top of page
Search

ni Melba R. Llanera @Insider | October 19, 2023


ree

Hilung-hilo at pakiramdam ng mga netizens ay nasa roller coaster sila sa away-bating relasyon nina Kris Aquino at Vice-Gov. Marc Leviste.


Heto't kapo-post lang ni Kris na ang vice-governor ang naging daan para magkita silang muli ng itinuturing niyang panganay na si Kim Chiu na kasalukuyang nasa America at dumalaw sa TV host.


Sa post ni Kris ay nagpasalamat din ito sa anak na si Bimby na nagturo sa kanya para ayusin kung anuman ang dapat ayusin sa relasyon nila ni Marc sabay hiling na sana ay magpatuloy ang maganda at suportadong relasyon nila.

Dalawang linggo na ang nakakalipas nang mag-post noon si Kris na wala na silang komunikasyon ni Marc.


Sumama ang loob niya sa kasintahan nang makita ang larawan nito kasama ang ama ni Joshua na si Phillip Salvador at si Sen. Robin Padilla na ex-boyfriend naman ni Kris.


Nagkasama-sama ang tatlo sa isang event sa Capas, Tarlac noong August 27.


Sa pagbabalikan na ito nina Marc at Kris, marami ang tumataas ang kilay at nagsasabing bumilang lang ng ilang araw ay tiyak na may away na naman ang dalawa pero marami rin naman ang humihiling na sana nga ay maging masaya na sa kanyang buhay-pag-ibig ang TV host sa piling ng vice-governor.

 
 

ni Melba R. Llanera @Insider | October 17, 2023


ree

Masayang-masaya at proud si Cesar Montano sa mga positibong pagbabago na nakikita niya sa anak na si Diego Loyzaga magmula nang maging ama na ito kay Baby Hailey.


Ayon kay Cesar, masasabi niyang mas nagkaroon ngayon ng direksiyon si Diego sa buhay, mapa-career man o personal na buhay.


Kuwento pa ni Buboy (palayaw ni Cesar), ayaw nang lumabas ni Diego 'pag gabi na. At kapag nasa labas naman ito ay gusto kaagad umuwi para makasama ang anak.


Para kay Cesar, nagkaroon ng disiplina si Diego pagdating sa oras, kung saan bukod sa nakakatulog na ito sa tamang oras ay nakakaiwas na rin na masangkot sa mga gulo at away.


Lolong-lolo na rin si Cesar sa pagmamalaki sa apo. Aniya, kamukha ito ng anak, pero masasabi niya na mas kamukha niya si Baby Hailey, na para sa kanya ay napakalaking blessing sa buhay ni Diego.

Napapanood ngayon si Cesar sa seryeng Minsan Pa Nating Hagkan ang Nakaraan at nakatapos na rin ng dalawang pelikula — ang Blood Brothers at Selda Tres kung saan kasama niya si JM de Guzman.


Pero bukod dito, maaari ring magkaroon ng shows si Cesar sa ibang bansa kung saan ang makakasama niya ay ang dating asawa na si Sunshine Cruz.


Ayon kay Cesar, pumayag na si Sunshine sa nasabing out of the country shows at bukod dito ay may pelikulang inihahanda para sa muling pagtatambal nila na dramedy ang magiging tema.

Masaya na ang aktor sa piling ng non-showbiz girlfriend niya sa ngayon na kasundo ni Sunshine, kung saan very open nga ang aktres na boto siya rito para sa dating asawa.


Hiling din ni Cesar ay makita na rin ng ex-wife ang lalaking makakapagpasaya rito at bilang magkaibigan na sila ay handa siyang magbigay ng payo kay Sunshine sa sandaling mangailangan ito ng payo mula sa kanya.

Naging masalimuot at mabigat man ang pinagdaanan nina Sunshine at Cesar nang maghiwalay, ngayong maayos na ang lahat at naging magkaibigan pa sila, para kay Cesar, ang lahat ng ito ay utang niya sa nasa Itaas at naniniwala siya na kung anuman ang naging nakaraan nila ay parte 'yun ng kung sino man sila ngayon.

 
 

ni Melba R. Llanera @Insider | October 13, 2023



ree

Hiling ni Seth Fedelin na sa mga nararanasang heartbreaks ng ex-girlfriend na si Andrea Brillantes ay mahanap na nito ang tamang lalaki na totoong magpapasaya rito.


