top of page
Search

ni Nitz Miralles - @Bida | August 31, 2020


ree


Sold-out sa Lazada ang People’s Asia’s “Women of Style and Substance 2020” issue na si Marian Rivera ang cover. Nakasulat sa Lazada ang “out of stock” at ang reminder na “The Lazada site will be replenished with additional copies on Tuesday, September 1.”


Nasabik ang mga fans ni Marian at ng tambalan nila ni Dingdong Dantes na muling makita ang aktres sa cover ng magasin dahil sabi nga ng isang fan, ang tagal na niyang hindi nakikita ang Kapuso actress sa magasin at puro na lang sa social media ito nasisilayan.


Madaragdagan nito ang magko-congratulate kay Marian sa pagso-sold-out ng magasin sa Lazada dahil hindi na panahon ng magasin ngayon.

 
 

ni Nitz Miralles - @Bida | August 29, 2020


ree


Very proud hubby si Dingdong Dantes sa post niya sa Instagram na cover si Marian Rivera ng People Asia kung saan, kasama ang Kapuso actress sa list ng Women of Style & Substance.


Post ni Dingdong, “Sabi na nga ba, may samting itong nakilala ko kahapon, eh. Akalain mong nasa People Asia cover pala siya? Lupet!”


Sabi naman ni Marian, “It’s an honor to be part of @peopleasia’s Women of Style and Substance 2020. Let’s keep on inspiring and empowering women.”


Sa sagot ng People Asia na “Thank you Marian. Your devotion to our frontliners, along with your other advocacies and achievements as an actress are truly worth celebrating,” alam na kung bakit nasama sa listahan si Marian.


Mapapansin lang na lahat ng mga kasama ni Marian sa listahan ay white dress ang suot at tanging siya ang naiba ang kulay dahil gold ang suot niya.


Kasama rin pala sa listahan ng Women of Style — at nasa cover din ang photo — si Rhea Anicoche-Tan na owner ng Beautederm skincare products.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page