top of page
Search

Fni MC - @Sports | August 18, 2022



Sa tagal nang paghahari ni Brandon Vera sa ONE Heavyweight World Championship, nakasubaybay ito sa dibisyon na dati nitong pinagkampeonan.


Minamataang fighter ng Filipino-American star si Brazilian Jiu-Jitsu legend Marcus “Buchecha” Almeida. Si “Buchecha” ay may kartadang 3-0 sa kanyang batang mixed martial arts career, pero ang astiging heavyweight ay tila kinatatakutan sa husay nito sa submission grappling. Hawak ng American Top Team fighter ang 17 World Titles sa ADCC, IBJJF World Championship at mula sa Abu Dhabi World Cup at iba pang organisasyon.


Sa pagsusuri ni Vera, isang BJJ black belt, aniya ang submission game ni Almeida sa liga ay tila hindi matatakasan ng sinuman oras na masukol niya. “‘Buchecha’ is a heavyweight man, he’s flying around submitting all these big heavyweights with no problem,” paghanga ni Vera. “Dude, his takedowns look so beautiful and it’s not the technique of his takedowns that impresses me but the timing of his takedown, off the shots. Your back-and-forth motion, very impressive ‘Buchecha,’ I’ve been watching you.”


Matikas na ipinamalas ni Almeida ang kanyang BJJ game sa unang dalawang laban sa ONE Championship nang gapiin ang mga knockout artists na sina Anderson “Braddock” Silva at Kang Ji Won. Binago naman nito ang kanyang porma sa ikatlong laban kay Simon Carson at umiskor ng ground-and-pound knockout kontra Australian veteran.


Maituturing ni Vera na mataas na antas ng laban ang ginagawa ni Almeida na hindi basta natitibag. Naalala ni Vera, bilang dating heavyweight king kung paanong ipakita ng nakatatanda niyang mga kapatid sa kanilang nakababata ang mataas na level ng laban.

Panonoorin ni Vera muli si “Buchecha” sa isang maaksiyong bakbakan kung saan ang rising heavyweight contender ay haharap kay Belarusian fighter Kirill Grishenko sa ONE Fight Night 1: Moraes vs Johnson sa August 26 sa Singapore Indoor Stadium.

 
 

ni MC - @Sports | August 17, 2022



Nagkamit ng pilak na medalya ang Philippine National Netball team sa nagdaang 2022 Jeonju International Netball event sa South Korea.


Binubuo ang team ng ilang mga manlalaro ng volleyball at basketball teams sa bansa nang unang itatag ang koponan bilang national players. Ang Netball Philippines ay binuo at inorganisa ang national team para unang sumagupa sa training camp sa Netball Singapore noong Disyembre 2014.


Pinasalamatan ng team si PSC Commissioner/ OIC Bong Coo nang mag-courtesy call sa Philippine Sports Commission noong Lunes, higit lalo sina


PNFI President Atty. Charlie Ho at coaches Angeline Fedillaga at Teresa Angeline Gallegos.


Ang national netball team ay unang sumabak sa international debut noong 2015 SEA Games. Bago iyon, unang nag-alok ang Netball Singapore sa Pilipinas na magbuo ng netball team noong 2015 matapos ang pagbisita sa Netball Asia, 2014.


Nagpamalas ng sigasig ang Siklab noong 2015 SEAG sa Singapore, ang una nilang torneo bagamat natalo sa Thailand 22–62 sa opener noong Mayo 31, 2015. Ginapi rin sa 112–11 mula sa mga kamay ng national team ng Malaysia noong Hunyo 1. Tinalo ng Myanmar, 62–22.


Ganap nang pinahintulutan ng Philippine Sports Commission ang Siklab noong 2017 SEA Games sa Kuala Lumpur, Malaysia sa kabila ng nakadidismayang performance ng nakaraang edisyon. Inirason ng handlers ng national team sa PSC na isa pa lamang sila "developmental team."


 
 

ni MC - @Sports | August 16, 2022



Binakante ni Tyson Fury ang kanyang Ring heavyweight title matapos niyang ipahayag ang kanyang pagreretiro sa boksing noong Biyernes.


Sinubukan pang bumalik ni Fury, 34, noong Martes at sinabing babalik siya mula sa pagreretiro upang labanan si Derek Chisora.


Gayunpaman, pagkaraan ng tatlong araw, inihayag ni Fury sa isang post sa social media na nagpasya siyang “lumayo” mula sa boksing. “The Ring Magazine championship has always been the holy grail of boxing. They’ve been fantastic with me and I’ve always carried that title with pride,” sabi ni Fury.


Ang pinakadakilang sandali ng aking karera ay ang pagkapanalo ng world championship (pagkatalo kay Wladimir Klitschko) noong 2015.”


There’s the great comeback after that with the three [Deontay] Wilder fights. There’s been a lot of great highlights in my career — even the Dillian Whyte fight in front of 94,000 at Wembley. It doesn’t get much bigger than that.”


Napanatili ni Fury ang kanyang titulo sa WBC sa isang stoppage na panalo laban kay Dillian Whyte sa Wembley Stadium noong Abril.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page