'Di naman makapagbigay ng kanyang saloobin si Seth tungkol sa bad breakup nina Andrea at Ricci Rivero. Paliwanag ni Seth sa nakaraang 10th Urban Smile anniversary, 'di siya magsasalita dahil 'di niya talaga alam ang buong kuwento.


Pero sumagi sa isip niya ang ex-girlfriend dahil sa mga naglabasan sa social media at napatanong siya kung ano ba talaga ang nangyari at bakit nagkaganu'n.


Tinanong din namin kung may komunikasyon pa ba sila ni Andrea sa ngayon.


Inamin naman ng Kapamilya actor na 'di na talaga sila nakakapag-usap at nagkakakumustahan lang sila sa mga pagkakataon tulad ng special screening ng Unbreak My Heart kung saan nakita niya ito kasama si Kyle Echarri.


Nahingan din namin ng reaksiyon si Seth sa sinasabing rekindled friendship nila ni Andrea. Ayon sa binata ay matagal naman na silang magkakaibigan nu'ng magkakagrupo pa sila sa Gold Squad pero 'di maiiwasan talaga ang magkaroon ng tampuhan lalo't naggo-grow sila bilang mga indibidwal.


Masayang-masaya nga si Seth na sa kabila na nabuwag na ang Gold Squad ay abala ang bawat isa sa kanila sa kani-kanya nilang showbiz career, kung saan silang dalawa ni Francine Diaz ang ipinapareha ngayon.


Suportado rin naman ni Seth ang KyleDrea love team kung saan balitang may planong pagtambalin sa ilang projects ang dalawa. Para kay Seth ay sina Kyle at Andrea naman talaga ang magkapareha bago pa nabuo ang SethDrea love team at mas maganda na mapunta na lang si Kyle kay Andrea bilang love team at vice-versa.

Sa ngayon, consistent si Seth sa pagsasabing wala pa talaga silang aamining espesyal na relasyon ni Francine. 'Di raw sila nagpapa-pressure sa sinasabi ng ibang mga tagahanga na maging sila na sana.


Pero aminado ang aktor na may pag-uusap na sila ng kapareha at hinahayaan na lang niya na mangyari ang mga bagay-bagay.


Labis ang pasasalamat ni Seth na sa kabila ng mga kontrobersiya at intriga na pinagdaanan ng FranSeth tandem ay natanggap na sila ng mga tao at sinusuportahan ang love team nila at ang kani-kanilang mga careers.


Isa si Seth sa mga artista ng ABS-CBN na masuwerte dahil tuluy-tuloy ang mga proyektong ginagawa. Bilib kami sa kanya dahil bukod sa hinaharap nito ang mga isyung ipinupukol sa kanya at marespeto sa press ay marunong itong humawak ng pera kung saan nabibigyan na nito ng magandang buhay ang pamilya.



ree

Kilala bilang pilantropo at tumutulong talaga sa mga nangangailangan, kaya't 'di na kataka-taka na pinasok na rin ni Wilbert Tolentino ang public service sa pamamagitan ng kanyang programa titled Dear Wilbert na mapapanood sa verified FB page nito.


Si Wilbert ang nasa likod ng tagumpay ng Magandang Dilag lead actress na si Herlene Budol. At kahit na naghiwalay sila ng landas bilang manager-talent ay wala namang away sa pagitan nila.


Hiling pa rin ng businessman-talent manager na patuloy na sumikat at yumabong ang career ng dating alaga.


Bukod sa pagiging pilantropo ay alam din ng lahat na malapit si Wilbert sa kanyang ina at mahal na mahal niya ito kaya't labis na nakaantig sa puso niya ang pangalawang episode ng Dear Wilbert na may titulong Walang Respetong Anak, Sinagot Ang Ina.


Bibigyang-buhay ng ilang artista ang buhay ng letter sender na isang ina na dumanas ng kawalang-respeto sa kanyang anak at sa asawa niyang 'di naman napapahalagahan ang mga sakripisyo niya para sa kanilang pamilya.


Binigyan ni Wilbert ng inspiring words ang letter sender kasama na rin ang P10 K na cash upang mabigyan niya ng handa ang pamilya, makapag-usap at makapag-bonding sila.



 
 
RECOMMENDED
bottom of page