- BULGAR
- Oct 5, 2021
ni Lolet Abania | October 5, 2021

Nakatakdang magbawas sa singil sa tubig ngayong Oktubre para sa mga kustomer ng Maynilad, ayon sa pahayag ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS).
Paliwanag ni MWSS Regulatory Officer Patrick Ty, dahil ito sa inaprubahang Foreign Currency Differential Adjustment (FCDA) sa Maynilad.
Ang FCDA ay epekto ng paghina ng palitan ng piso kontra dolyar.
Nasa P0.18 ang kaltas para sa mga kustomer na kumukonsumo ng hanggang 10 cubic meters, P0.69 naman sa kumukonsumo ng 20 cubic meters, at P1.40 sa kumukonsumo ng 30 cubic meters.
Sinabi pa ni Ty na bahagi rin ito ng Revised Concession Agreement, kung saan wala munang ipapatupad na dagdag-singil sa tubig hanggang Enero 2023.






