top of page
Search

ni Lolet Abania | November 15, 2021



Nanawagan ang samahan ng mga doktor mula sa Philippine Medical Association sa mga magulang at guardians na huwag nilang dalhin ang kanilang mga anak na edad 11 at pababa sa mga malls sa gitna ng COVID-19 pandemic.


Ginawa ni Dr. Benito Atienza, pangulo ng PMA, ang panawagang ito sa kabila ng bumababang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa na nag-udyok na luwagan na rin ang mga quarantine restrictions.


“Kahit anong level ang ipatupad, ang hiling natin sa mga magulang ay huwag muna dalhin sa mga mall ang ating mga anak lalo na sa 11 years old pababa,” ani Atienza sa Laging Handa briefing.


“Wala pang available [na bakuna] sa kanila. Ang kailangan ay dalhin sila sa mga park, may social distancing,” sabi ni Atienza.


Una nang naiulat na isang 2-anyos na bata ang nagpositibo sa COVID-19, subalit ayon sa Department of Health (DOH) na isa lamang itong isolated case.


Sa ngayong, tinatayang nasa 30.4 milyong Pilipino ang fully vaccinated na kontra-COVID-19 na malayo pa rin sa target na mabakunahang 80% ng 109 milyong populasyon ng bansa bago ang Mayo 9, 2022.


Matatandaang nagsimula ang COVID-19 vaccination ng gobyerno noong Marso 1, habang ang pagbabakuna sa mga kabataan na nasa edad 12 hanggang 17 ay inumpisahan nito lamang Nobyembre 3.


Isinailalim naman ang Metro Manila sa Alert Level 2 noong Nobyembre 30.


Sa Alert Level 2 protocol, pinapayagan ang mga minors sa loob ng malls, subalit dapat na kasama ng mga ito ay mga fully vaccinated na magulang o guardians.

 
 

ni Lolet Abania | October 19, 2021



Maaari nang lumabas ng bahay at magpunta sa mga malls ang mga senior citizens na fully vaccinated na kontra-COVID-19 sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Level 3, ayon sa Malacañang ngayong Martes.


Una nang sinabi ng gobyerno na ang mga senior citizens sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Level 3 ay pinayagan nang lumabas ng kanilang bahay kahit pa ito ay non-essential activities bilang “insentibo” dahil sa pagpapabakuna ng mga ito kontra-COVID-19.


Ito ang naging tugon ni Presidential Spokesman Harry Roque, matapos ang mga reports na ilang mga establisimyento ang tinanggihang papasukin ang mga senior kahit bakunado na nang isailalim ang Metro Manila sa Alert Level 3 nitong weekend.


“Hindi po natin binabawi iyong incentive na binigay natin sa seniors,” ani Roque. “Kapag sila ay vaccinated, pupuwede po silang pumunta sa mga malls at pupuwede silang lumabas ng bahay, ganoon pa rin po iyon,” sabi ni Roque sa press briefing.


“Ang hindi natin ina-allow pa ngayon ay iyong mga menor-de-edad na magpunta sa mga malls kasi hindi sila bakunado po, unlike the senior citizens na posibleng bakunado na sila,” paliwanag pa ng kalihim.


Ani pa ni Roque, ang mga seniors ay kailangan lamang magdala ng proof of vaccination kung sila ay magtutungo sa mga malls.


 
 

ni Mary Gutierrez Almirañez | March 28, 2021




Naglabas na ng panibagong schedule ang mga malls na kabilang sa NCR Plus Bubble at ibang lugar sa ilalim ng enhanced community quarantine (ECQ) simula bukas, Marso 29 hanggang sa ika-4 ng Abril, alinsunod sa guidelines ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases.


Pinapayuhan din ang mga residente na pumunta lamang sa mall kung importante ang gagawin o kapag maggo-grocery upang maiwasan ang pagkalat ng virus. Pinaaalalahanan din ang lahat na magsuot ng face mask at face shield at sundin ang iba pang health protocols tuwing lalabas ng bahay. Bawal ding lumabas ang menor-de-edad, senior citizen, buntis at mga vulnerable sa sakit.


