top of page
Search

ni Lolet Abania | November 11, 2021



Ipinahayag ni Senador Manny Pacquiao na hindi siya aatras sa pagtakbo sa pagka-pangulo sa darating na 2022 elections.


“Walang atrasan. Tuloy ang laban,” saad ni Pacquiao sa isang statement na inilabas ngayong Huwebes matapos ang naging meeting niya kay Pangulong Rodrigo Duterte sa Malacañang nitong Martes ng gabi.


Ayon kay Pacquiao, ang pulong nila ng gabing iyon ng Pangulo ay inayos at nabuo ng kanilang common friends at hindi ito isang political meeting.


“Hindi nagbabago ang paninindigan ko sa pagtakbo bilang pangulo. Ipakulong ang mga kawatan at iangat ang buhay ng mga mahihirap nating kababayan,” sabi ng senador.


“Hindi ako trapo mag-isip. Ang panalo ko ang magpapanalo sa buhay ng bawat Pilipino,” dagdag ni Pacquiao.


Bago pa ang pulong, matatandaang nagkaroon ng sigalot sa pagitan nina Pacquiao at ni Pangulong Duterte, kung saan nagkaroon ng isang disagreement o hindi napagkasunduan, na nag-ugat para sa isang faction ng mga miyembro ng PDP-Laban na mag-convene at ilagay si Pangulong Duterte bilang vice presidential candidate ng partido sa 2022 elections.


Dahil dito, tinawag ni Pacquiao ang naturang conventions, na sinuportahan naman ng PDP-Laban chairman na si Pangulong Duterte, na ilegal.


Sinabi rin ni Pacquiao na bigo ang Pangulo, aniya na i-address ang laganap na korupsyon umano sa gobyerno.


Subalit, marami ring ibinatong pahayag sa kanya si Pangulong Duterte, isa na rito ay nang tawagin si Pacquiao ng Pangulo na punchdrunk, na ang tinutukoy nito ay ang istorya ng career ng senador bilang isang multi-titled boxer pero itinuturing naman na lackluster ang karera nito bilang isang legislator.


Samantala, pinatotohanan ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang tinuran ni Pacquiao, aniya ang meeting sa pagitan ng Pangulo at ni Pacquiao ay hindi tungkol sa eleksyon sa susunod na taon.


“It was a friendly meeting, a reunion of sorts,” paliwanag ni Roque, nang tanungin kung ang nasabing meeting ay hudyat ng pagkakaisa sa pagitan ng sigalot sa PDP-Laban factions na pinamumunuan ni Pacquiao at ni Pangulong Duterte.

“Let us leave it at that,” sabi pa ni Roque.

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | October 19, 2021



Hinihintay ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año ang report ng Batangas Provincial Police Office kaugnay na mass gathering sa Balayan, Batangas matapos bumisita ni Senador Manny Pacquiao.


Naging usap-usapan ang pagbisitang ito ni Pacquiao matapos dumugin umano ng mga tao sa kabila ng banta ng COVID-19.


Sinabi sa Laging Handa press briefing ni DILG Undersecretary Jonathan Malaya na nais malaman ni Secretary Año ang detalye para matukoy kung mayroong naganap na paglabag sa quarantine protocols.


“Hinihintay pa rin po natin yung report mula sa Batangas Provincial Police Office at doon sa police station na mayroong kinalaman no, na may jurisdiction sa nasabing insidente,” ani Malaya.


“Ang natanggap lang po namin kasing ay raw report lamang at ang hinihingi po ni Secretary Año sa ating kapulisan is a more detailed report so that we can act accordingly,” dagdag niya.


Samantala, iginiit naman ni Sen. Manny na hindi siya namimili ng boto matapos nitong mamudmod ng pera.


Ito raw ay bahagi ng kanyang pagtulong na ginagawa na niya noon pang 2002.

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | October 15, 2021



Pormal nang inanunsyo ni presidential aspirant Sen. Manny Pacquiao ang kanyang initial senatorial slate para sa 2022 national elections.


Pasok sa kanyang initial list sina:

  • Senator Juan Miguel Zubiri

  • Senator Joel Villanueva

  • Sorsogon Governor Francis Escudero

  • Antique Representative Loren Legarda

  • Former Vice President Jejomar Binay

  • Broadcaster Raffy Tulfo

  • Former Samar Governor Lutgardo Barbo


Sa isang interview, sinabi ni Pacquiao na karamihan sa kanila ay guest candidates at ayaw ng kanyang ticket na i-‘corner’ ang mga kandidato sa isang partido.


Dagdag pa niya, bukas ang kanyang lineup para sa mga nais maging guest candidates.


“Yung ibang mga kandidato gusto maging guest candidate, eh, open tayo,” ani Pacquiao.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page