top of page
Search

ni Melba R. Llanera @Insider | February 4, 2024


ree

Ngayong binigyang-linaw na ni Enrique Gil na sila pa rin ni Liza Soberano taliwas sa mga lumabas noon sa mga balita na hiwalay na sila, inamin sa amin ng aktor na napatunayan niya na napakahirap talaga ng long-distance relationship katulad ng estado ng relasyon nila ngayon, kung saan nasa America si Liza para i-pursue ang kanyang Hollywood career, habang nandito naman siya sa ‘Pinas.


Ayon nga kay Enrique, may mga pagkakataon na nagsasabi na siya sa kasintahan na ang hirap nitong kausapin dahil 'di na nito nasasagot ang mga tawag niya. 


Pero ipinapaliwanag naman sa kanya ni Liza na kahit nga sa sarili nito ay wala na siyang oras sa sobrang pagkaabala. 


Para naman sa aktor ay masaya siya na pareho nilang inaabot ng girlfriend ang kani-kanilang mga pangarap. Balik-acting na si Enrique sa pelikulang I Am Not Big Bird kung saan co-producer siya ng comeback movie.Suportado ang bawat isa, sa panayam ni Enrique sa TV5, ikinuwento nito na pitong proyekto ang maaaring gawin ni Liza sa Hollywood, kung saan siya pa ang gumawa ng mga audition videos ng kasintahan. 


Sa parte naman ni Liza ay may blurb ito sa trailer ng pelikula kung saan bumati ito ng, "Hello, Big Bird,” samantalang may ginawa ring promo si Enrique para naman sa promo ng Liza Frankenstein. Ang I Am Not Big Bird ang nagsisilbing comeback movie ni Enrique pagkatapos nitong mawala sa ABS-CBN, mabuwag ang tambalan nila ni Liza at magkaroon ng pandemya. 


Kuwento ng aktor, hamon sa kanya ang pagganap sa dual role sa pelikula bilang sina Curfew at Big Bird, ganu’n din ang pagbabalik niya sa pag-arte pagkatapos ng ilang taon ding pamamahinga sa showbiz. Ang I Am Not Big Bird ay produced ng Black Sheep, Anima Studio at Immerse Entertainment. 


Kasama ni Enrique sa pelikula sina Pepe Herrera, Nikko Natividad at Red Ollero sa ilalim ng direksiyon ni Direk Victor Villanueva at palabas na ngayong darating na Pebrero 14.


 
 

ni Melba R. Llanera @Insider | January 24, 2024


ree

Sa katakut-takot na pamba-bash na natanggap ni Ricci Rivero, ng current girlfriend nito na si Leren Mae Bautista at ng kanyang pamilya nu'ng kasagsagan ng breakup nila ni Andrea Brillantes, kung saan naparatangan siyang two-timer at cheater, agad naming tinanong ang basketbolista sa nakaraang third anniversary ng Zion kung pakiramdam ba niya ay vindicated siya ngayong naituturong third party ang ex-girlfriend sa hiwalayang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. 


Umoo naman sa amin si Ricci, pero nagpahayag kaagad ito na wala siyang sama ng loob o bad blood kay Andrea o sa mga netizens na nang-bash sa kanila. 


Ayon pa sa basketbolista, nagsalita lang naman siya nu'ng nakita niya na naapektuhan na si Leren at ang kanyang pamilya at maging ang pamilya ng kasintahan na kilalang mga pribadong tao, lalo't alam niya na hindi deserve ng mga ito ang maling panghuhusga mula sa ibang tao. 


Pahayag pa niya sa amin, may mga bashers na humingi na rin ng tawad sa kanya at napatawad na niya ang mga ito lalo't sa simula pa lang ay positibo na siya na malalagpasan nila ang lahat at naniniwala siya na lalabas din ang katotohanan. 


Para rin kay Ricci, sa nangyari ay lalong tumibay ang samahan nila ng current girlfriend, ng kanilang pamilya at masaya siya na tahimik at maayos na ang sitwasyon.


Tinanong din namin si Ricci kung ang masalimuot bang pinagdaanan niya sa relasyon nila ni Andrea ang rason kung bakit nanamlay ang kanyang pagnanais noon na pumalaot sa kanyang showbiz career, kung saan napanood siya dati sa mga pelikulang Otlum, Gen. Z at iba pa. 


Paliwanag sa amin ni Ricci, labis ang pasasalamat niya sa mga oportunidad na natamasa niya sa showbiz, pero mas prayoridad niya ang kanyang basketball career kung saan kasalukuyan siyang manlalaro ng Phoenix Super LPG Fuel Masters.


 
 

ni Melba R. Llanera @Insider | December 11, 2023


ree

Napakaseksing bata, pero para sa akin, lagi siyang magiging bata. Lagi ko siyang tatratuhin na parang anak ko, lahat sila. 

