top of page
Search

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | January 17, 2024



'Niwey, NFF (Nora's Friends Forever) group invited us to watch PIETA special screening at Cinema 76 sa may Scout Borromeo kamakailan lamang, and mind you, full-packed ang viewers at sold-out ang tickets na kanilang ibinenta, kaya pati 'yung nawalan ng upuan ay sa aisle na lang mga nagsiupo.

 

Palakpakan to the max nang sa isang eksena ay muling kumanta si Nora Aunor na alam naman ng lahat na nawalan ng boses nang dahil sa isang throat operation, pero sa eksenang 'yun ay totoong boses ni Ate Guy ang kanilang napakinggan, in pernes, 'noh!


Ang role rito ni Superstar Nora Aunor ay isang inang may dementia at ang gumanap niyang anak dito ay si Alfred Vargas na pinabilib kami dahil ang lakas din pala ng acting ability nito sa kanyang mga eksena sa Pieta, sa true lang. 


Hindi siya mukhang politician dito sa Pieta, in pernes, 'noh!


Well, harinawa ay pumatok din sa takilya itong Pieta nila tulad ng kinita ng Rewind movie nina Dingdong Dantes at Marian Rivera. 


'Yan ang "Wish ko lang, Vicky Morales" ng mga Noranians at iba pa.


'Yun lang and I thank you!



Napaka-sweet naman talaga ni Sen. Robinhood Padilla sa kanyang misis na si Mariel Padilla.


May pinagdaraanan kasi ngayon si Mariel na dumaranas ng depression sa pagkamatay kamakailan lang ng kanyang mommy dearest. 


'Di pa gaanong nakaka-move-on si Mariel pero nagpapaka-busy ito sa kanyang food business para tuloy lang ang buhay.


Kaya naman para maibsan ang kalungkutan ni Mariel ay nag-post si Robin ng mensahe para sa kanyang misis sa kanyang Instagram account which goes… 

"Alhamdulillah 


Ang asawa ko Ayaw niya matigilan o mapaisip kaya iniiwasan niya na mapaupo Lang o mapatulala


Kinakain siya ng kalungkutan sa biglaang pagkamatay ng kanyang mahal na ina

Kayat sa buong araw nais niya gumalaw

Gawin ang lahat ng bagay para maging abala 

Tumulong Magbuhat

Magluto 

Maglinis

Mamalengke

Magtulak

Magpaligo

Magmaahe 

Atbpa

Kasabay ng pagiging kanyang Ina 

Asawa 

at kapatiran ng kanyang mga angels


Hindi rin niya isinasantabi ang kanyang pagiging tindera ng Bayan dahil sa mga umaasa sa kanyang pagbebenta na nagbibigay ng income/kita/ sideline sa mga nakalinya sa kanyang pangkat tindera.

Literal na sa kanyang pagod sa araw at gabi

Bagsak na Lang siya sa kama para makatulog."


Oh, ha? For sure, kinilig si Mariel sa appreciation post na ito sa kanya ni Sen. Robin. 

 




 

 
 

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | January 11, 2024



Thank you to our heavenly Father Lord God Jesus Christ dahil invited kami sa preskon ng GMA-7's newest TV series, ang Love, Die, Repeat na pinagbibidahan nina Jennylyn Mercado, Xian Lim and a lot more na mapapanood na this coming January 15, 8:50 PM sa Kapuso Telebabad.

 

Sa mediacon of said TV series ay napansin namin na may chemistry as love team sina Jennylyn at Xian, in pernes, ha?

 

Si Jennylyn, puwedeng masabing wala pang anak 'coz super sexy ang wankatitat nitey at mapapagkamalan mong dalaga pa kahit meron na siyang jowang Dennis Trillo at mga dyunakis.

 

Si Xian Lim naman ay tipong hindi looking brokenhearted sa breakup nila ng long-time girlfriend na si Kim Chiu.