Nakasaad sa ibaba ang schedule ng mga sumusunod na malls sa bawat lugar:


• Antipolo, Daang Hari, Dasmariñas, General Trias, Global South, Imus, Kawit, Lakefront, Las Piñas, Malolos, Silang, Sta. Rosa, Taguig, Tanza March 29 – April 4, 10 a.m. to 5 p.m.


• Bataan March 28 – 31: 10 a.m. to 8 p.m. April 1 (Maundy Thursday): 10 a.m. to 8 p.m. April 2 (Good Friday): 9 a.m. to 7 p.m. April 3 (Black Saturday): 11 a.m. to 8 p.m. April 4 (Easter Sunday): 10 a.m. to 8 p.m.


• Iloilo March 28 – 31: 9 a.m. to 9 p.m. April 1 (Maundy Thursday): 9 a.m. to 9 p.m. April 2 (Good Friday): 10 a.m. to 8 p.m. April 3 (Black Saturday): 10 a.m. to 8 p.m. April 4 (Easter Sunday): 9 a.m. to 9 p.m.


• Naga March 28 – 31: 10 a.m. to 9 p.m. April 1 (Maundy Thursday): 9 a.m. to 7 p.m. April 2 (Good Friday): 9 a.m. to 7 p.m. April 3 (Black Saturday): 10 a.m. to 8 p.m. April 4 (Easter Sunday): 10 a.m. to 9 p.m.


• Pampanga March 28 – 31: 10 a.m. to 9 p.m. April 1 (Maundy Thursday): 9 a.m. to 7 p.m. April 2 (Good Friday): 9 a.m. to 7 p.m. April 3 (Black Saturday): 10 a.m. to 9 p.m. April 4 (Easter Sunday): 10 a.m. to 9 p.m.


• Starmall Edsa – Shaw March 29 – 31: 10 a.m. to 5 p.m. April 1 (Maundy Thursday): 10 a.m. to 5 p.m. April 2 (Good Friday): sarado April 3 (Black Saturday): 10 a.m. to 5 p.m. April 4 (Easter Sunday): 10 a.m. to 5 p.m.


• Starmall Alabang and San Jose Del Monte March 29 – 31: 10 a.m. to 5 p.m. April 1 (Maundy Thursday): 10 a.m. to 5 p.m. April 2 (Good Friday): 10 a.m. to 5 p.m. April 3 (Black Saturday): 10 a.m. to 5 p.m. April 4 (Easter Sunday): 10 a.m. to 5 p.m.


• Starmall Talisay April 1 (Maundy Thursday): 9 a.m. to 9 p.m. April 2 (Good Friday): 10 a.m. to 8 p.m. April 3 (Black Saturday): 10 a.m. to 8 p.m. April 4 (Easter Sunday): 9 a.m. to 9 p.m.


• Ayala Malls Glorietta, Greenbelt, Ayala Malls Circuit, Market! Market, Shops at Serendra, Ayala Malls Manila Bay, Alabang Town Center, Ayala Malls Solenad, Ayala Malls Serin, Ayala Malls The 30th, Ayala Malls Feliz, Ayala Malls Marikina, U.P. Town Center, TriNoma, Ayala Malls Vertis North, Ayala Malls Cloverleaf, Fairview Terraces, The District Dasmariñas, The District Imus, Pavilion Mall March 29 – 31: 10 a.m. to 5 p.m. April 1 (Maundy Thursday) – sarado April 2 (Good Friday) – sarado April 3 (Black Saturday) – 10 a.m. to 5 p.m. April 4 (Easter Sunday) – 10 a.m. to 5 p.m.


• Bonifacio High Street March 29 – 31: 10 a.m. to 5 p.m. April 1 (Maundy Thursday) – piling tindahan lamang ang bukas 11 a.m. to 8 p.m. April 2 (Good Friday) – piling tindahan lamang ang bukas mula 11 a.m. to 8 p.m. April 3 (Black Saturday) – 11 a.m. to 8 p.m. April 4 (Easter Sunday) – 11 a.m. to 8 p.m.


