top of page
FRANKLY - NADINE, TUMAKBO NA RAW SA SIARGAO, SINUNDAN PA RIN NG WORK NILA NI ALDEN-IG _ na
Search

ni Anthony E. Servinio @Sports | June 13, 2024



Sports Photo

Matapos ang mainit na pagtanggap sa Fire Run, susunod ang ikalawang yugto ng Takbo Para Sa Kalikasan 2024 na Water Run ngayong Hulyo 14 sa CCP Complex, Pasay City. Titingnan kung mahihigitan ang 4,500 na tumakbo noong unang serye. 


Tiyak na maraming babalik upang makamit ang 2nd medal na maaaring idugtong para makabuo ng malaking medalya sa katapusan ng serye. Malaking pagkakaiba ito noong 2023 kung saan 2,700 lang ang nagpalista sa Fire Run.


Magpapabilisan ang lahat sa pangunahing kategorya na 18 km. Magkakaroon pa rin ng ibang patakbo sa 10, 5 at 1 km. Ginaganap na ang pagpapalista online sa Facebook ng Takbo Para Sa Kalikasan. Maaari ring magrehistro sa mga piling sangay ng Chris Sports. 


Ayon kay Jenny Lumba ng Green Media Events, bahagi ng malilikom na pondo ng Water Run ay mapupunta sa Pawicare sa San Narciso, Zambales na ang layunin ay maparami at alagaan ang mga Pawikan. Isang linggo bago ang karera ay nakahanda nang ibigay ang P50,000 sa Hulyo 6 sa benepisyaryo.


Isa pang tutulungan ng Water Run ay ang Home For The Golden Gays sa Pasay. Ibinibenta ang mga damit mula sa Running Divas Manila Pride Run na hindi natuloy noong 2020 bunga ng pandemya. 


Ang BULGAR ay opisyal na media partner ng buong seryeng Takbo Para Sa Kalikasan 2024. Asahan na muling maghahatid-saya ang makulit pero cute na si Bulgarito sa Water Run. 


Susundan ang Water Run ng Air Run na Half-Marathon o 21.1 km sa Set. 22.  Ang ika-4 at huling yugto ay ang Earth Run sa Nob.17 tampok ang 25 km. Samantala, ang pagmamahal sa Inang Kalikasan ay dadalhin sa mas mataas na antas sa paghatid ng Tough Mudder Phls. sa Set.14 sa Rosario, Batangas. Malulublob sa putikan ang mga kalahok sa karera tampok ang 15 obstacle. 

 
 

ni Anthony E. Servinio @Sports | June 7, 2024



Sports Photo

Umani muli ng kampeonato si Welfred Esporma sa pinakaunang edisyon ng Nueva Ecija Marathon Linggo ng umaga sa Bypass Road ng Bayan ng Guimba. Tinapos ni Esporma ang 42.195 kilometrong karera sa oras na 2:51:00 at iniwan ang mga humahabol sa isa pang dominanteng takbuhan. 


Malayong pangalawa si Jade Sagadraca sa 3:04:00 at pangatlo si Requi Trupa sa 3:07:00. Mula Guimba ay tumuloy at umikot sa Bayan ng Cuyapo bago bumalik ng Guimba. 


Nanaig sa panig ng kababaihan ang isa pang beterana Lany Cardona-Adaoag sa photo finish laban kay Rocel Galicia Maestro kung saan pareho silang nagsumite ng parehong oras na 3:41:00. Pangatlo si Bhei Samson sa 3:46:00.


Sa mga side events, wagi sa Half-Marathon si Jackson Chirchir ng Kenya na kinailangan din ang photo finish kontra ka Lowegene Aliligay na parehong tinapos sa 1:16:00 ang 21.1 kilometro. Si John Paul Carreon ang pumangatlo sa 1:19:00. 


Napunta ang kampeonato ng kababaihan kay Joselyn Elejera sa 1:37:00. Sinamahan siya sa entablado ng pumangalawang Vernessa Pattison (1:39:00) at Beverlie Parale (1:43:00). 


Ang iba pang mga nagsipagwagi ay sina Collins Prago at Ailen Manansala sa 10 km. Panalo sa 5km sina Jaymark Quitan at Jonalyn Argamaso Unlayao. 


Noong Sabado ng gabi ay sinimulan na ang selebrasyon sa isang “warm up” na 5 km fun run, konsiyerto at mga paputok. May virtual race din para sa mga hindi makakapunta sa araw mismo ng karera. 


 
 

ni Anthony E. Servinio @Sports | June 6, 2024



Sports Photo

Magbabalik para sa ikatlong taon ang “The Green Run at Vermosa” na patuloy ang paglaki bilang isa sa pinaka-inaabangang patakbo ng taon ngayong Hunyo 30 sa Ayala Vermosa, Imus City. Ang tema ngayong taon ay “Go Greener, Get Leaner, Give Back: Run Towards A Brighter Future”. 


Tampok dito ang Half-Marathon o 21.1 km at ang 10km, 5km at 3km. Hindi rin mawawala ang isang kilometrong takbuhan kasama ang alagang aso na ipinakilala noong 2023 at pumatok agad sa mga parokyano. 


Taglay nila ang mas pinalawak na adbokasiya tungo sa pag-aalaga ng Inang Kalikasan. Isang aksiyon na ginagawa ng pamunuan ng lugar ay ang pagbawal sa mga sasakyan tuwing Sabado at Linggo.  

 

Itutuloy ang suporta ng fun run sa Haribon Foundation na nag-aalaga sa Philippine Eagle. Subalit isasama na sa listahan ng makakatanggap ng tulong ang Pawssion Project at Takbo Kabitenyo. 


Layunin ng Pawssion Project na magligtas at alagaan ang mga hayop na dumaan sa abuso o iniwan ng kanilang may-ari. Nais ng Takbo Kabitenyo na tumuklas at humubog ng mga kabataang atleta mula sa lalawigan. 


Dahil maka-kalikasan ang karera, ginaganap ang pagpapalista online upang mabawasan ang paggamit ng papel. Kasama sa race kit ang damit at numero para at tatanggap ng medalya ang lahat ng magtatapos habang may dagdag na isa pang t-shirt para sa Half-Marathon. Para sa karera ng aso, may bandana at regalo para sa alaga at damit at numero para sa amo. 


Unang ginanap ang Green Run noong 2022 na halos paahon na ang buong mundo mula sa pandemya kaya balot ito ng maraming pag-iingat pangunahin ang pagiging limitado ng kalahok. Sa pagluwag ng mga patakaran, isang mas malaking fun run ang matagumpay na nairaos noong 2023. 

 
 
RECOMMENDED
bottom of page