top of page
Search

ni MC / Gerard Arce - @Sports | July 30, 2022





Nagawang makapasok ni Asia's top pole vaulter EJ Obiena sa top 3 ng World Athletics Ranking kasunod ng kanyang bronze-medal finish sa nagdaang 2022 World Championships.


Base sa inilabas na ranking ng men's world pole vault noong Hulyo 26, pumapangatlo na ang Tokyo Olympian sa likod ni Armand Duplantis ang Sweden at ni Christopher Nilsen ng US nang makatipon ng iskor na 1,408 puntos.


Nalampasan niya si Rio Olympic gold medalist at training partner na si Thiago Braz.


Nakapagtala rin si Obiena ng bagong Asian record makaraang makasungkit ng bronze medal sa 2022 World Championships sa Eugene, Oregon noong Linggo.


Nalundag nang malinis ng 25-anyos na si Obiena ang 5.94 meters sa final ng event sa Hayward Field at wasakin ang dating record na 5.93 meters na kanyang naitala sa Innsbruck, Austria noong Setyembre 2021.


Siya ang unang Pinoy athlete na nagwagi ng medalya sa world championships. Target na ngayon ni Obiena ang 6 na metrong marka sa susunod na paglundag sa mga international competition.


Samantala, masusubukan ang mga collegiate league players maging ang 84th University Athletic Association of the Philippines (UAAP) champions na National University Lady Bulldogs para sa national women’s volleyball team sa Asian Volleyball Confederation (AVC) Cup for Women mula Agosto 21-29 sa Philsports Arena sa Pasig City.


Pangungunahan ng 22-anyos na best libero ng 2022 UAAP champions na si Jennifer Nierva na napapabalitang kauna-unahang libero team captain ng national team.


Magiging ikalawang manlalarong Libero ang 5-foot-8 defensive specialist sa kasaysayan ng local volleyball matapos tanghaling unang kapitana si Dani Ravena ng Ateneo Lady Blue Eagles sa UAAP '84, kung saan nagtapos bilang third placer ang koponan matapos ilaglag ng De La Salle Green Archers.


Tatayong host ang Pilipinas na magiging ika-10 koponan, na orihinal na gaganapin noong 2020 ngunit naunsyami dahil sa pagkalat ng mapaminsalang COVID-19.


Pangunahing magiging kinatawan ng bansa para sa AVC ang mga premyadong manlalaro ng UAAP.

 
 

ni MC - @Sports | July 30, 2022




Nakuha ng Lyceum of the Philippines University ang korona ng kampeonato sa Collegiate Center for Esports Mobile Legends: Bang Bang tournament nang patalsikin ang San Sebastian College - Recoletos sa Grand Finals, 2-0, na idinaos sa SM Mall of Asia Music Hall noong Huwebes.


Unang sumampa sa grand finals spot ang Lyceum nang ilagay ang SSCR sa lower bracket finals kung saan nakalaban ng Stags ang wax-hot College of St. Benilde squad.


Nang matalo ng Stags ang Benilde ay sumampa ito sa huling Grand Finals squad, naging dominante muli ang Pirates sa dalawang straight games upang masungkit ang titulo.


Nang maabot ng Lyceum ang match point sa Game 1, naging dikit ang bakbakan ng San Sebastian kontra Pirates sa Game 2.


Pero nakalamang sila laban sa Stags sa loob ng 17 minuto, at doon na sumurender ang SSC upang ganap na makuha ang CCE title. Tatapusin ng San Sebastian ang torneo sa 2nd place habang nalagay sa 3rd ang Benilde.


Unang naging dominante ang Lyceum sa Group Stages at maging top-seeded team sa kabuuan ng liga, nakapagwagi ng siyam na straight games upang makuha ang playoffs spot.

 
 

ni VA / MC - @Sports | July 28, 2022





Dalawang gold medal ang pinalaso ni Andrea Robles sa women's compound ng 16th Philippine Archery Cup Leg 3 na idinaos sa Mandaue City sa Cebu nitong Hulyo 22-24.

Nanguna si Robles, 24, sa qualifying round, tinalo sina 2019 Southeast Asian Games (SEA Games) mixed team gold medalist Rachelle dela Cruz at three-time SEAG gold winner Jennifer Chan.

Nanaig siya kina Dela Cruz at five-time SEAG champion Joann Tabañag sa Olympic round.

"I’m happy with my results this tournament. I’ve been working really hard these past couple of months and I’m glad that it paid off. There is, of course, still a lot of room for improvement and like every tournament, there are things I learned that I can use to work on getting better.


It's back to training for me to get ready for the next leg," ani Robles, ang unang Filipino gold medalist sa 2019 Indoor Archery World Series sa China.

Pinagharian ni Vietnam SEA Games mixed team silver medalist Paul Marton Dela Cruz ang men's division sa qualifying round. Tumapos sa 2nd place si Johann Olaño habang 3rd si Flor Matan.

Nakaresbak si Matan, ang Vietnam SEAG bronze medalist sa Olympic round, nagwagi ng ginto laban kay Dela Cruz. Pumangatlo si Olaño.

Samantala, dalawang gold medal naman ang natarget ni Gabrielle Monica Bidaure sa women's Open recurve category. Tinalo ang ate niya na si Pia Elizabeth Angela at Phoebe Nicole Amistoso sa qualifying round.

Naibulsa naman ng Bidaure siblings at ni Amistoso women's team gold medal sa Vietnam SEAG.

Sa men's Open recurve category, tinalo ni Jason Emmanuel Feliciano si Girvin Cullen Nigel Garcia at Renian Keith Nawew para sa gold medal. Nagbalik ang porma ni Nawew sa Olympic round para sa gold medal kontra Rogelio Miguel Tremedal at Feliciano.

Ayon kay World Archery Philippines secretary general Rosendo Sombrio, ang fourth at final leg ay idaraos sa Oktubre.

Sa mga resulta ng four-leg Philippine Archery Cup ang dedetermina kung sino ang sasagupa sa Cambodia SEA Games at Hangzhou Asian Games sa 2023 at 2024 Paris Olympics qualifier.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page