top of page
Search

ni Jasmin Joy Evangelista | December 14, 2021


ree

Timbog ang isang babae matapos makuhanan ng tinapay na may palamang droga sa Marikina.


Ayon sa paunang ulat ng Eastern Police District, bibisitahin ng suspek ang live-in partner nito na nakakulong sa Marikina City Police Station.


May dalang mga tinapay ang babae para ibigay sana sa nakakulong na partner, pero nang inspeksyunin ng duty jail officer, nakita ritong nakasilid ang isang gramo ng hinihinalang shabu na may street value na P6,800.


Kasalukuyan nang nakakulong ang 41-anyos na suspek.

 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | August 2, 2021


ree

Itinaas sa First Alarm ang Marikina River matapos umabot sa 15.7 meters mark ang lebel ng tubig ngayong Lunes nang umaga, ayon sa Marikina Public Information Office.


Binuksan din ang lahat ng gate ng Manggahan Floodway dahil sa biglaang pagtaas ng lebel ng tubig. Bandang 6:29 AM, umakyat pa sa 15.8 meters ang lebel ng tubig kaya patuloy na nakaantabay ang Marikina rescuers at mino-monitor ito.


Kapag umabot pa sa 16 metro ang tubig, ito ay nangangahulugang kailangan nang maghanda ng mga residente para sa posibleng evacuation dahil sa ganoong estado ay itataas na ang Second Alarm.


Samantala, ayon sa PAGASA, patuloy pa ring magdudulot ng kalat-kalat na pag-ulan sa Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley, Zambales, at Bataan ang Southwest Monsoon o Habagat. Makararanas din umano ng maulap na panahon at isolated rain showers ang Metro Manila.

 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | July 24, 2021


ree

Itinaas sa ikalawang alarma ang Marikina River ngayong Sabado nang umaga dahil sa matinding pag-ulan na dulot ng Southwest Monsoon at kaagad na inilikas ang mga residente ng naturang lugar.


Ayon sa 7:00 AM update ng Marikina City Public Information Office, itinaas na sa ikalawang alarma ang Marikina River matapos maitala ang 16.2 metrong water level nito.


Matapos ang isang oras, bandang alas-8:00 nang umaga, kaagad na umakyat sa 16.3 metro ang water level ng Marikina River.


Binuksan din ang lahat ng walong gates ng Manggahan Floodway dahil dito.


Samantala, nananatili naman sa 0 millimeter ang Marikina Local Rainfall Level sa Youth Camp, Green St. Concepcion Dos, at Sampaguita St. Bayan Bayanan Creek.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page