top of page
Search

ni Melba R. Llanera @Insider | October 04, 2023



ree

Hindi pa man nag-e-entertain ng mga manliligaw sa ngayon, aminado naman si Jillian Ward na maituturing na boyfriend material ang co-star niya sa Abot-Kamay na Pangarap na si Ken Chan.


Papuri nga ng lead actress ng serye, mabait, masipag at matalino si Ken, na bukod sa pagiging artista ay isa rin itong businessman.


Dagdag na kuwento pa ng Kapuso actress, mas na-touch ang puso niya nang magpamisa sila sa taping ng Abot-Kamay Na Pangarap para sa first anniversary ng serye at dito niya nakita kung gaano katibay ang pananampalataya ni Ken sa Diyos.


Sabi ni Jillian, sa ngayon ay mas naging close sila ni Ken dahil sabay silang kumakain sa set at dito rin siya humihingi ng mga payo.


Para nga kay Jillian, hindi man siya nakahanap ng boyfriend kay Ken ay nakatagpo naman siya ng isa pang totoong tao rito.


Unang nakasama ni Jillian si Ken sa Special Tatay kung saan gumanap sila bilang magkapatid at ngayon ay magkapareha na sa serye. Ani Jillian, kahit sila ay nagulat na marami ang kinikilig sa kanila ni Ken, at kalaunan, kahit sila ay kinikilig na rin sa mga eksena nila.


Napapagalitan na nga raw sila minsan sa taping dahil tawa sila nang tawa sa mga eksena nila.

Bukod sa Abot-Kamay Na Pangarap, isa sa mga nakalinyang proyekto na gagawin ni Jillian ay ang pagsasama nila ni Sen. Bong Revilla, Jr. sa isang action-drama-comedy film na mala-Isusumbong Kita Sa Tatay Ko ang tema.


Labis naman ang pasasalamat ng Kapuso actress sa senador dahil naaalala pa rin siya nito kung saan huli silang nagkatrabaho nu’ng apat na taong gulang pa lang si Jillian.


Ikinagalak ni Jillian nu’ng makatanggap siya ng tawag mula kay Sen. Bong kung saan ibinalita nga nito sa kanya na gagawa sila ng pelikula.

Proud din si Jillian na siya ang tinatawag ngayon na Star of the New Gen. Sa kabila ng titulo na ibinigay sa kanya, para sa Kapuso actress ay ayaw niyang pumasok ito sa isip niya at ine-enjoy niya lang ang mga trabahong ipinagkakatiwala sa kanya lalo't bukod sa ayaw niyang ma-burn out ay iniiwasan niya ring lumaki ang kanyang ulo na siya nga namang nangyari sa ibang artista ‘pag sumikat na at nagkapangalan.

 
 

ni Melba R. Llanera @Insider | September 22, 2023



ree

Pagkatapos maging viral ang interview namin kay Julia Barretto sa nakaraang Preview Ball kung saan hindi nito sinagot ang tanong namin sa kanya kung ano ang masasabi niya sa pagkakaayos ng boyfriend na si Gerald Anderson at ex nitong si Maja Salvador.


Nagsalita itong ‘di tama ang lugar para sa tanong namin at ang dating ay tila nag-walkout ito. Ang tiyahin nitong si Claudine Barretto ang mismong nanghingi ng pasensiya sa amin para sa ginawa ng pamangkin.


Naganap ito sa nakaraang 10th anniversary ng Urban Smile Dental Clinic kasabay na rin ng 36th birthday celebration ni Dr. Ralph Figaroa delas Alas or mas kilala bilang Dr. RFD kung saan isa sa mga endorsers si Claudine.


Kasama ang ilang invited media ay nagpaunlak ng mabilisang interview si Claudine kung saan kinumusta namin ang mga pinagkakaabalahan niya ngayon, pati na rin ng kanyang Ate Gretchen Barretto na ayon sa kanya ay nasa maayos namang kalagayan, at ang hiling ng mga tagahanga nila ni Judy Ann Santos na magsama sila sa isang proyekto.


Tinanong din namin ang bali-balita na may plano na raw na magpakasal sina Julia at Gerald at dito ay biniro kami ni Claudine at ibinalik sa amin ang naging sagot noon ng pamangkin.


Pagkatapos ng interview at pagpapa-picture ng mga tagahanga ng aktres ay lumapit ito sa amin at bumulong na pagpasensiyahan na lang si Julia sa nagawa nito. Agad naman naming sinagot ang aktres na wala ‘yun at walang problema sa amin lalo't ‘di naman namin naging ugali na mamersonal sa kahit na sinong artista.


Saludo kami sa galing makisama, pagpapahalaga at kababaang-loob ni Claudine kung saan mula nu’ng una namin siyang nakilala hanggang ngayon ay ‘di nagbago ang magandang pakikitungo nito sa amin.


 
 

ni Melba R. Llanera @Insider | August 2, 2023



ree

Sa special screening at media conference ng Senior High, agad na kinlaro nina Kyle Echarri at Andrea Brillantes na ‘di sila nagbebenta ng love team gaya kung paano ibinenta noon ang mga tambalang KyCine (Kyle and Francine Diaz) o SethDrea (Seth Fedelin and Andrea) at wala silang pinapaasang tao.


Sa kabila nito, labis din ang pasasalamat nila sa mga KyDrea fans dahil matagal na nitong hinintay na magkasama sila sa isang project at natupad nga ito sa Senior High.


Pero para sa kanila ay okay lang kung love interest nila ang isa't isa sa istorya.


At kung matatali sila sa isa't isa at makilala as love team, malabo namang maging magdyowa sila dahil matalik silang magkaibigan sa totoong buhay at masaya sila na naibalik nila ang kanilang pagkakaibigan pagkatapos ng ilang taon ding pagkakalayo.


Samantala, pinabilib ni Andrea ang halos lahat ng dumalo at nanood sa special screening ng Senior High sa husay at versatility na ipinakita nito bilang aktres, kaya't ‘di na dapat pagtakhan kung ituring siya bilang ‘most important star’ sa Kapamilya Network.


Bukod sa husay ni Andrea, mahuhusay din ang lahat ng kasama sa serye, pero lutang na lutang ang galing nina Angel Aquino at Baron Geisler sa bawat eksena.


Ang Senior High ay napapanood tuwing 9:30 PM sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, Kapamilya Online Live sa ilalim ng direksiyon nina Andoy Ranay at Onat Diaz, at sa ilalim ng produksiyon ng Dreamscape Production.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page