top of page
FRANKLY - NADINE, TUMAKBO NA RAW SA SIARGAO, SINUNDAN PA RIN NG WORK NILA NI ALDEN-IG _ na
Search

ni R. Nillama @Sports News | Jan. 25, 2025



  • Dimayuga

Solid na tinawid mag-isa ni Diego Jose Dimayuga ng PH developmental pool ang finish line upang tanghaling kampeon para sa NAGT U15 Super Tri-kids na ginanap sa Boardwalk ng Subic Bay Freeport sa Olongapo City. May kabuuan na oras na tinapos si Dimayuga para sa Swim, Bike at Run na 30:55 minuto. (Reymundo Nillama)


Pinangunahan nina Diego Jose Dimayuga ng PH developmental pool ang boys division habang nakuha ni Lauren Lee Tan ng Ormoc ang kampeonato sa Under 15 Youth sa unang leg ng National Age Group Triathlon (NAGT) Series na ginanap sa Boardwalk ng Subic Bay Freeport sa Olongapo City.


Unang umahon si Dimayuga sa 500 meter swim bago nanguna sa 1km bike at 750m run upang solong tawirin ang finish line sa 30:55 minuto at patatagin ang tsansa na makasama sa Asian Youth Games (AYG).


“I think I really did a good job in the run. I really pushed myself in the swim. I know my competitors are good in the bike that is why I did a breakaway in the swim. It was not really about the gold because what I really wanted to get is my Personal Best,” sabi ng 13-anyos at Grade 7 sa Singapore Manila Green Campus na si Dimayuga.


Kinailangan naman ng mahiyain na si Tan ng Ormoc Aquatic Edge na bumalikwas sa pagkakaiwan sa swim bago inagaw ang unahan sa bike saka tuluyang tinapos sa takbuhan ang pag-angkin sa gintong medalya na pinakauna nito sa pagsali sa national triathlon event.


“This is my first gold,” sabi ng 12-anyos at graduating student sa St. Paul’s School sa Ormoc City. “This is my second time to compete in NAGT and first one is a silver medal. I am so happy to win this tough competition,’ sabi ni Tan.


Pumangalawa naman kay Dimayuga si Pio Mishael Latonio ng Get Coach’D Academy (31:34m) habang pumangalawa kay Tan na may 34:07 minutong oras si Christy Ann Perez ng TLTG GFG PH (34:27m).

 
 

ni Anthony E. Servinio @Sports | Dec. 11, 2024



  • HOKA Trilogy Run Asia - FB

Photo: HOKA Trilogy Run Asia - FB


Matagumpay na nagwakas ang 2024 HOKA Trilogy Run Asia National Finals noong Linggo ng umaga sa Mall of Asia.


Pinangunahan nina Edsel Moral at Maricar Camacho ang tampok na Marathon laban sa kanilang kapwa-kampeon mula sa isang taong serye ng mga karera na umikot sa buong bansa.


Malaking tagumpay ito para sa Bikolanong si Moral na inamin na baguhan lang siya sa pagtakbo ng 42.195 kilometro at umoras ng 2:46:43.


Mag-isa siyang tumawid ng arko at naghintay bago dumating na pangalawang si James Kevin Cruz (2:54:25) at pangatlo Rudy Nino Singular (2:54:53). Nagbabantayan ang mga nangunguna bago magpasya si Moral na iwanan sila habang umiikot sa Intramuros bago bumalik ng MOA.


Nagawang ipagsabay ni Moral ang ensayo sa kanyang trabaho sa isang pabrika at nag-kampeon din siya sa 32 kilometro sa Davao Leg Three noong Oktubre 20.


Naging madali ang takbo para sa beteranang si Camacho sa gitna ng pagliban ng ilan sa kanyang mga karibal sa 3:25:28.


Pangalawa si Jennelyn Isibido (3:37:07) at pangatlo si Honey Damian (3:56:29). Mabigat na paborito si Camacho na kampeon sa 21 at 32 kilometro sa pangalawa at pangatlong yugto sa Metro Manila noong Hunyo at Agosto.


