top of page
Search

ni Melba R. Llanera @Insider | November 26, 2023


ree

Bilang isa sa malapit na kaibigan nila Kathryn Bernardo at Daniel Padilla kung saan kinuha niya pa ito sa panganay na anak na si baby Jazzmin, aminado si Neil Coleta na nakaramdam siya ng lungkot sa balitang nauwi na sa hiwalayan ang labing-isang taong relasyon ng dalawa. Nakasama ni Neil ang magkasintahan sa show na Growing Up kung saan ayon nga sa aktor ay siya ang isa sa naging tulay sa relasyon ng dalawa, pakiusap lang ni Neil sa ibang tao lalo na sa mga tagahanga ng iba na sana ay respetuhin na lang ang dalalwa lalo't pareho pa ring tikom ang bibig ng dalawa tungkol sa isyu sa kabila ng lumabas na balita na kinumpirma na diumano ni Karla Estrada, ina ng aktor sa isang kaibigan nito na break na nga ang dalawa. Ayon pa kay Neil wala namang perpektong relasyon at lahat ay dumadaan sa mga pagsubok at tinatawag na alone time ang isang magkarelasyon, dasal na lang ni Neil ay maayos sana ng dalawa kung may pinagdadaanan talaga ang relasyon ng mga ito at wag sayangin ang mahigit isamg dekada na ring pagmamahalan ng dalawa. Pagkukuwento din sa amin Neil sa pagkakataon na nakasama niya si Daniel ay napansin niya na may lungkot siyang nakita dito pero ayaw niya lang ding magtanong dahil ayaw niyang pangunahan si Daniel at gusto niya na kusa itong magsabi sa kanya. Sa pagkakasangkot naman ng pangalan ni Andrea Brillantes na tinuturong third party daw sa hiwalayan ng dalawa, pahayag naman sa amin ni Neil wala talaga siyang ideya tungkol dito pero naririnig at nababasa niya ang tungkol sa balita. Sa kabilang banda ay papuri namam ang binitawanan ni Neil para sa Kapamilya actor na sa kuwento niya ay di nakalimot lalo na nung panahon ng pandemiya na tumawag at magsabi sa kanya pag kailangan nito ng pinansyal na tulong.


ree

Nakapanayam namin si Neil sa grand launching ng Sakura Lounge PH na ginanap sa Lansbergh Place condo sa Tomas Morato at dito ay proud na proud din na nagkuwento si Neil na dalawa na ang anak nilang babae ng fiancee na si Chin Kee. Tatay na Tatay na nagkuwento sa amin ang aktor na iba talaga ang saya na binigay sa kanya ng pagiging isang Tatay at anumang gimik, inon o paglabas-labas ay kusa na lang kinasawaan at mas gusto na lang niyang makasama ang pamilya kaysa pa lumabas at gumimik.


Naganap naman ang proposal kay Chin sa Mt. Fuji sa Japan kung saan naging very meaningful sa kanya ang proposal dahil kusang nahawi ang mga ulap na tumatakip sa bundok habang nagpo-propose siya sa fiancee at nangangahulugan daw ito na may basbas sila mula sa Itaas.


Bukod sa pag-aartista kung saan kasama si Neil sa 2023 MMFF entry na Rewind na pinagbibidahan nila Marian Rivera at Dingdong Dantes under Star Cinema, abala din si Neil sa pagnenegosyo tulad ng Keopi Tattle kung saan may dalawa na silang branches sa Cavite.


 
 

ni Melba R. Llanera @Insider | November 12, 2023


ree

Sa eksklusibong panayam namin kay JM de Guzman sa thanksgiving press conference ng Linlang, ipinaliwanag sa amin ng Kapamilya actor na ang gamot na iniinom niya para sa kanyang mental health ang rason kaya nadagdagan ang kanyang timbang.


Bina-bash kasi ngayon si JM dahil sa paglobo nito sa screen kung saan naging biktima ito ng body shaming ng ilang netizens.


