top of page
Search

ni Lolet Abania | May 5, 2022



Umabot sa tinatayang 80 pamilya ang nawalan ng tirahan sa nangyaring sunog sa Malabon City ngayong Huwebes nang madaling-araw.


Batay sa Bureau of Fire Protection (BFP), nasa 25 bahay umano ang natupok matapos na sumiklab ang sunog bandang alas-2:00 ng madaling-araw.


Ayon kay Senior Fire Officer 4 Rizaldy Evangelista, nagsimula ang sunog sa ikalawang palapag ng isang tirahan sa Barangay Catmon, Malabon, habang mabilis na kumalat ang apoy sa mga katabing bahay na pawang mga gawa sa mga plywood at yero.


Sinabi naman ng BFP, walang nai-report na nasawi o nasugatan sa insidente.


Patuloy na inaalam ng mga awtoridad ang naging dahilan ng sunog.


 
 

ni Zel Fernandez | April 30, 2022



Matagumpay na naaresto ng Malabon City Police ang Top 9 Most Wanted sa lungsod kasunod ng ikinasang operasyon sa Gov. Pascual, Brgy. Catmon, Malabon.


Sa bisa ng isang arrest warrant, nadakip ang most wanted na sindikato sa katauhan ni Renato Lapedario, Jr., 29-anyos na residente ng nasabing barangay.


Kaugnay nito, ang arrest warrant laban kay Lapedario ay may kasong attempted murder, malicious mischief, at alarms and scandal na ihinain ni Presiding Judge Catherine Tagle-Salvador ng Malabon City RTC Branch.


Mapayapa naman ang pagkakaaresto sa suspek na kasalukuyan nang nakapiit sa NPD Custodial Facility.


 
 
  • BULGAR
  • Mar 27, 2021

ni Mary Gutierrez Almirañez | March 27, 2021




Itinaas sa unang alarma ang sunog sa Tonsuya Elementary School sa Malabon City kaninang umaga, Marso 27.


Ayon sa Malabon Bureau of Fire Protection (MBFP), nagsimula ang apoy sa loob ng silid-aralan na nasa ikatlong palapag, kung saan natupok ang mga modules para sa online learning.


Pasado 10:45 ng umaga nang ideklarang kontrolado na ang sunog. Wala namang iniulat na nasugatan o nasawi sa insidente.


Sa ngayon ay iniimbestigahan pa ng MBFP ang dahilan ng sunog, gayundin ang kabuuang halaga ng mga napinsala.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page