top of page
Search

ni Melba R. Llanera - @Insider | February 10, 2022



ree


Matapos ang naging pagtungtong ni Toni Gonzaga sa entablado para sa kauna-unahang campaign period ng BBM-Sara Duterte tandem, heto na nga ang balitang boluntaryo na siyang nagpaalam sa Pinoy Big Brother at inendorso na kay Bianca Gonzales ang pagho-host ng show.


Kasunod naman nito, matunog ang usap-usapan na lilipat daw si Toni sa Advanced Media Broadcasting System (AMBS) o ang istasyon na pag-aari ng pamilya ni dating Sen. Manny Villar na nakakuha ng frequencies na dating pagmamay-ari ng ABS-CBN.


May bali-balita rin na isang noontime show daw kasama si Willie Revillame ang naghihintay kay Toni sa AMBS.


May ilang sources naman ang nagsasabi na nasa bakuran na raw ng nasabing istasyon ang mister ni Toni na si Direk Paul Soriano kaya't 'di kataka-taka na sumunod dito ang TV host. Sa ngayon ay kabi-kabila ang pambabatikos at pamba-bash na tinatanggap ni Toni mula sa mga netizens kung saan napaparatangan siya na ingrata, walang utang na loob at kung anu-ano pa, pero nananatili itong tahimik.


Ang tanging ipinost ni Toni sa kanyang IG Stories kahapon ay ang pagdalo niya sa Phil. Arena kung saan nga siya nagsilbing host sa first day campaign ng BBM-Sara tandem at sa huling larawan ay may caption na "unbothered," na tiyak na ikaaalma ng maraming netizens.

 
 

ni Melba R. Llanera - @Insider | January 06, 2022



ree


‘Di pa man natutupad ang hiling ni McCoy de Leon na magkaayos sila ng ina ni Elisse Joson na si Dra. Christine Joson ay naniniwala kami na darating din ang panahon na lalambot ang puso nito para sa anak at manugang, lalo't nandiyan na ang apo niyang si Baby Felize.


Sa nakaraang interview namin kay McCoy, inamin nito na ang araw-araw niyang hiling ay maayos at maging buo at kumpleto ang kanilang pamilya.


Napakalaki raw ng utang na loob niya sa ina ni Elisse dahil ito ang nag-alaga sa kanyang mag-ina habang nasa Amerika ang mga ito at naiwan siya rito sa Pilipinas para magtrabaho.


Sa tanong namin kung may ginagawa ba siyang paraan para magkaayos sila ni Dr. Christine Joson, ang sagot sa amin ni McCoy ay lagi niyang iniisip na ang paraan dapat ay laging nasa tamang panahon at laging may respeto, at ginagawa niya kung ano ang mga itinuro sa kanya ng mga nagmamahal sa kanya, lalo na ng kanyang mga magulang sa ganitong mga pagkakataon.

Lagi nang napag-uusapan ang tungkol sa pagpapakasal pero ang nasa isip nina McCoy at Elisse ay maging praktikal sa buhay, lalo't ‘di biro ang manganak at panahon pa ngayon ng pandemya.

Excited at kitang-kita ang pagiging ama niya, aminado si McCoy na ngayon ay mas pursigido siyang magtrabaho at magsikap sa buhay dahil nandiyan na ang kanyang mag-ina na nagsisilbing inspirasyon niya sa buhay.





Naging matagumpay ang 2022getherSaNet25 Year End Countdown ng Net 25 na ginanap sa Philippine Arena.


Pinasaya ang lahat ng mga live performances na hatid nina Kean Cipriano at ng kanyang banda, Magandang Dilag hitmaker na si JM Bales, Ruru Madrid, rapper na si Rapido, Princess Velasco, Jay Durias at iba pa.


Pinangunahan ito ng Kada Umaga morning show hosts na sina Pia Guanio-Mago, Emma Tiglao, Tonipet Gaba, Alex Caleja at iba pa.

Present din ang magkakapatid na Eric, Vandolph at Epi Quizon ng Quizon CityTheater na pinakabagong gag show ng Net 25 na mapapanood na sa January 9, tuwing Linggo, at 8 PM.


Tampok din sa nasabing gag show sina Merwin Bailey, Martin Escudero, Gene Padilla, Garry Lim, ang asawa ni Vandolph na si Jenny Quizon at marami pang iba.


Ang gag show na ito na pinagsama ang laugh at trip ay sa ilalim ng direksiyon nina Eric at Epi Quizon.

 
 

ni Melba R. Llanera - @Insider | November 30, 2021



ree


Kung humingi man ng tawad si Albie Casiño sa mga taong na-offend niya sa maanghang niyang pahayag laban kay Andi Eigenmann sa kanyang Kumu live nu'ng October, hindi pala kasama rito si Andi, gaya ng inakala ng iba.


Sa naturang episode ng Kumu live ng PBB evictee ay nabanggit nito na hindi humingi ng tawad sa kanya si Andi sa pagturo sa kanya bilang ama ng ipinagbubuntis nito at masaya siya sa ipinarating sa kanya ng mga kaibigan na malaki ang idinagdag ng timbang ng dati niyang kasintahan.


Agad din naman itong sinalungat ng kapatid ni Andi na si Stevie Eigenmann at ipinakita pa ang pagpapalitan nina Albie at Andi ng mensahe kung saan humingi ng tawad ang huli at tinanggap naman ng aktor.


Paliwanag ni Albie sa eksklusibong panayam sa kanya ng Cinema News, non-apology ang tingin niya sa laman ng mensahe sa kanya ni Andi at hindi naman ito nag-issue ng public apology matapos siyang ipahiya sa publiko.


Aminado naman ang PBB evictee na isang kasinungalingan ang sinabi niyang okay na sila at ang rason niya para sabihin ito ay para 'wag nang pahabain at palalimin pa ang pag-uusap nila ni Andi dahil ayaw nga niya itong makausap pa.


Dagdag pa ni Albie, milyun-milyon ang nawala sa kanyang mga endorsements dahil sa isyung ito na nagpabago sana sa buhay niya at ng kanyang pamilya, bukod pa sa kabi-kabilang pamba-bash na tinanggap niya mula sa mga netizens.


Pinanindigan din ni Albie na ang mga sinabi niya sa Kumu live ay intensiyonal na maging katawa-tawa at ma-offend si Andi.


Sa ngayon ay nagpapasalamat at natutuwa si Albie dahil marami ang nagme-message sa kanya na humihingi ng tawad sa mga pamba-bash na ginawa sa kanya noon at ngayon ay sumusuporta na sa kanya.


Para kay Albie, sa loob ng 12 taon niya sa showbiz, ngayon niya naramdaman ang pagmamahal at suporta ng mga tao.

Isa sa mga PBB housemates na kinakitaan ng pagka-prangka na minsan ay ikinao-offend ng ibang mga kasama sa loob ng bahay ni Kuya, ayon kay Albie, siya ang tipo ng tao na ibinabalik lang kung ano ang ibinibigay sa kanya.


Sasagutin ka niya kung paano mo siya kausapin at rerespetuhin ka niya kung ano ang respeto na ibinibigay mo sa kanya.


Humingi naman ng tawad si Albie sa mga nagawa niya na naka-offend sa ibang kasama at siniguro rin ni Albie na maayos ang samahan nila sa Bahay ni Kuya.

Sa paglabas ng Bahay ni Kuya ay dalawang proyekto ang nakalinyang gawin ni Albie na naudlot sa pagpasok niya nang pumasok siya sa PBB house. Isa na rito ay isang pelikula na ididirek ni Direk Rod Singh at isang short international film na gagawin sa Canada.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page