top of page
Search

ni Jasmin Joy Evangelista | October 31, 2021



Kani-kaniyang gawa ng paraan ang mga residente at negosyo sa Maynila na apektado ng Maynilad water shortage.


Ang ilan ay ibinabalot sa plastic ang mga ginagamit na pinggan para iwas-hugasin.


Gumagamit naman ng disposable spoon and fork ang iba pero may dagdag-bayad para sa mga kostumer.


Tipid na tipid naman sa paggamit ng tubig ang mga nasa bahay para mapagkasya ang nakaimbak.


Noong Lunes pa raw ramdam ng mga residente ang paghina ng tulo hanggang tuluyan nang mawalan ng tubig.


Tinatayang 3 milyong customer ng Maynilad ang apektado ng water interruption na magtatagal hanggang bukas.


Kabilang sa mga lugar na apektado ay ang Maynila, Pasay, Makati, Parañaque, Las Piñas, at ilang lugar gaya ng Cavite City, Bacoor, Imus, Kawit, Noveleta at Rosario.


Matatandaang inianunsuyo ng Maynilad na dahil ito sa ginagawang pipe realignment sa kahabaan ng Sobriedad sa Sampaloc.


Mayroon namang 65 water tankers ang Maynilad na umiikot para mag-supply ng tubig sa mga apektadong residente at mayroon ding 16 stationary water tanks na maaaring pagkuhanan ng malinis na tubig.

 
 

ni Lolet Abania | October 23, 2021



Ni-reschedule ng Maynilad Water Services, Inc. ang nakatakdang water service interruptions kasabay ng pagsasagawa ng pipe realignment activity sa Manila.


Unang naiskedyul ang pagkawala ng serbisyo ng tubig ng Oktubre 25-28, subalit nagpasya ang Maynilad na iurong ito ng Oktubre 29 hanggang Nobyembre 1 dahil anila, “a deluge of requests from customers to defer the activity so that they have more time to prepare.”


“This coincides with the break for Undas when people typically go to the provinces and fewer customers are expected to be home, thus mitigating the impact of the service interruptions on consumers,” ayon sa isang statement ng Maynilad.


“Given the deferment, Maynilad will also use the extra time to further increase our available complement of mobile water tankers and stationary water tanks, with the assistance of local government units and the local fire bureaus,” paliwanag ng Maynilad.


Gayunman, ang listahan ng mga apektadong lugar at kanilang nakatakdang service interruption schedules ay pareho pa rin.


“Only the dates of implementation were pushed back,” sabi pa ng Maynilad.


Sakop ng service interruptions ang Las Piñas; Makati; Manila; Parañaque; Pasay; Bacoor; Cavite City; Imus; Kawit, Cavite; Noveleta, Cavite; at Rosario, Cavite.


Una nang sinabi ng Maynilad na ang pipe realignment para sa flood control project ng gobyerno ay magreresulta sa water supply interruptions na tatagal ng 25 hanggang 85-oras.

 
 

ni Lolet Abania | October 18, 2021



Aabot sa 2.9 milyong kustomer ng Maynilad Water Services Inc. sa Metro Manila at Cavite ang maaapektuhan ng ilang oras na water service interruptions sa susunod na linggo, kasabay ng pagsasagawa ng flood control project ng Department of Public Works and Highways (DPWH).


Sa isang advisory ngayong Lunes, ayon sa Maynilad ang pipe realignment para sa DPWH Flood Control Project ay magdudulot ng water supply interruptions na tatagal ng 25 hanggang 85-oras na mula Oktubre 25 hanggang 28, 2021.


Ang mga lugar na makararanas ng pagkawala ng serbisyo ng tubig ay sa Las Piñas; Makati; Manila; Parañaque; Pasay; Bacoor; Cavite City; Imus; Kawit, Cavite; Noveleta, Cavite; at Rosario, Cavite.


Kasalukuyan ding siniserbisyuhan ng Maynilad ang mga kustomer na nasa west zone, gaya ng mga lungsod ng Caloocan, Las Piñas, Makati, Malabon Manila, Muntinlupa, Navotas, Parañaque, Pasay, Quezon, Valenzuela. Gayundin, ang ilang lugar sa Cavite gaya ng siyudad ng Bacoor, Cavite, at Imus; at ang mga bayan ng Kawit, Noveleta, at Rosario.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page