top of page
Search

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | January 27, 2024


ree

Nanganib ang buhay kamakailan ng veteran actress na si Deborah Sun nu'ng mag-taping siya sa Batang Quiapo ni Coco Martin.


The following ay ang kanyang naging PM kay yours truly that goes…


"Naaksidente ako sa taping ng Batang Quiapo. Nilagyan ng cast ang upper arm ko hanggang balikat. 


"'Yung mukha ko, bumagsak sa lapad na semento kaya maga ang mukha ko, pikit-mata 'ko. Para akong binugbog.


"Pero importante, nagawa ko nang tama 'yung mga eksenang ipinagawa sa akin.


"Habang take. Habulan ang eksena, barilang eksena, pero na-out of balance ako, bumagsak ako padapa. Mukha ko ang unang tumama sa sahig na semento. Nang iharap ako, pati pala balikat at braso, hindi ko na maikilos.


"Isipin mo, napasubsob ako talaga sa lapad na semento, bagsak talaga ako, plakda pati buong mukha.


"Pero aksidente naman iyon. Importante, nagawa ko pa rin iyon dapat gawin sa eksenang iniutos sa akin. Kaya no regrets. Tanggap ko dahil may mga aksidente talagang hindi maiiwasan lalo na sa mga buwis-buhay na eksena," pagtatapos ni Deborah Sun.


Naku, sa susunod, ingatz-ingatz lang, friendship Deborah Sun, lalo na ngayong nabigyan ka uli ng chance na maka-acting sa Batang Quiapo ni Ccco Martin, 'noh!


In pernes, hindi naman siya pinabayaan ng mga co-stars at director niya, plus Coco Martin, at agad siyang dinala sa ospital.


Kaya naman, gusto niyang ipaabot ang pasasalamat kina Sen. Lito Lapid sa tulong na ipinadala sa kanya, Ara Mina, Lorna Tolentino, at tiyuhing si Phillip Salvador na sobra raw nag-alala sa kanya. 


Maya't maya ay text daw nang text at tawag nang tawag ang mga ito at kinukumusta ang kalagayan niya. 


"And siyempre, sobrang nagpapasalamat din ako kay Direk Coco Martin at sa ABS na hindi nila ako pinababayaan. Sagot nila lahat ang gastos dito sa hospital. Tawag nga rin nang tawag iyong field cashier ni Direk Coco at kinukumusta ako, kung ano raw kailangan, text or tawag agad sa kanila. Salamat talaga kina Sen. Lito, Ara Mina, LT, Tito Phillip and Direk Coco Martin and ABS."


Ngayon pa lang kumikita si Deborah Sun buhat nang mapasama siya sa Batang Quiapo. 

Mula kasi nang manggaling siya sa USA ilang taon na ang nakararaan ay wala na siyang career na binalikan dito kung kaya pinatira na lang siya nang libre ni Ara Mina sa isa sa mga condo nitey, plus kasama niya ang kanyang pamilya. 


Tapos, heard na binigyan din siya ni Ara Mina ng kotse upang magamit niya sa mga tapings or shootings at sabi pa ni Deborah or Gigi as we fondly call her ay magagamit din niyang pang-negosyo as Grab service kapag wala siyang raket para nga naman sa panggastos nila ng pamilya niya sa araw-araw. 


Well, sana ay marami pang katulad ni Ara Mina na tumutulong nang walang kapalit sa mga needy ones lalo na sa kanyang kapwa artista at sana, pati rin sa mga entertainment writers na needy ones din, boom 'yun na!


Samantala, ang latest update sa amin kahapon ng anak ni Deborah, "Kagagaling lang po rito ng ortho surgeon. Ang sabi po is need daw po ni Mama magpa-therapy para makapag-upo and tayo and kilos siya without damaging the fracture since healing pa po. 


"So while here po, papa-therapy po siya and then once okay na po sa pag-upo and tayo, puwede na po siya ma-discharge. But once ma-discharge po siya, need daw po bumalik every 2 weeks for X-ray to check if okay 'yung pag-heal nu'ng buto which could take around 2-3 months daw po. 


"And if ever makita sa X-ray na na-dislocate po 'yung bone, there is a possibility daw na maoperahan. Also, if ever daw po matapos na 'yung cast and mag-heal 'yung buto pero masakit pa rin 'yung sa side ng fracture, they will need to do an MRI daw po to check if may napunit na ligament sa area na 'yun, aside sa bone fracture na nangyari. 


