top of page
Search

ni Zel Fernandez | May 12, 2022


ree

Kasunod ng nakalipas na eleksiyon noong Mayo 9, ipinahayag ni Philippine National Police (PNP) Public Information Office Chief Police Brigadier General Roderick Augustus Alba na wala umanong naitalang insidente ng karahasan laban sa mga media personnel.


Paglalahad ni Brig. Gen. Alba, Chief ng Media Security Vanguards na itinatag ng Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS), mahalaga umanong matiyak ang seguridad at kaligtasan ng mga mamahayag lalo na sa panahon ng halalan, bilang tugon sa pagtataguyod ng Press Freedom sa Pilipinas.


Kinabibilangan ng mga Public Information Officer ng PNP sa regional, provincial, at local level ang Media Security Vanguards na direktang tumutugon sa mga security concerns ng mga mamamahayag sa bansa.


Samantala, pinasalamatan naman ni PTFoMS Executive Director, Undersecretary Joel Sy Egco ang PNP sa malaking ambag ng kanilang hanay upang maisakatuparan ang mapayapang pagsasagawa ng eleksiyon, kaakibat ng tungkuling pangalagaan at siguruhing ligtas ang mga mamamahayag.


Dagdag pa ni Egco, ito aniya ang patunay ng pagsisikap ng gobyerno na makalikha ng ligtas na kapaligiran para sa mga mamamahayag upang magampanan nang matiwasay ang kanilang adhikaing makapagbalita sa publiko ng mga kaganapan sa bansa.


 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | July 31, 2021


ree

Pumanaw na ang asawa ni Noli de Castro na si Arlene Sinsuat ngayong Sabado nang umaga, ayon sa kumpirmasyon ng anak nilang si Katherine.


Post ni Katherine, general manager ng People’s Television Network sa Facebook, “Thank you for your prayers.


“As of now, we are still finalizing plans for her burial.”


Aniya pa, “I feel so down. My head hurts and my tears never seem to stop.”


Samantala, hindi binanggit kung ano ang sanhi ng pagkamatay ni Arlene.


Nag-umpisa ang media career ni Arlene noong 1981 sa MBS-4 (Maharlika Broadcasting System).


Naging bahagi rin siya ng ABS-CBN Corp. bilang executive producer at noong 1990s, na-promote siya bilang Vice President of the Current Affairs Department ng naturang network.

 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | June 7, 2021


ree

Sinimulan na ngayong Lunes ang COVID-19 vaccination sa mga economic frontliners o A4 priority group.


Nagsagawa ang pamahalaan ng symbolic vaccination sa 50 katao mula sa tourism, transportation, mass media, food service, business process outsourcing (BPO) industry, atbp. sa Pasay City.


Kabilang ang TV hosts na sina Iya Villania at Drew Arellano sa mga nakatanggap ng first dose ng bakuna kontra COVID-19 na itinurok ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III.


Samantala, uunahin ang pagbabakuna sa mga A4 group na nasa Metro Manila, Bulacan, Cavite, Rizal, Laguna, Pampanga, Batangas, Cebu, at Davao.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page