinilala sa Anak TV Awards.


Pinarangalan ang 33 programa at personalidad ng ABS-CBN para sa pagtataguyod ng mga temang pampamilya at sa pagiging mabuting huwaran sa mga bata sa Anak TV Awards noong Biyernes (Disyembre 8).


Kabilang sa mga nakatanggap ng Anak TV seal ay ang ASAP Natin 'To, The Voice Kids, Hero City Kids Force ng iWantTFC, Parent Experiment ni YeY, Team YeY Vlogs at Knowledge Channel's AgriKids, I Love You 1000, Ready Set Read, MathDali, Wikharian, Knowledge On The Go, Art Smart at Kwentoons sa television at online categories.


Sa kabilang banda, kinilala rin ang Kapamilya stars na sina Alexa Ilacad, Amy Perez, Andrea Brillantes, Anne Curtis, Belle Mariano, Daniel Padilla, Donny Pangilinan, Francine Diaz, Jeremy Glinoga, Karylle, KD Estrada, Kim Chiu, Kyle Echarri, Regine Velasquez-Alcasid, sina Robi Domingo at Seth Fedelin bilang Makabata Stars (television at online categories) para sa pagiging mabuting ehemplo sa mga batang Pilipino.


Pero big winner nga si Kathryn Bernardo dahil tinanghal siyang Hall of Famer dahil sa patuloy na pagboto sa kanya bilang Makabata Star sa loob ng pitong magkakasunod na taon.


Samantala, kabilang ang It's Showtime, TV Patrol at ang Sineskwela ng Knowledge Channel sa Household Favorite Programs ngayong taon sa television category.


Ang Anak TV Awards ay ibinibigay ng ANAK TV, isang organisasyong may adbokasiya na nagtataguyod ng literasiya sa telebisyon at nagtataguyod ng mga child-sensitive at family-oriented na mga programa sa Pilipinas. 


Ang Anak TV Seal ay isang pambansang parangal na ibinibigay sa mga programang ibinoto ng mga magulang, guro, propesyunal sa media at negosyo, gobyerno, media, NGO, sektor ng relihiyon, at kabataan.




Sayang at hindi nakarating sa grand mediacon ng pelikulang When I Met You In Tokyo ang Star for All Seasons na si Vilma Santos. Gayunpaman, sumali pa rin siya sa Q&A portion kahit meron siyang sipon at ubo. Game pa rin siyang sumagot sa lahat ng tanong sa kanya ng madlang press pipol.


'Yan ang tinatawag na very professional na ta-artits, sa true lang.


'Niwey, first time um-attend ni Lotlot de Leon sa mga preskon ng When I Met You In Tokyo at ang laki na ng ipinagbago ng kanyang fezlak at wankatitat. Tipong naging blooming ang kanyang byuti at wala pa sa hitsu ng kanyang wankatitat na meron na siyang mga anak, wa' kiyems and in pernes, 'noh!


Kaya nu'ng magkatabi sila ng daddy dearest niyang si Christopher de Leon ay nasabi namin sa aming sarili na puwede silang gumawa ng pelikula hindi bilang mag-ama kundi bilang magkapatid.


Yes, Sir! Puwedeng-puwede!


Ang hula nga pala ni Madam Damin ay itong pelikulang When I Met You In Tokyo ang papatok sa takilya sa lahat ng MMFF '23 entries sa mismong araw ng Pasko.


Well, let's just wait and see, 'ika nga. Pero sana naman, lahat ng MMFF '23 entries, kumita para maging boom na boom uli ang ating movie industry. 


Yes, wish lang namin, Ms. Vicky Morales, 'yun na!

 

 
 
RECOMMENDED
bottom of page