top of page
Search

ni Melba R. Llanera - @Insider | June 28, 2021



ree

"Of course I'm very, very happy for her," ang bungad na pahayag ni Iñigo Pascual nang hingin namin ang reaksiyon niya tungkol sa kumpirmado nang relasyon ngayon nina Maris Racal at Rico Blanco.


Dagdag pa ng dating kasintahan ni Maris, "Actually, alam ko kung gaano kasaya si Maris with Rico. I mean, she always love and admire Rico for a very, very long time. I am very happy for her.


"She's coming out with her music, may lalabas siyang kanta. Nakaka-proud kasi nakita ko si Maris na nag-i-struggle na hinahanap ang sarili niya or 'yung mga gusto niyang gawin.

"To see her blossoming into someone which she is now, and how she's really being herself in front of people, talagang nakakatuwa. Sobrang nakakatuwa," masayang pahayag pa ni Iñigo.

Bukod sa pagiging ex-sweethearts, nagkapareha rin sina Maris at Iñigo sa ilang proyekto kaya't nabuo ang tambalang MarÑigo, kung saan marami ang nalungkot sa kanilang mga tagahanga dahil 'di nagkatuluyan ang dalawa.


Sa tanong namin kung may komunikasyon pa ba sila sa ngayon ni Maris, inamin naman sa amin ni Iñigo na matagal na silang 'di nakakapag-usap at bilang respeto at para maiwasan na rin na maging "awkward" sila sa isa't isa ay mas mabuti na rin daw na 'wag na munang buksan ang komunikasyon sa pagitan nila.


Ayon kay Iñigo, buung-buo ang suporta niya para sa relasyon nina Maris at Rico at maligaya siya dahil alam niyang masayang-masaya ngayon si Maris.


Samantala, bukas din si Iñigo sa mga proyekto na pagtatambalan nilang muli ni Maris kung saka-sakaling may offer silang matanggap. Tiyak na ikatutuwa ito ng mga solid MarÑigo fans na hanggang ngayon ay nag-aabang pa rin sa balik-tambalan ng dalawa.


Tinanong din namin kung handa na ba siya sa pakikipagrelasyon kung saka-sakaling may dumating sa buhay niya ngayon.


Ipinaliwanag sa amin ni Iñigo na sa dami ng ginagawa niya sa kanyang career sa ngayon ay wala siyang oras para sa pakikipagrelasyon. Naniniwala rin ang singer-actor na 'pag siya ang pumasok sa isang relasyon, gusto niya ay seryosohan na at mauuwi na sa kasalan, kaya mas gusto niya na mangyari na lang ito sa tamang oras.


Kalo-launch lang ng international album ni Iñigo na may titulomg Options kung saan bukod sa mga sariling komposisyon, may mga nakapaloob ding komposisyon mula sa ilang songwriters mula sa Manila at California.


Tuwang-tuwa si Iñigo na napakinggan ang carrier single niyang Danger mula sa album na Options sa radio station na 102.7 KIIS FM sa Los Angeles, California, USA.


Kuwento sa amin ni Iñigo, sobra siyang natuwa rito dahil nu'ng nasa America pa pala siya nakatira ay ito na ang radio station na pinapakinggan niya.


Nakakabilib lang na sa kabila ng husay at talento sa pagkanta at pagsasayaw ay sumasailalim pa rin sa intensive training si Iñigo sa pagpe-perform na gaya ng training na ginagawa sa South Korea.



 
 

ni Melba R. Llanera - @Insider | June 20, 2021



ree

"I feel there's a fine line between joke and nakakabastos na. Nu'ng nakita ni Mommy (Sunshine Cruz) 'yan, sobrang na-disturb siya kasi it's something... there's a joke and humor, pero parang disturbing na kasi minor kami ni Chesca.


"It's weird na they're editing someone of that inappropriate thing to our simple family photo. Hindi na nakakatuwa. My mom, she was supposed to ignore it na lang and let it slide, pero hindi na talaga tama and nakakabastos na.


