top of page
Search

ni Melba R. Llanera - @Insider | October 20, 2020


ree


Agad ipinagtanggol ni Rambo Nuñez ang kasintahang si Maja Salvador mula sa mga pamba-bash ng ilang netizens.


Walang utang na loob ang paratang na ibinato kay Maja dahil sa ngayon ay host na ito ng Sunday Noontime Live (SNL) at wala na sa ASAP Natin 'To na naging pamilya ng aktres sa loob nang matagal na panahon.


Sa Instagram post ni Maja nu'ng nakaraang October 7 ay inaanyayahan nito ang mga tagahanga na panoorin ang bagong show niya sa TV5, kasama ang ilan ding dating kasama sa Kapamilya Network. May mga netizens na hindi maganda ang naging komento kay Maja at ilan nga sa mga ito ay tinawag na "walang utang na loob" ang aktres.


Agad namang nag-post ng encouraging message si Rambo para sa girlfriend kung saan ipinagmalaki nito si Maja. Ayon din kay Rambo, hindi alam ng mga tao ang pinagdaanan ni Maja bago napunta sa sitwasyon nito ngayon, pero ipinagmamalaki niya na may mabuting puso ang kasintahan.


Siniguro rin ni Rambo na lagi lang silang nasa likod ni Maja para suportahan ito.


Nu'ng Linggo nga ay ini-launch na ang SNL kasabay ng time slot ng ASAP Natin 'To at All-Out Sunday ng Kapuso Network. Tulad ng lagi naming sinasabi, sa ganitong kompestiyon, ang laging makikinabang ay ang mga manonood dahil nandu'n ang hamon para sa tatlong istasyon na magbigay ng de-kalidad at entertaining na mga shows.

 
 

ni Melba R. Llanera - @Insider | October 16, 2020


ree


'Di namin alam kung may halong katotohanan ang mga parinig ng dating mayor ng Quezon City kay Ruffa Gutierrez sa nakaraang virtual presscon ng The House Arrest of Us. Gumaganap bilang mga magulang ni Kathryn sa istorya, mukhang tinototoo ni Mayor Herbert ang role nila ni Ruffa bilang mag-asawa sa digital movie series. Ilang beses na nagbiro si Mayor Bistek na matagal na siyang may crush sa aktres, kasabay nito ang mga panunukso sa kanila ng mga kasamahan. Mukhang ayaw namang sakyan ni Ruffa ang mga biro ni Mayor Bistek at 'di sineseryoso ang mga pahaging sa kanya ng komedyante.

Sa tingin namin ay mukhang ingat na ingat na ngayon ang dating beauty queen sa pakikipagrelasyon lalo't balita na nauwi na rin sa breakup ang ilan taon din nilang relasyon ng foreigner boyfriend. Bukas din si Ruffa sa pagsasabing hindi na rin niya prayoridad ang buhay-pag-ibig ngayon at mas prayoridad niya muna ang mga anak na sina Venice at Lorin at ang kanyang trabaho.

 
 

ni Melba R. Llanera - @Insider | October 13, 2020


ree


Sa panayam ni Jessica Soho kay Vic Sotto nu'ng nakaraang Linggo para sa Kapuso Mo Jessica Soho ay kitang-kita ang pagiging proud at kakaibang saya ng sikat na komedyante kapag pinag-uusapan ang anak nila ng asawang si Pauleen Luna na si Talitha o Tali.


Ayon nga kay Vic, si Tali ang nag-iisa niyang anak na nasubaybayan niya ang paglaki mula sa unang paglalakad nito, mga kantang unang natutunan, hanggang sa pagbibilang nito sa iba't ibang lengguwahe.


Nahingan din ng reaksiyon ni Jessica si Bossing tungkol sa pamba-bash ng ilang netizens sa anak kung saan nagbanta pa nga noon si Pauleen sa netizen na nanlait kay Tali.


Kampanteng pahayag ng komedyante, ang mas mahalaga para sa kanila ay mas marami ang natutuwa at napapasaya ni Tali kaysa sa mga nagsasabi ng 'di maganda sa kanyang bunsong anak.


Dagdag pa ni Vic, may kani-kanyang opinyon ang bawat isa sa atin pero sana ay maging responsable rin ang ibang tao sa mga ikinokomento at ipino-post ng mga ito sa social media.


Sa tagal sa showbiz ay sanay na rin si Vic sa kalakaran ng industriya. Kumbaga, tanggap nito na 'pag artista ka ay pag-aari ka ng publiko na may gugusto at aayaw sa iyo.

Ngayon pa lang ay kinakitaan na ni Vic si Tali ng pagiging bibo at tsansa na pasukin din ang showbiz pagdating ng panahon. Tuwang-tuwa si Tali tuwing nakikita nito ang sarili sa telebisyon na sumasayaw kasabay ang ibang hosts ng Eat… Bulaga! na nasa studio. Isa na si Tali sa mga inaabangan sa Eat… Bulaga! kung saan marami ang natutuwa sa kabibuhan ng bata.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page