top of page
Search

ni Lolet Abania | October 13, 2021


ree

Kinumpirma ng chief of staff ni Manila Mayor “Isko Moreno” Domagoso na si Cesar Chavez ngayong Miyerkules, ang kanyang resignation mula sa team ng alkalde dahil aniya ito sa offer mula sa isang radio company at sa pagnanais rin niyang bumalik sa kanyang radio broadcasting career.


Ang pagbibitiw ni Chavez ay nabuo kasabay ng paghahanda ni Moreno sa pinakamalaking laban sa pulitika, ang pagtakbo nito sa pagka-pangulo sa 2022 elections.


Si Chavez na nagsimula bilang isang radio announcer bago pumasok sa gobyerno ay nagsabing nakatanggap siya ng offer mula sa Manila Broadcasting Company noong Marso 2021.


“I told Mayor Isko about the offer, and my intention to accept the same,” post ni Chavez sa Facebook.


“So happy to be back to my first love, radio broadcasting. Am done now with my other love, the government,” sabi ni Chavez, kung saan siya ay na-appoint mula sa 12 iba’t ibang posisyon sa ilalim ng 6 na administrasyon.


Pinasalamatan ni Chavez si Moreno na napili siya na maging bahagi ng team nito sa Manila habang sinabing maraming mahuhusay na manggagawa na naglilingkod sa capital city ng bansa.


“Never regretted being COS of the mayor, the job I accepted over being Agriculture Undersecretary with CESO requirement or City Administrator of Mayor Francis Zamora, the positions offered to me before that May 17, 2019 meeting with Yorme,” sabi ni Chavez.


“Salamat Yorme sa pag-unawa, at pagkatataon makapagtrabaho sa Maynila. Napakaraming magagaling at matitino sa city hall. Maraming salamat sa inyo,” aniya pa.


Sinabi naman ni Moreno sa online forum na Kapihan sa Manila Bay na si Chavez ay nakatuon sa ilang health issues at kinakailangang harapin ang kanyang pamilya.


“Nagkaroon siya ng health reasons. He has to attend to his family,” pahayag ng mayor. “Ayoko nag-i-interfere kapag pamilya na. Kaya ka nga naghahanap-buhay para sa pamilya mo,” sabi pa ni Moreno. Pinalitan si Chavez ni Jette Aquino, ang dati niyang head executive assistant simula noong Hulyo 2019.


“No more,” sabi ni Chavez sa isang text message nang tanungin kung magiging parte pa rin siya ng campaign team ni Moreno. “I committed to MBC management that I intend to stay with the company until my retirement age,” pahayag pa ni Chavez. “With this decision, my family is happy.”


 
 

ni Lolet Abania | September 27, 2021


ree

Hinoldap ng nag-iisang salarin ang isang bangko sa Otis, Paco, Manila, ngayong Lunes nang hapon.


Ayon kay Manila Police District chief Brigadier General Leo Francisco, naganap ang insidente bandang alas-2:00 ng hapon, kung saan gumamit ang holdaper ng isang motorsiklo na kanyang getaway vehicle.


Gayunman, sinabi ng opisyal na walang nai-report na nasaktan matapos ang insidente habang hindi pa nagbigay ng impormasyon ang bangko hinggil sa kung magkano ang halagang natangay ng suspek.


“Wala pang dini-disclose kung magkano ang nakuha. Sa physical na report ng imbestigador, OK naman ang bank employees. Sa pakikipag-usap sa bank manager, wala namang nababanggit na may nangyaring ibang insidente sa loob,” ani Francisco sa interview.


Ayon pa kay Francisco, nagsasagwa na ang MPD Station 10 ng imbestigasyon sa nangyaring holdap sa bangko habang ang ibang MPD personnel ay nagkasa na ng isang dragnet operation para sa ikakadakip ng suspek.

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | September 11, 2021


ree

Inanunsiyo ni Manila City Mayor Isko Moreno Domagoso na maaari nang magparehistro ang mga kabataang edad 12 hanggang 17 para sa Covid vaccine.


Maaari raw irehistro ng mga magulang ang kanilang mga anak sa www.manilacovid19vaccine.ph sa dalawang paraan.


Puwedeng i-register sa kanilang account at ilagay bilang family member o irehistro nang bukod na account.


Sinabi ng alkalde na ang registration ay paghahanda sakaling magbigay na ng pahintulot ang gobyerno na simulan ang pagbabakuna sa nasabing age bracket.


“Para kapag go na, pwede na tayo magbakuna”, ani Mayor Isko.


Matatandaang kamakailan lamang ay pinayagan na ng mga eksperto ang pagbabakuna ng Moderna and Pfizer sa mga kabataang nasa edad 12 hanggang 17.



 
 
RECOMMENDED
bottom of page