top of page
Search

ni Lolet Abania | August 22, 2021



Nakatanggap agad si Manny Pacquiao ng ‘words of comfort’ at mensahe mula sa kanyang pamilya at mga kaibigan matapos na matalo ni Yordenis Ugas ng Cuba sa kanilang laban sa WBA welterweight title bout ngayong Linggo (oras sa Manila).


Ang dalawang anak ni Pacquiao na sina Michael at Jimuel ay makikitang niyakap pa ang kanilang ama matapos ang pagkatalo nito kay Ugas, na ngayon ay may record nang 62-8-2 kung saan nakapagtala rito ng 39 knockouts.


Ang misis ng Pambansang Kamao na si Jinkee, mula sa locker room ay ilang beses namataang nagtsi-cheer sa asawa hanggang sa ring side. Natalo si Pacquiao via unanimous decision kung saan tatlong judges ang nagbigay ng score sa kanilang match na 115-113, 116-112, 116-112, na lahat ay pumabor kay Ugas.


Nagpahayag naman ang ina ni Pacquiao na hindi sa lahat ng panahon ay lagi siyang panalo. “Wala ko naguol nga napildi siya, kay unsaon man... kay kaning away, manalo, matalo man gyud, ‘di ba? Dili man pud puros panalo,” sabi ni Mrs. Dionesia Pacquiao sa mga reporters sa kanyang bahay sa General Santos City.

 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | July 4, 2021



Pinabulaanan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang alegasyon ni Senator Manny Pacquiao na may nawawala diumanong P10.4 bilyon pondo ng Social Amelioration Program (SAP) habang 1.4 milyong benepisyaryo ang hindi nakatanggap ng ayuda.


Ayon kay DSWD Spokesperson Irene Dumlao, handang humarap ang ahensiya sa anumang imbestigasyon kaugnay ng naturang alegasyon.


Aniya sa isang panayam, "Nais din nating bigyang-diin na wala pong nawawalang pondo hinggil sa SAP implementation.”


Kinuwestiyon din ng senador sa kanyang virtual press conference ang e-wallet na Starpay para sa SAP. Saad ni Dumlao, "Ang financial service providers (FSPs), kabilang ang Starpay, ay ini-liquidate lahat ng budget na kanilang natanggap. Anumang pondo na kanilang natanggap ay ini-refund sa DSWD. It is now being distributed sa mga natitira pang SAP beneficiaries.”


Samantala, ayon kay Pacquiao, may hawak siyang matibay na ebidensiya at nais niyang imbestigahan ito ng pamahalaan.


 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | May 22, 2021



Muling sasabak sa ring ang Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao laban sa unified welterweight world champion na si Errol Spence, Jr. sa Las Vegas sa Agosto.


Ang huling laban ni Pacquiao ay noon pang July, 2019 kontra kay Keith Thurman sa WBA welterweight title.


Ipinost ni Pacman sa kanyang Twitter account ang promotional poster kung saan mababasa ang: “Pacquiao vs Spence, August 21, 2021, Las Vegas, Nevada.”


Samantala, si Spence ay may record na 27-0, 21 KOs habang si Pacman naman ay 62-7-2, 39 KOs.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page