 

Mas pumogi ito ngayon at gumanda rin ang katawan na dating may pagka-slim. Tipong hindi naman itey much affected sa breakup nila ni Kim at masaya ang arrive ng kanyang aura during the Q&A portion ng Love, Die, Repeat.

 

Nang magkaroon ng pagkakataon si yours truly ay pareho kong natanong ang dalawa ng ganitey, na may konek sa title ng kanilang TV series… "Jennylyn, do you believe that love is born and so it dies but only to repeat again?"

 

"Depende po sa sitwasyon, eh. Depende po sa ating magiging kapalaran sa love. At higit sa lahat, depende po sa kagustuhan ng ating Poong Maykapal. Sa Kanya lang po nakadepende ang ating future. So siguro nga po, depende na rin sa kung anuman ang ating magiging kagustuhan sa buhay," ang pahayag ni Jennylyn.

 

Kunsabagay, may point siya in pernes, 'noh! Depende naman sa ating mga kagustuhan man o hindi, boom ganernnn!

 

"Eh, ikaw Xian, do you believe that love is born and so it dies but only to repeat again?" asked namin sa aktor.

 

"Ahh, maganda po 'yung tanong pero tulad nga po ng paulit-ulit kong sinasabi, lahat po naman ng bagay sa buhay natin, nangyayari for a reason pero hindi naman po natin alam kung ano ang rason na 'yun, eh. Ngayon, we all have to look forward kung anuman ang naging rason na 'yun," esplika ng ex-labs ni Kim Chiu.

 

Ganernnn, Xian Lim, hindi mo talaga alam kung ano'ng naging rason ng hiwalayan blues n'yo ng long-time sweetheart mo na si Kimmy?

 

Well, that's hampasibol! Insert smiley, ☺!

 

Kunsabagay, hindi naman kasali si Kim Chiu sa casting ng Love, Die, Repeat ng GMA-7 kaya no reason para i-include pa ni Xian ang ex-labs niyang si Kimmy sa tanungan portion.

 

'Niwey, ang tema ng istorya ng Love, Die, Repeat ay something like kapag pinagdaanan mo ang pinakamasakit na hiwalayan blues sa pag-ibig, uulit ka pa ba?

 

Paano kung na-realize mo na paulit-ulit ang oras? Or hindi lang oras kundi pati araw or day by day?

 

Mula sa direksiyon ni Jerry Lopez-Sineneng, mapapanood din sa Love, Die, Repeat sina Nonie Buencamino, Samantha Lopez, Shyr Valdez, at Malou de Guzman.

 

'Yun lang and I thank you.

 

 
 

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | January 6, 2024



Nagkausap kami ni long-time friendship and former movie actress now tserman sa isang barangay sa QC na si Tina Monasterio at kinumusta ni yours truly ang aktor nitong anak na si Derrick Monasterio.


"Humiwalay na siya sa amin... dito sa poder ko," sagot ni Tina M.

Bakit?

"May ka-live-in na siya, eh."

Sino?

"Si Elle Villanueva."


Aahhh, si Elle Villanueva, 'yung naging ka-love team niya sa GMA-7 TV series titled Return To Paradise?


"Oo. Love na love niya si Elle. Kaya okay lang sa akin. Nasa hustong age na naman sila, eh. Siyempre, kung saan at kanino happy ang anak ko, happy na rin ako," pagtatapos na pahayag ni former actress Tina Monasterio.


Kunsabagay, ang mga mommy dearest naman, kung saan at kaninong piling maligaya ang kanilang mga dyunakis, wa' na lang silang sey, as in tanggap na nila kung sino man ang maging kapalaran at makakasama sa buhay ng kani-kanilang mga anak.


Boom, ganernnn!


Magpapakasal din daw sina Derrick Monasterio at Elle Villanueva sooner than soon pero sa ngayon ay pinaghahandaan pa ng dalawa ang buhay-mag-asawa at siyempre, hindi pa nila iiwanan ang kani-kanilang showbiz career lalo na at identified sila as Kapuso stars. 

'Yun na!

 

 
 
RECOMMENDED
bottom of page