top of page
FRANKLY - NADINE, TUMAKBO NA RAW SA SIARGAO, SINUNDAN PA RIN NG WORK NILA NI ALDEN-IG _ na
Search

by MC @Sports News | March 20, 2026



MPTC Tour of Luzon pic sa 2nd prio mar 20

Photo: MPTC Tour of Luzon



Nakaabang ang mga brutal na ahunan at makabali-leeg na sprints sa mga sasabak sa MPTC Tour of Luzon 2026 edition ngayong summer na may 14 stages sa may 13 probinsiya at lima sa pangunahing isla ng walong rehiyon na may padyakang distansiya na  1,815.80 kilometers.


It’s a balance of a route for the climbers and sprinters,” ani Arrey Perez, Tour of Luzon CEO at Chief Organizer at nabanggit niyang bagong henerasyon ang mamamayani sa ToL na inihanda ng MPTC o ng Metro Pacific Tollways Corp. Teamwork will play a crucial role in the race with the domestiques expected to do a challenging task to bring their respective team’s in the GC [general classification],” dagdag ni Perez.


Ang “The Great Revival,” tour ay magsisimula sa Abril 29 sa CaSobe sa Calatagan mula sa CALABARZON at tatahak Central Luzon at Cagayan Valley hanggang  Ilocos Region at Cordillera hanggang Mayo 13 na Stage 14 finale sa Scout Hill sa John Hay Hotels sa Baguio City.


“Just how tough and challenging is the race in terms of the King of the Mountain classification are the 25 climbs,” ani Perez at aniya, “and the Sprints, there are 16 in all spread over the 14 stages.


Ang Stage 1 CaSoBe (Calatagan) to Tagaytay City (150.10 kms), Stage 2 Clark to New Clark City (43.40 kms, team time trial), Stage 3 New Clark City to Palayan City (140.10 kms), Stage 4 Palayan City to Bayombong (165.80 kms) at Stage 5 Santiago City to Tuguegarao City (130.60 kms).


Stage 6 Tuguegarao City to Pagudpud 228.90 kms (road) sa markang KOM points, kasunod ng unang two individual time trial (ITT) races sa Stage 7 Pagudpud circuit (22.90 kms), ang rest day ay sa Mayo 6 (Pagudpud).

 
 

ni Anthony E. Servinio @Sports | March 6, 2026



Takbo Para sa Kalikasan

Photo: Iniliunsad ang Takbo Para sa Kalikasan Fire Run sa pangunguna nina Ernie at Jenny Lumba ng Green Media Events sa SM Manila kung saan aabangan ang obstacles at iba pang sorpresa sa first series ng patakbo sa Mayo 24, Quirino Grandstand. (Bulgar via Gen Villota)



Ngayong 2026 may pagbabago na tiyak papatok sa mga suki ng serye mula pa 2018.

Tulad ng kinagawian, bubuksan ang serye ng apat na karera ng Fire Run ngayong Mayo 24 sa Quirino Grandstand. Maglalatag ng ilang obstacle sa kahabaan ng ruta ng 16, 10 at 5 km.


Susunod ang Water Run sa Hulyo 26 na gagawing Bubble Run. Titingnan kung malulusutan ang hamon mga bula hanggang 18 km. Ang Air Run ay sa Set. 20 at ito ay isang Color Run. Ibang klaseng saya ang hatid ng pagsaboy ng iba't ibang makulay na pulbos sa Half-Marathon o 21.1 kilometro.


Tutuldukan ang serye ng Earth Run sa Nob. 15 kung saan may espesyal na karera para sa alagang aso. Tampok dito ang 25 km. Lahat ng makakabuo ng apat na yugto at makakakuha ng isang mas malaking medalya. May tatatakan na papel sa bawat karera bilang katibayan.


Maliban sa t-shirt at medalya na matatanggap ng lahat na magtatapos sa lahat ng kategorya ng dagdag na inumin (Fire), tuwalya (Water), sunglass at medyas (Air) at head band (Earth).


Maaaring magpalista na sa mga piling sangay ng Chris Sports. May online din sa opisyal na Facebook ng Takbo Para Sa Kalikasan.


Magbabalik ang BULGAR bilang opisyal na media partner ng buong serye. Abangan ang mga sorpresa sa araw ng bawat karera.

 
 

ni Anthony E. Servinio @Sports | December 16, 2025



TORREGOSA AT ARBOIS pic katabi ng 6th prio dec 16

Photo: Silver medalist sina Artjoy Torregosa at Arlan Arbois sa 33rd SEAGames Thailand marathon. (fbpix)



Kumulekta ang Pilipinas ng tatlong medalya mula sa 2025 SEA Games Marathon Linggo ng gabi sa Happy & Healthy Bike Lane. Pilak sina Arlan Arbois Jr. at Artjoy Torregosa habang tanso si Richard Salano sa gitna ng dobleng ginto ng Indonesia.


Sa halip sa karaniwang umaga sa Pilipinas ay bago lumubog ang araw ginanap ang 42.195 kilometrong karera sa Bangkok. Kampeon si Robi Syianturi sa 2:27:33 at nanatili sa Indonesia ang ginto matapos ni Agus Prayogo noong 2023.


Naglabanan para sa pilak ang mga magkakampi at sa huli nanaig si Arbois sa 2:30:19. Sumunod si Salano sa 2:31:29. Bumida agad si Torregosa sa kanyang unang SEA Games. Subalit wagi muli si 2021 kampeon Odekta Elvina Naibaho sa 2:43:13 kumpara kay Torregosa na 2:48:00 at tanso Bui Thin Thu Ha ng Vietnam na 2:54:40.


Hindi nag-medalya ang pang-apat na atleta Christine Hallasgo. Ginto siya noong 2019, pilak noong 2021 at tanso noong 2023.


Dalawa pa lang ang Athletics ginto ng Pilipinas kay John Cabang sa 110M Hurdles at Hokett delos Santos sa Decathlon. Pilak si Yacine Guermali sa 5,000M at tanso sina Sonny Wagdos sa parehong 5,000M, Leonard Grospe (High Jump), William Morrison III (Shot Put), Zion Rose Nelson (200M), Jeralyn Rodriguez (400M), Susan Ramadan (1,500M), Joida Gagnao (5,000M), Bhianca Espenilla (Javelin) at ang kombinasyon nina Bernalyn Bejoy, Alhryan Labita, Alfred Talplacido at Angel Watson sa 4X400M Mixed Relay.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page