 

"Siyempre, 'di ako natuwa nu'ng nakita ko, gusto ko siyang i-cover up agad. Although she has all the rights talaga, napakaganda ng katawan niya ru'n. Siguro 'yung tita sa akin, 'yung nanay sa akin lumabas. 

 

"Dati naka-two-piece ka, baby ka pa lang, ngayon, naka-red lace ka na. Sana 'yun na ang last, sana," hiling na pahayag ni Claudine Barretto nang makapanayam namin siya sa premiere night ng pelikulang Loyalista: The Untold Story of Imelda Papin. 

 

Tinanong kasi namin ang reaksiyon ni Claudine sa sexy poses ni Julia bilang bagong Tanduay Calendar Girl. 

 

Sa kabila ng hidwaan sa pagitan ng magkakapatid na Barretto, 'di naman nawala ang concern at pagmamahal ni Claudine sa mga pamangkin. 

 

Ang Optimum Star nga ang personal na humingi ng dispensa sa amin sa lumabas na video na tila nag-walkout si Julia nang tanungin namin ito sa nabalita na bati na raw ang boyfriend na si Gerald Anderson at ang ex-girlfriend nitong si Maja Salvador-Nuñez. 

 

Looking forward din si Claudine na magkasama sila sa isang proyekto ng pamangkin kung saan naniniwala siya na marami pang kayang ibigay si Julia sa pag-arte lalo't nakikita niya ang lalim nito bilang aktres.


Nahingan din namin ng reaksiyon si Claudine na 'di napigilang sagutin ang isang netizen na nagsabing naghihirap na diumano siya nang mag-post siya na naghahanap ng isang sekretarya/schedule manager.

 

Ayon kay Claudine, ayaw niyang maging tunog-mayabang pero nakatira siya sa isang posh subdivision, meron silang farm, mga condo units at laging on time magbayad ng tax.


Regular na napapanood ngayon si Claudine bilang Via sa seryeng Lovers/Liars na co-produced ng GMA-7 at Regal Entertainment. 

 

Marami lang sa mga tagahanga ng aktres ang nagrereklamo na tila "one of those" lang ang role niya sa serye at 'di naibigay kay Claudine ang tamang treatment bilang reyna ng network.

 

Kuwento ng aktres, kinausap siya ng direktor ng serye at nagsabi sa kanya na galit na galit daw dito ang mga Claudinians dahil 'di pa siya ipinakita sa mga naunang episodes ng Lovers/Liars.  

 

Paliwanag naman ng Optimum Star, ngayong lumabas na ang karakter niya bilang Via ay mapapatunayan niya na worth it naman ito. 

 

Puring-puri rin ni Clau ang mga kabataang artista na kasama sa Lovers/Liars. Pahayag nga niya, bata pa rin ang mga ito pero bilib siya sa sipag, propesyonalismo at pagiging positibo ng mga ito.


Samantala, pagkatapos mauwi sa hiwalayan ang pagsasama nila ng asawang si Raymart Santiago ay 'di na nagkaroon ng bagong boyfriend si Claudine. 'Di man nagsasarado ng pinto sa tawag ng pag-ibig ay choice naman ng aktres na ibigay ang oras at atensiyon sa mga anak at sa kanyang trabaho.


Marami naman ang bumilib na nakuha ni Claudine ang kilos at pananalita ni Imelda Papin kung saan ginagampanan niya ang young Jukebox Queen sa Loyalista movie. 

 

Sinunod ni Claudine ang payo sa kanya ni Beverly Vergel na dapat ay magsama sila ni Imelda sa maraming pagkakataon para higit na makilala niya ito at magampanan nang mahusay ang role bilang young Imelda.



ree

Sa presscon ng Mallari, ang Metro Manila Film Festival entry ng Mentorque Film Productions, sinagot ng lead actor na si Piolo Pascual na maituturing niyang sumpa ang isang pag-ibig katulad ng linya niya sa pelikula kapag naging toxic na ang isang relasyon at imbes na makatulong at maging masaya ka rito ay nakakasira na ito sa iyo at nagbibigay na ng mga negatibong damdamin. 


Ang Mallari ang pagbabalik-MMFF ng hunk actor kung saan huli siyang napanood sa naturang film festival sa pelikulang Dekada '70 nu'ng 2002. 


Tatlong karakter ang ginagampanan ni Piolo sa pelikula na talaga namang humamon sa kakayahan at husay nito bilang aktor.


Kung pagbabasehan ang trailer ng pelikula ay mahusay itong naitawid ni Piolo.Samantala, magiging abala ngayong Kapaskuhan si Papa P. dahil isa sa MMFF entries ang Mallari. Pagkatapos na ng Pasko at Bagong Taon aalis ng bansa si Piolo para magbakasyon lalo't sunud-sunod ang mga proyekto at naging abala ang aktor sa kanyang mga showbiz commitments.

 

 

 
 
RECOMMENDED
bottom of page