"She has to speak up about it and let them know na it's not right," ang mahabang pahayag ni Sam Cruz Montano nang hingan ng reaksiyon ng Cinema News tungkol sa isang netizen na pinalitan ang larawan ni Macky Mathay ng isang male porn actor sa Mother's Day celebration ng kanilang pamilya.


Tulad ng inang si Sunshine ay umalma rin si Sam sa mga taong sine-sexualize ang buo nilang pamilya.


Ayon nga sa batang singer, mga tao rin sila at may mga damdamin at nakakalungkot na sa murang gulang ay dumaraan sila sa pambabastos mula sa ibang tao.


Patuloy na pagkukuwento ni Sam, pinapalagpas lang nila dati ang gumagawa ng ganito sa kanilang pamilya, pero ngayon ay sobra na ang effort ng pambabastos sa kanila kaya kailangan na nilang magsalita at ipaalam na mali ang ginagawa sa kanila.


Samantala, sumusunod si Sam sa yapak ng mga magulang kung saan pinasok na rin nito ang pagkanta at may single siya ngayon sa Universal Record, ang Train of Thoughts.


Excited si Sam kung darating ang araw na makaka-collaborate niya ang mga magulang.


Lumaki si Sam kung saan nagdya-jamming ang kanilang pamilya at nagse-second voice pa siya sa kanyang ina. Galing din sa pamilya ng mga singers, ang mga Cruz, bukod dito ay kumakanta at naggigitara naman ang ama niyang si Cesar Montano.


Music influence ni Sam sina Sarah Geronimo, Moira dela Torre at Julie Anne San Jose kung saan bilib siya sa stage presence at talento ng tatlo.


Gusto ring maka-collaborate ni Sam si Moira kung saan bukod sa kinalakihan na niya ang mga pinauso nitong kanta ay gusto niya ang mensahe ng mga awitin nito.




 
 

ni Melba R. Llanera - @Insider | May 02, 2021



ree

Sa presscon ng Gold Squad Plus kung saan isa sa mga ipinakilala bilang miyembro ng grupo ang anak nina Sunshine Cruz at Cesar Montano na si Samantha Montano, agad naming tinanong si Sam kung ano ang reaksiyon at suportang ibinigay nila sa inang si Sunshine nang dapuan ito ng COVID-19 virus.


Twenty-two days na nag-quarantine ang aktres bago ito nagnegatibo sa virus, pero dalawa sa mga kamag-anak nito ang namatay dahil sa COVID.


Kuwento sa amin ni Sam ay nakaramdam sila ng mga kapatid niya ng takot para sa kalusugan ng ina, pero mabuti na lang at 'di matindi ang mga sintomas nito.


Bilang suporta, araw-araw ay kausap nila si Sunshine kung saan lagi nilang itine-text, tinatawagan at nagpe-Facetime sila kahit sa bahay lang nag-quarantine ang ina.


Sa ngayon nga ay masayang-masaya at sobra ang pasasalamat ng magkakapatid na magaling na ang kanilang mommy at nagbalik-trabaho na rin ito.

Samantala, isa si Sam sa mga baguhang artista na nakaranas na ng pamba-bash mula sa ilang netizens, kung saan binastos silang magkakapatid ng isang netizen at galit na galit naman ang ina sa gumawa nito.


Ayon kay Sam ay sinabihan sila ng mga magulang na bago magbigay ng komento sa ilang isyu ay siguraduhin nilang alam nila ang pinag-uusapan at kung hindi ay mag-research muna bago magkomento.

Tinanong din ang dalaga kung sino sa palagay niya ang mas nakakahawig niya sa mga magulang at aminado siyang kombinasyon ng physical features nina Sunshine at Cesar, pero pagdating sa personalidad ay nakikita niya na mas malaki ang pagkakapareho nila ng ina, lalo na't sila ang laging magkasama.

Sabi rin ni Sam, bukod sa musika ay gusto rin niyang subukan ang pag-arte. 'Di naman na kataka-taka kung kakitaan ng malaking potensiyal sa acting si Sam lalo't parehong mahusay na artista ang mga magulang niya.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page