top of page
Search

ni Lolet Abania | January 6, 2021



Magbibigay ng P500,000 reward si Sen. Manny Pacquiao sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon upang mahanap ang suspek sa pagpatay sa flight attendant na si Christine Dacera.


Ayon sa ulat, natagpuang walang buhay si Dacera, 23, sa bathtub ng isang hotel sa Makati noong Bagong Taon at may mga pasa at laceration wounds din ito kaya hinihinalang pinagsamantalahan din. Pahayag ni Sen. Pacquiao,


"'Yung mga nakakita, may alam, magsalita na. May reward akong P500,000 doon sa makakahuli sa mga gumawa.


"Gagawin ko lahat ng aking makakaya para maparusahan ang mga pumatay sa kanya.” Ang mga ganitong uri ng kaso umano ang dahilan kung bakit nais ni Pacquiao na ibalik ang death penalty sa bansa.


Aniya, "Ayoko sa lahat, papatayin na, gagahasain pa kaya isinusulong ko ang death penalty. "Kailangang may pamalong matindi ang ating gobyerno.”

 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | December 22, 2020




Isinusulong ni Senator Manny Pacquiao na ibalik ang death penalty sa bansa kaugnay ng pamamaril at pagpatay ni Police Master Sergeant Jonel Nuezca sa mag-ina na sina Sonya Gregorio at Frank sa Paniqui, Tarlac nu'ng Linggo.


Pahayag ni Pacquiao, “Naisip niya siguro na mahina naman ang ating batas at kayang-kaya niyang pagdusahan sa kulungan ang kanyang ginawang karumal-dumal na krimen.


“That’s the same mindset prompts criminals to carry out even the most heinous of crimes. Alam kasi ng mga kriminal at mga utak-kriminal na makukulong lamang sila kapag gumawa sila ng karumal-dumal na krimen.


“Bigyan sana ulit natin ng pagkakataon itong death penalty dahil sa tingin ko, ito na lang ang kulang upang maging mabilis at maging epektibo ang ating pagbibigay ng hustisya sa ating kababayang biktima ng mga heinous crimes.”


Maging si Senator Ronald “Bato” dela Rosa, dating hepe ng Philippine National Police (PNP), ay nais ding hatulan ng kamatayan si Nuezca. Aniya, “‘Yung ginawa ng pulis na cold-blooded killing is double murder (or two counts of murder) and a heinous crime na ang dapat parusa ay death penalty pero hanggang ngayon ay hirap na hirap pa ring umusad ‘yung ino-author kong death penalty bill.”


Samantala, panawagan naman ni Pacquiao ay huwag husgahan ang kabuuan ng PNP dahil sa ginawang karumal-dumal na krimen ni Nuezca. Aniya, “Nananawagan ako sa ating mga kababayan. Huwag po nating husgahan ang ating buong PNP dahil sa ginawa ni Nuezca. Naniniwala ako na mas marami pa ring matitinong pulis at itong si Nuezca ay isa lamang sa mangilan-ngilang bulok sa kanilang organisasyon.


“Sa halip na kamuhian ang ating mga pulis ay tulungan po natin sila upang maramdaman nila ang pagmamahal at pagkalinga ng mga mamamayang kanilang pinagsisilbihan. “Ipakita natin ang ating tiwala nang sa ganu’n ay suklian nila ito ng mas tapat na paglilingkod sa ating bayan.”


 
 
RECOMMENDED
bottom of page