Ayon kay JM, kailangan niyang bantayan ang kanyang diet at inumpisahan na rin niyang bumalik sa pagwo-workout.


Nagpapasalamat din ang Linlang actor na buo ang suporta sa kanya ng nililigawan niyang si Donnalyn Bartolome at nagsabi nga ito sa kanya na guwapo pa rin siya at walang dapat ipag-alala.


Papuri nga ng Kapamilya actor, mabait at suportado ni Donnalyn kung anuman ang gusto niyang gawin.


Bukod sa body shaming, may ilan ding negatibong komento na natatanggap si JM mula sa ilang netizens na nagsasabi naman na 'di bagay sa kanya ang role bilang abogado.


Positibo naman itong tinatanggap ni JM, maging ang iba pang panlalait sa kanya at nagsisilbi itong hamon para mas pagbutihan pa niya ang pag-arte at preparasyon sa tuwing haharap siya sa kamera at gagampanan ang kanyang role bilang Atty. Alex Lualhati.


Labis din ang pasasalamat ni JM na nag-No. 1 top pick sa Prime Video Philippines ang first streaming day ng Linlang at nasa Top 10 sa Prime Video at sa Amazon Prime sa iba't ibang bansa na ipinapalabas ang serye. Para kay JM ay masarap ito sa pakiramdam dahil nakikita nila ang lahat ng mga pinaghirapan ng cast ng Linlang.


Nalalapit na ang pagtatapos ng Linlang at talagang kapit na kapit dito ang mga manonood sa iba't ibang parte ng mundo. Marami nga ang humihiling na mapanood sana ito sa Kapamilya channel, TV5 at A2Z dahil sa magandang istorya nito at husay ng lahat ng cast mula kina Maricel Soriano, Paulo Avelino, Kim Chiu, JM de Guzman, Kaila Estrada, at iba pa.

 
 

ni Melba R. Llanera @Insider | October 23, 2023


ree

Marami sa mga Claudine Barretto fans ang tiyak na matutuwa dahil balik-telebisyon muli ang aktres sa pamamagitan ng GMA-7 serye niyang Lovers/Liars na co-produced ng istasyon at ng Regal Entertainment.


Sa palagay namin, handang-handa na si Claudine sa pagbabalik-telebisyon dahil bukod sa ‘di matatawarang husay sa pag-arte ng aktres ay ang laki ng ipinayat nito dahil sa intermittent fasting.

Pinanghinayangan nga ng marami na ‘di natuloy ang aktres na maging parte ng Can't Buy Me Love, isang series sa Netflix na pinagbibidahan nina Donny Pangilinan at Belle Mariano, pero katulad ng kasabihan na kung may nawala ay may mas malaking papalit, heto nga't magbibida muli si Claudine sa Lovers/Liars.


Marami rin sa mga Claudine-Judy Ann Santos fans ang naghihintay ng pagsasama ng dalawa sa isang proyekto at kahit naman ang aktres ay bukas at excited na makasama sa isang proyekto si Juday.


Tiyak na magiging blockbuster ang pelikulang ito kung saka-sakaling matuloy dahil bukod sa miss na ng mga tagahanga nilang mapanood muli sa big screen ang dalawa ay ito ang kauna-unahang proyekto na pagsasamahan nila pagkatapos ng mahigit tatlumpung taon na rin nila sa industriya.


Kinumusta rin namin kay Claudine ang kapatid na si Gretchen Barretto na lie-low na rin ngayon sa showbiz. Siniguro naman nito na maayos ang kalagayan ng kanyang ate at labis nga siyang nagpapasalamat dito dahil sa pagiging generous ni Gretchen.


Sa ngayon ay mukhang sarado pa rin ang puso ni Claudine sa tawag ng pag-ibig kung saan ‘di pa rin ito nakaka-move on sa alaala ng ex-boyfriend na si Rico Yan.


Masaya na raw ang aktres sa piling ng mga anak at mukhang wala sa prayoridad nito ang pag-ibig lalo't ngayon pa lang ulit siya magiging aktibo sa pagbabalik-telebisyon.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page