top of page
FRANKLY - NADINE, TUMAKBO NA RAW SA SIARGAO, SINUNDAN PA RIN NG WORK NILA NI ALDEN-IG _ na
Search

ni Clyde Mariano @Sports | July 22, 2024



Sports News

I am proud to represent the Philippine in Paris Olympics and see the Philippine flag flying alongside the flags of other countries. My dream hear Lupang Hinirang plays in Paris.”


Sinabi ito ni Lauren Hoffman sa eksklusibong panayam sa National Open Invitational Athletics at sa wakas natupad ng 25-anyos na Filipino-American ang kanyang pangarap makalaro sa Paris Olympics na tumapos ng 39th sa 40th quota or cutoff qualifying.


I already there. I will play my very best, work extra hard, utilize my running skill and experience to full use to accomplish my dream and win medal for the Philippine,” ani ni Hoffman. 


Inamin ni Hoffmann, gold medalist sa Southeast Asian Games at naglaro sa 19th Asian Games sa China na mahirap ang kanyang pagdaraanan dahil world class ang mga kalaban. “Olympic is not an ordinary sports competition. Competition is tough where the best and the brightest athletes in the world compete. It’s a tough job to accomplish,” wika ni Hoffmann. “Hardwork, aspiration, dedication, determination and desire to win is the key,” ani Hoffmann.


Ang Paris Games ay pangatlong foreign exposure ni Hoffman bilang miyembro ng national track and field team mula 2023 nang manalo ng ginto sa Southeast Asian Games at naglaro sa 19th Asian Games sa Hangzhou, China.


Tatakbo si Hoffman sa 400m hurdles na kanyang dinomina sa SEA Games at dalawang National Athletics Open Invitational sa Ilagan, Isabela at Philsports track and field oval.


Kamakailan sinira ni Hoffman ang national record sa 100m hurdles sa bagong markang 13.41 seconds na ginawa sa Duke Invitational sa Durham, North Carolina.

Binura sa record book ang 25-year old 13.65 seconds na ginawa ni Sheena Atilano sa Asian Athletics sa New Delhi, India.

 
 

ni Anthony E. Servinio @Sports | July 18, 2024



Sports News

Parang rumaragasang tubig ang bilis ng mga kalahok sa matagumpay na pagtatapos ng Water Run, ang ikalawang yugto ng seryeng Takbo Para Sa Kalikasan 2024 noong Linggo ng umaga sa CCP Complex. Inagaw ni Melody Lantad ang pansin sa kanyang ikalawang sunod na kampeonato at pangunahan ang pulutong ng mga kampeon hindi lang sa takbuhan kundi mga kampeon din para sa Inang Kalikasan. 


Wagi si Lantad sa tampok na 18 kilometro sa oras na 1:31:14 upang idagdag sa kanyang tagumpay sa 16 kilometro ng Fire Run noong Mayo. Naiwan para pagtalunan ang pilak sina Shamira Habie (1:34:35) at Jennifer Padallan (1:34:37) na dalawang segundo lang ang namagitan. 


Pangkalahatang kampeon sa 18k si Badz Rolillio sa 1:10:17.  Dinaig niya si Alex Gumanay Jr. (1:13:16) na hindi nasundan ang kanyang tagumpay sa Fire Run 16 kilometro at pangatlong si Kit Feliciano (1:15:56).


Sa ibang mga kategorya, kampeon sa 10 kilometro si Jose Fabito Jr. sa oras na 37:07. Iniwan ni Fabito sina Mark Angelo Biagtan (38:51) at Jevie Avila (40:26). 


Matapos ang maikling diskusyon, itinanghal na kampeon ng kababaihan si Decerie Encomino (49:53) na bumawi mula sa pagiging pangalawa noong Fire Run. Pangalawa si Maria Isabel Galon (57:03) at pangatlo si Carizza Sotalbo (59:03). 


Sa limang kilometro, pinakamabilis si Cavin Vidal nagtapos sa 19:32 at sinundan nina Ronie Fernandez (21:04) at Jerald Anthony Linga (21:42). Wagi sa kababaihan sina Hazel Anne Zamora (23:28), Louella Carpio (25:00) at Anilita Cinco (27:59). 


Maghahanda na ang lahat para sa pangatlong yugto ng serye, Air Run, sa Setyembre 22. Wawakasan ang serye ng Earth Run sa Nobyembre 24.  


Ang BULGAR ay opisyal na media partner ng Takbo Para Sa Kalikasan 2024.  Namahagi ng mga regalo at nagkaroon ng pagkakataon na masamahan si Bulgarito na naghatid ng saya sa lahat.  

 
 

ni Gerard Arce @Sports | July 12, 2024



Sports News

Itinakbo ng Lapu-Lapu City runner na si Asia Paraase ang kauna-unahang gintong medalya sa 2024 edisyon ng Palarong Pambansa matapos manguna sa 3000m secondary girls event, habang winasak ni Jyane Kirt Cantor ng Central Luzon ang elementary boys Long Jump kahapon sa Cebu City Sports Center. 


Pinagsumikapang maabot ng Pajo National High School student-athlete ang unang gold sa oras na 10:27.36 minuto para sa Region VII, habang sumegunda si Chrishia Mae Tajarros ng Region VIII sa 10:39.72 at pumangatlo si Mary Jane Pagayon ng Region XI  (10:52.72).


Masaya po ako kasi pride na rin po ito ng Central Visayas. Payback na rin po para sa preparation nila. Masaya rin po kasi hindi lang din po kasi ito para sa akin kundi pati na rin po sa teammates ko,” pahayag ni Paraase, na nagsimulang tumakbo noong Grade 6, kung saan ito ang ikalawang sabak sa Palaro. “Dine-dedicate ko po ito sa sarili ko. Ang dami pong challenges na hinarap, nawawalan na rin po ako ng hope sa sarili ko. Ang saya ko po dahil nagawan ko ng paraan para hindi ako kainin ng kaba at takot.”


Tinalon naman ng Nueva Ecijano trackster na si Cantor ang 6.14 meters upang pagbidahan ang boys long jump at wasakin ang dating rekord na itinala ni Jeremie Tamles ng Davao Region na 6.04 meters noong 2002 Naga edisyon.  


Segunda si Khrispher Kyle Ngirngir ng Region VI sa 5.63meters, sinundan ni Ace Francis Bacongallo ng Region VII sa 5.59m at John Michael Ray Catindoy ng Region II sa 5.58m. Gold medal din sa elementary girls Discus Throw si Ariana Dawn Rabi ng Region I sa 31.21 meters, silver si Precious Rhoevie Andres ng Region II sa 31.14 meters at bronze si Sam Garcia ng Region IV-A sa 28.76 meters.   

 
 
RECOMMENDED
bottom of page