• MarQuee Mall, Harbor Point at Ayala Malls Centrio March 29 – 31: 10 a.m. to 8 p.m. April 1 (Maundy Thursday) – sarado April 2 (Good Friday) – sarado April 3 (Black Saturday) – 10 a.m. to 8 p.m. April 4 (Easter Sunday) – 10 a.m. to 8 p.m.


• Ayala Malls Legazpi March 29 – 31: 10 a.m. to 7 p.m. April 1 (Maundy Thursday) – sarado April 2 (Good Friday) – sarado April 3 (Black Saturday) – 10 a.m. to 7 p.m. April 4 (Easter Sunday) – 10 a.m. to 7 p.m.


• Ayala Center Cebu March 29 – 31: 10 a.m. to 9 p.m. April 1 (Maundy Thursday) – sarado April 2 (Good Friday) – sarado April 3 (Black Saturday) – 10 a.m. to 9 pm April 4 (Easter Sunday) – 10 a.m. to 9 pm


• Ayala Malls Central Bloc at Ayala Malls Abreeza March 29 – 31: 10 a.m. to 8 p.m. April 1 (Maundy Thursday) – sarado April 2 (Good Friday) – sarado April 3 (Black Saturday) – 10 a.m. to 9 pm April 4 (Easter Sunday) – 10 a.m. to 8 p.m.


• Ayala Malls Capitol Central March 29 – 31: 10 a.m. to 8 p.m. April 1 (Maundy Thursday) – sarado April 2 (Good Friday) – sarado April 3 (Black Saturday) – 10 a.m. to 8 p.m. April 4 (Easter Sunday) – 10 a.m. to 7 p.m.


• Waltermart Mall Bicutan, Calamba, Carmona, Dasmariñas, General Trias, Guiguinto, Macapagal, Makati, Makiling, Malolos, North Edsa, Plaridel, Sta. Rosa, Sta. Rosa Bel – Air, Sucat, Taytay, Trece Martires March 29 – 31: 8 a.m. to 5 p.m. April 1 (Maundy Thursday): 8 a.m. to 5 p.m. April 2 (Good Friday): sarado April 3 (Black Saturday): 8 a.m. to 5 p.m. April 4 (Easter Sunday): 8 a.m. to 5 p.m.


• Sta. Maria March 29 – 31: 8 a.m. to 5 p.m. April 1 (Maundy Thursday): 8 a.m. to 5 p.m. April 2 (Good Friday): sarado April 3 (Black Saturday): 8 a.m. to 5 p.m. April 4 (Easter Sunday): sarado


• Balanga April 1 (Maundy Thursday): 10 a.m. to 8 p.m. April 2 (Good Friday): sarado April 3 (Black Saturday): 10 a.m. to 8 p.m. April 4 (Easter Sunday): 10 a.m. to 8 p.m.


• Balayan, Batangas City, Cabuyao, Candelaria, Capas, Concepcion, Nasugbu, Paniqui, San Fernando, Tanauan April 1 (Maundy Thursday): 9 a.m. to 8 p.m. April 2 (Good Friday): sarado April 3 (Black Saturday): 9 a.m. to 8 p.m. April 4 (Easter Sunday): 9 a.m. to 8 p.m.


• Cabanatuan, Gapan, Talavera April 1 (Maundy Thursday): 10 a.m. to 7 p.m. April 2 (Good Friday): sarado April 3 (Black Saturday): 10 a.m. to 8 p.m. April 4 (Easter Sunday): 10 a.m. to 8 p.m.


• San Jose April 1 (Maundy Thursday): 10 a.m. to 7 p.m. April 2 (Good Friday): sarado April 3 (Black Saturday): 10 a.m. to 8 p.m. April 4 (Easter Sunday): 9 a.m. to 8 p.m.


• Subic April 1 (Maundy Thursday): 9 a.m. to 7 p.m. April 2 (Good Friday): sarado April 3 (Black Saturday): 9 a.m. to 7 p.m. April 4 (Easter Sunday): 9 a.m. to 7 p.m.


Samantala, wala pang inilalabas na schedule ng pagbubukas ang ibang hindi nabanggit na malls.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page