top of page
Search

ni Lolet Abania | May 8, 2022


ree

Hinamon ng Department of Education (DepEd) ngayong Linggo si presidential candidate Sen. Manny Pacquiao na pangalanan nito ang mga opisyal sa kanilang hanay na umano’y sangkot sa korupsiyon.


“As a public servant, the good senator has every right, legally and morally, to assail and put to question whatever wrongdoing, any person or instrumentality of the government for that matter in his quest to eradicate graft and corruption in the bureaucracy,” ayon sa DepEd sa isang statement.


“Therefore, it is a moral duty for the good senator, being a candidate for the highest office in the land, to name names, or identify and not rely on generalities to put down the whole institution of the Department of Education,” dagdag na pahayag ng ahensiya.


Sa isang interview ng KBP-COMELEC PiliPinas Forum 2022 na ipinalabas noong Mayo 6, binanggit ni Pacquiao na mayroon aniyang, irregularity na sangkot ang isang DepEd official, subalit tumanggi itong pangalanan.


“Diyan sa DepEd, may kakilala ako diyan. Hindi pumapayag na bumababa ng 40% ang mapunta sa kanya,” sabi ni Pacquiao.


"Hindi na ako magsabi... pero maniwala kayo sa akin na ipakulong ko lahat ng mga kawatan diyan. Wala akong pipiliin kahit ano’ng posisyon mo,” saad ng retiradong boxing champ.


Gayunman, iginiit ng DepEd na ang pag-atake sa reputasyon ng buong institusyon ay lubhang mapanganib o anila, “very dangerous” at maaaring makaapekto sa impresyon ng publiko sa integridad ng nalalapit na electoral results.


“While there might still be bad eggs within the organization, the leadership of the Department has seen fit to charge these known implicated and remove those found guilty,” ayon sa ahensiya.


“To allege wrongdoing, unsupported by specific facts or without naming names, is tantamount to false accusation,” giit pa ng DepEd.


Samantala ayon sa ahensiya, mahigit sa 647,812 teaching at non-teaching DepEd personnel ang magseserbisyo para Halalan 2022 sa Lunes, Mayo 9.


 
 

ni Zel Fernandez | April 30, 2022


ree

Pinasaringan ni presidential candidate Manny Pacquiao ang kampo ni dating senador Bongbong Marcos na nagpapalusot lang umano ukol sa hindi nito pagdalo sa huling presidential interviews ng Commission on Elections (Comelec).


Sa isang panayam kay Pacquiao sa Naval, Biliran, tahasan nitong sinabi na naniniwala siyang sinadya ni Marcos na huwag nang lumahok sa one-on-one interview, taliwas sa dahilan nitong “conflict of schedule”.


Ani Paquiao, pinili ng kalaban sa pagka-pangulo na tanggihan ang panel interview para maiwasang magkamali ng sagot at lumabas ang baho, at dahil din umano kumpiyansa na ang kampo ni Marcos sa pangunguna nito sa pre-election surveys.


Paliwanag pa ng senador, ang kandidato sa pagka-pangulo ay dapat bukas aniya sa anumang imbitasyon ng panayam at hindi namimili lamang ng dadaluhan dahil dito masusukat ang sinseridad ng mga pulitiko.


Gayundin, ihinambing ni Pacquiao ang debate at panayam ng eleksiyon sa isang job interview na kailangan umanong siputin ng aplikante kung nais matanggap sa trabaho.


Gayunman, bagaman ang pasyang hindi pagdalo sa mga debate at interview ay prerogative umano ni Marcos, sa huli ay taumbayan pa rin aniya ang huhusga dahil matatalino na ang mga mamamayan sa pagboto.


Samantala, pinag-iisipan pa umano ni Pacquiao ang pagdalo sa panel interview, ngunit malaki ang posibilidad na paunlakan niya ito sa kabila ng mga naunang commitments.


 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | March 18, 2022


ree

Sinabi ni presidential candidate Manny Pacquiao sa isang press release na ‘wag umasa ang mga Pilipino na mananagot at magkakaroon ng maayos na gobyerno sa mga kandidatong hindi dumadalo sa mga debate.


“Nakakatakot yang mga ganyang kandidato sa ating republika. Pag na-elect na sila, kahit magnakaw pa sila nang magnakaw wala silang pananagutan dahil ibinoto sila ng tao kahit alam nilang mga magnanakaw sila. Paano sila sisingilin ng taumbayan eh sila mismo ang naglagay sa kanila sa pwesto?” ani Pacquiao.


Binanatan din ni Pacquiao ang mga kumakandidato na umiiwas sa face-to-face debates na ‘wag nang mag-iimbento ng mga idadahilan, lalo na ang mga debateng inorganisa ng Commission on Elections (Comelec).


Dagdag pa ni Pacquiao, may karapatan umano ang publiko na malaman hindi lang ang mga plataporma sa gobyerno kundi maging ang kanilang karakter bilang leader at tagapagpatupad ng mga polisiya ng gobyerno.


Kinumpirma ni Pacquiao na siya ay dadalo sa lahat ng face-to-face debates at election-related fora, lalo na ang mga inorganisa ng Comelec, at ng mga lehitimong media organizations at civil society groups.


Samantala, nakatakda ring dumalo ang siyam na presidential candidates sa Comelec debates maliban kina former senator Bongbong Marcos at kanyang running mate na si Davao City Vice Mayor Sara Duterte.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page