top of page
Search

ni Ronalyn Seminiano Reonico | July 19, 2021


ree

Umabot na sa mahigit isang milyon ang naibakuna sa Manila simula nang mag-umpisa ang vaccination program laban sa COVID-19 noong Marso, ayon sa lokal na pamahalaan.


Ayon sa Manila Public Information Office, umabot na sa 1,000,021 ang naiturok na COVID-19 vaccines ngayong Lunes, alas-9:00 nang umaga.


Sa naturang bilang, 657,748 ang para sa first doses habang 342,273 naman ang para sa second doses.


Samantala, patuloy na nananawagan sa publiko si Manila City Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso na magpabakuna laban sa COVID-19.


Saad ni Mayor Isko, “Sama-sama tayo na makipaglaban at proteksiyunan ang bawat isa sa atin, bawat tao. Hindi lang dahil tayo ay taga-Maynila, kung hindi bawat mamamayan.


"Huwag tayong matatakot. Huwag tayong susuko. Huwag tayong mawawalan ng pag-asa. Mananalo tayo. Siguradong mananalo tayo.


“Magtulung-tulong tayo. Tayo rin ang magkikita sa finals. Isang bangka lang tayo, wala nang iba.”


 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | July 8, 2021


ree

Nagbanggaan ang cargo vessel at foreign utility vessel sa South Harbor Anchorage sa Manila ngayong Huwebes nang umaga, ayon sa Philippine Coast Guard (PCG).


Sa inisyal na imbestigasyon ayon sa PCG, bandang alas-2:10 ng umaga nang nagkabanggaan ang MV Palawan Pearl at BKM 104.


Saad ng PCG, “Napag-alaman na ang BKM 104 ay isang foreign utility vessel na kinontrata para magsagawa ng dredging at iba pang land development activity na kinakailangan sa pagpapatayo ng New Manila Airport.”


Lumubog ang kalahating bahagi ng MV Palawan Pearl at kumalat umano ang “oil sheen” sa paligid nito, ayon sa PCG.


Ayon sa ulat, humigit-kumulang 3,000 litro ng diesel oil ang laman ng oil storage tank ng MV Palawan Pearl at may lulan din itong isang drum ng diesel oil, 60 litro ng engine oil at limang litro ng bilge oil.


Samantala, maglalatag umano ng apat na segment ng oil spill boom ang PCG Marine Environmental Protection Command sa paligid ng barko upang makontrol ang pagkalat ng langis.


Wala namang naiulat na nasaktan sa insidente at patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon ang BRP Panglao (FPB-2402) at PCG Station Manila.


 
 

ni Lolet Abania | June 24, 2021


ree

Itinalagang bagong archbishop ng Manila si Jose F. Cardinal Advincula na ginanap sa isang seremonya sa Minor Basilica of the Immaculate Conception sa Intramuros, Manila ngayong Huwebes.


Si Cardinal Advincula ay hinirang ni Pope Francis bilang 33rd Archbishop ng Manila noong March 25. Kabilang din siya sa 13 cardinals mula sa walong bansa na na-appoint ni Pope Francis noong October 2020.


Dati siyang naka-assign bilang Archbishop ng Capiz.


Sa nasabing ceremony, ginanap ang solemn liturgical reception ni Cardinal Advincula, ang pagbasa ng Apostolic Letter mula kay Pope Francis, ang pag-upo niya sa cathedral, at ang renewal ng priestly promises of the clergy ng Manila na ngayon ay bagong Archbishop.


Si Cardinal Advincula ang nagbigay ng homily kung saan una niyang pangangaral bilang Archbishop ng Manila.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page