Pangatlo lang siya sa 16 kilometro sa pambungad na yugto noong Abril. Sa gitna ng tagumpay ng 2024 ay nakahanda na ang kalendaryo at maaari na magpalista ng maaga para sa bagong serye sa 2025 na magiging Sante Barley Trilogy Run Asia handog ng HOKA.


Ayon kay Race Director Coach Rio dela Cruz, bibigyan ang mga karera ng basbas ng World Athletics at maaaring gamitin ang resulta upang makalahok sa mga malalaking pandaigdigang karera.


Ang mga unang karera ay gaganapin sa Cagayan de Oro (Marso 2) Iloilo (9), Metro Manila (16), Davao (23) at Cebu (30). Ang National Finals ay babalik sa mas maagang Nobyembre 9 sa MOA.

 
 

ni MC @Sports News | Nov. 27, 2024



  • AFP Phl Masters

Ang Running Team Calabarzon (RTC) nang humakot ng medalya sa Philippine Masters International Athletics Championships kasama sina 77-year old Rosalinda Pendon Ogsimer na naka-8 gold sa athletics, 65-yr old coach Bhen Alacar ginto sa racewalk at NMSAAP organizer Judith Staples na ginto rin sa pole vault na idinaos sa Philsports Arena nitong nagdaang Nob. 8-10. (nmsaapfbpix)


Overall Champion ang Philippine Air Force sa Philippine Masters International Athletics Championships na idinaos sa Philsports Arena nitong nagdaang Nob. 8-10 kung saan nakasungkit sila ng 40 golds, 24 silvers at 17 bronzes habang runner up ang Police team sa 32 golds, 17 silvers at 15 bronzes, 2nd runner up ang First Sports Northern Philippine Athletics ng 30 golds, 37 silvers at 16 bronzes.


Gold naman sa discus throw, 36.22 m ang 43-anyos na si Arnel Ferrera. Namayani sa age 65 ng 4x100 m relay sina Demetro Advincula, Renato Dichoso, Escano Virgilio at Severino Alacar ng Team Baguio para sa gold sa oras na 1:09.42. Gold din si Alacar sa 3000m racewalk.


Si Judith Staples ang namayani sa pole vault, age-55 sa taas na lundag na 1.75 m. Gold si Jojie Daga-as sa age 47 ng Team Hukbong Kabitenyo sa 300m steeplechase men. Gold si 77-yr old Rosalinda Ogsimer sa 400m (2:19.28) Sa mga resulta ng laro hindi nagpahuli ang Running Team Calabarzon (RTC) nang maka-3 gold medal si Evelyn Nicolas sa F55 Category sa 10,000m Run, 5,000m Run, 4x400m Relay at bronze sa 100m Dash.


Sinundan ni 62-yrs. old Marlene Gomez Doneza ng Batangas City na naka- 4 golds sa F60 (10,000m Run, 5,000m Run, 3,000m Race Walk at 4x400m Relay). Hindi rin nagpahuli si 77-year old Orlando Tatay Orly Payumo sa M75 Category 5,000m Run- Gold habang si Randel Bagamasbad sa M30 category ay bronze sa 5,000m run.


Bumida rin si Lany Cardona Adaoag sa F30 Category ng 5,000m Run- Gold habang si Grace Gracia ay may 2 ginto sa discus throw at 4x400m at bronze sa 10,000m run sa F45 Category. Ginto rin si Jocelyn Davo Elijeran sa F45 Category ng 10,000m Run, maging si Nelson Elijeran sa M45 category ay bronze sa 1,500m Run.


Si Grace Panalangin sa F45 category ay bronze medal sa 10,000m Run habang silver naman si Darryl Golimlim sa M35 Category ng Javelin Throw at Nympha Miano-Ang sa bronze ng F55 category ng 5,000m run.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page