"And if ever na meron daw po, they will need po na mag-opera rin daw po. Pero if all is well after the cast daw po, baka therapy lang naman daw po ang need kasi normally 'pag gano'n daw po katagal 'yung cast, nahihirapan na raw pong galawin 'yung part ng body na 'yun kaya need for therapy if ever po."


Pagaling ka agad, our dear friendship. 


'Yun lang and I thank you.

 

 

 

 
 

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | January 22, 2024


ree

Para sa mga Pinoy sa L.A., ready na ang first-ever MIFF na gaganapin this coming January 29 hanggang February 2 sa ilang theaters sa Los Angeles, California kung saan maraming naka-based na Pinoy families. 


Si Dingdong Dantes ang nakatakdang bumiyahe sa LA to represent Rewind. Si Enchong Dee at ang Best Actor winner na si Cedrick Juan naman para sa Gomburza.


Si Ashley Ortega naman ang kakatawan sa Firefly. Si Christopher de Leon will represent When I Met You in Tokyo.


Pitching in for Sharon Cuneta is Alden Richards para sa Family of Two.


Si Christian Bables ang sole representative ng Broken Hearts Trip.


Mag-isa namang rarampa si Beauty Gonzales para ibandera ang Kampon.


John Arcilla will grace the occasion mula sa Penduko.


Si Janella Salvador naman ang representative ng Mallari.


Minus her co-star Pokwang, abangan din si Eugene Domingo from Becky & Badette.


Inaasahang magkakaroon ng ibang resulta sa bigayan ng awards, which means that last year’s MMFF winners ay hindi pareho ng sa MIFF sa LA. 


At maraming Pinoy na naka-chat namin sa socmed na naka-based sa Los Angeles, California ang may gustong manalo si Dingdong Dantes sa role nito sa Rewind dahil siguro ito ang pumatok nang husto sa takilya nito lang nakaraang MMFF 2023.


In pernes naman kay Dingdong Dantes ay isa ito sa mga naging nominado bilang Best Actor sa nakaraang MMFF '23 Awards Night. 


'Yun na!

 

 
 

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | January 19, 2024


ree

Yessss, Sir! 


Naging bukas ang aktor na si KD Estrada sa ginawa niyang pagdepensa sa ka-love team-partner na si Alexa Ilacad laban sa mga bashers nito.


"Para sa akin din naman po kasi, even in real life, kailangan din po nating i-set 'yung boundaries. Para sa akin, when you step over a boundary, that means you are either attacking someone who is very close to me personally. 


“Kasi si Alexa for me is hindi na siya work. I don't consider being with Alexa as work. I consider her as someone who I have a close connection to, parang family. She feels so much like family. And when you hurt my family or when you try to attack my family, I will really defend talaga po," ani Estrada.


Pag-amin naman ni Alexa, nabigla siya sa naging pagdepensa sa kanya ni KD. 


"Actually po, sa totoo lang, nagulat po ako noon. Kasi I remember that moment, magka-text pa kami ni KD, nagtatawanan pa kami. For a brief moment, hindi na siya nag-reply.


Sabi ko, 'Hello, hello nandiyan ka pa ba?' Tapos biglang 'yung mga sagot niya, 'I'm so mad' ganyan. Naggaganu’n na siya. 


“Tapos sabi ko, 'What's happening?' Tapos sinabi nga niya, 'They are doing this to you.'


Ako po kasi, sabi ko, 2024 I choose to set boundaries to myself and I will not allow anyone else to destroy the peace that I'm making for myself in my life. 


“So 'yung mga ayaw ko na makita ay naka-mute, naka-block, naka-unfollow, everything. So hindi ko nakikita na may ganu’n na palang nangyayari... Tapos, sabi ko sa kanya, huwag na siyang magsalita or ma-stress. 


“Pero kilala ko ito, kapag may gusto siyang gawin especially if it involves me, hindi mo siya mapipigilan. So sabi ko, I am scared that you may face backlash if you speak up," ani Alexa.


"Para sa akin naman, 'yung backlash against me, it's fine. Pero if it's towards you, I cannot let that happen," giit ni Estrada na nagpakilig sa mga hosts ng Magandang Buhay at mga manonood.  


Matatandaang noong nakaraang linggo ay hinarap ni Estrada ang bashers ni Ilacad sa naging post niya sa social media.


Iginiit din niyang hindi niya na nais na maugnay pa sa dating fandom.


Sina Estrada at Ilacad ay dalawa lamang sa mga bidang bituin ng seryeng Pira-Pirasong Paraiso na nalalapit na ang pagtatapos.

 

 
 
RECOMMENDED
bottom of page