top of page
Search

Katanungan

  1. Nang magpa-check-up ako, may nakitang cyst sa breast ko at sabi ng doktor ay dapat na akong maoperhan para ma-biopsy kung ito ay pangkaraniwang bukol lang o cancerous. Kaya lang, hindi na ako natuloy magpa-check-up ulit dahil sa lockdown, pero tumawag ako sa doktor at sinabi niyang pagkatapos ng lockdown niya i-schedule ang operation.

  2. Medyo naguguluhan at nag-aalala ako dahil may dalawa po akong anak sa pagkadalaga, kaya paano na lang sila kapag nawala ako?

  3. Sana malaman ko sa pamamagitan ng guhit ng aking mga palad kung mabubuhay pa ako nang matagal at kapag inoperahan ang cyst ko pagkatapos ng lockdown, magiging okey na kaya ulit ang lahat?

Kasagutan

  1. Sabi sa awiting pang-simbahan, minsan ka lang dadaan sa mundong ito at sa pagdaan mo, gawin mo ang pinakamabuting magagawa mo dahil hindi ka na muli pang dadaan sa dating nilakaran mo. Sa panahon ngayong may COVID-19 at walang nakatitiyak kung ano ang haharapin nating bukas, sadyang mababalisa ka dahil sa kabila ng magulong pangyayari sa ating kapalgiran, wala tayong magagawa dahil hindi natin kontrolado ang mga bagay na ‘yan. Kaya wala tayong ibang dapat gawin kundi gumawa ng kabutihan sa ating kapwa, lalo na sa taong malalapit sa atin at ganundin sa mga higit na nangangailangan. Sa ganitong paraan, maaaring humaba at higit na magkaroon ng kabuluhan ang buhay natin sa mundong ito. Isipin mo, kung hindi ka gagawa ng kabutihan ngayon sa iyong pamilya, kaibigan at kapwa, kailan pa?

  2. Kaya tuwing bababa ako ng computer room at nakita kong naglalaro si Regine Katherine sa salas, mahigpit ko siyang niyayakap at sinasabihang “Love ka ni Papa, anak,” ganundin ang ginagawa ko sa bunso naming si Jesse James kapag nakikita kong naglalaro ng tau-tauhan, niyayakap ko siya nang magpit at sinasabihang “Mahal ka ni papa, anak!” Habang tuwing Linggo naman, kapag magkakasama kami ni Jacob Renz at Jesus King ay namamasyal at namimitas kami ng mangga sa bukid. Sa gabi, habang magkatabi sa higaan, bago matulog ay yayakapin ko nang mahigpit si Winnie my love at bubulungang “Salamat, Mahal... I love you so much!”

  3. Kahit gaano kaliit na kabutihang nagagawa mo sa iyong pamilya, hahanap-hanapin nila ang iyong presensya kapag nawala ka na dahil kahit maikli lamang ang buhay, masasabing inukol mo ito sa kabutihan at pagmamahal sa iyong mga kaibigan, kakilala, kapus-palad at sa iyong pamilya.

  4. Sa totoo lang, hindi mo dapat hintaying magka-Covid-19 o taningan ka ng mga doktor upang gawin ang pinakamabuting magagawa mo sa iyong kapwa ngayon. Dahil may taning man o wala ang buhay mo, responsibilidad mong gumawa ng kabutihan sa iyong kapwa, lalo na sa iyong pamilya.

  5. Samantala, Ms. Lonely, wala kang dapat ikatakot at ipag-aalala dahil kapansin-pansing malinaw pa, hindi naputol at napalinghado, ngunit medyo nagkabilog ang mahabang Life Line (Drawing A. at B. L-L arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad. Tanda na kahit may cyst ka pa sa dibdib at ito ay iyong paoperahan, tulad ng nasabi na, wala kang dapat ikatakot, sa halip, tulad ng pangkaraniwang bukol na madalas matagpuan sa dibdib ng mga babae, ang magandang Life Line (L-L arrow a.) ay sinuportahan ng maayos na Head Line (Drawing A. at B. H-H arrow b) at Heart Line (h-h arrow c.) sa kaliwa at kanan mong palad. Kinumpirma rin ito ng masigla mo pang lagda na nagsasabing anuman ang maganap, hahaba pa ang iyong buhay at makikita mo pang makakapagtapos ng college ang iyong mga anak hanggang sila ay magkaroon na ng pamilya.

Mga Dapat Gawin

  1. Sa totoo lang, wala namang makapagsasabi kung kailan mamamatay ang tao, pero ngayon pa lang ay matutukoy mo na kung kailan ka dapat gumawa ng kabutihan, hindi lamang sa iyong pamilya kundi sa bawat tao na nakakasalamuha mo araw-araw sa maikling buhay natin sa mundong ito.

  2. Habang, ayon sa iyong mga datos, Ms. Lonely, hindi ka dapat kabahan o matakot sa kasalukuyan mong kalagayan dahil hindi pa lumabo, naputol o nalatid ang iyong Life Line (arrow a.). Ibig sabihin, hindi ka pa mamamatay, bagkus, hahaba pa ang buhay mo hanggang sa makita mo pa ang iyong mga apo na masayang naghahabulan sa inyong bahay.

 
 
  • Maestro Honorio Ong
  • May 13, 2020

Bulgar Horoscope

Sa may kaarawan ngayong Mayo 13, 2020 (Miyerkules): Marami ang kontrabida sa buhay mo. Ito ang nangyayari dahil nasasagap nila nang maaga ang kahihinatnan ng iyong buhay at ito ay ang iyong pagyaman.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Magtiwala ka sa sarili mo na kapag nakalaya na ang lahat, ikaw ay paangat nang paangat hanggang sa tuluyan kang yumaman nang sagad. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag kang maniwala sa mga mapaglaro sa buhay dahil sila ay hindi seryoso at masayahing nilalang. Sasaya ka sa kanila pero hanggang saya lang ang kaya nilang ibigay sa iyo. Masuwerteng kulay-green.

GEMINI (May 21-June 20) - Mamili ka ng isa sa napakaraming bagay na gusto mong gawin kapag ang mga tao ay binigyan na ng kalayaan. Hindi tama na sabay-sabay mong isasagawa ang iyong mga napili. Masuwerteng kulay-yellow.

CANCER (June 21-July 22) - Kung sino ang nasa malapit, sa kanya magmumula ang iyong ligaya. Huwag kang maghanap sa malayo dahil muli, nasa malapit ang iyong ligaya. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple.

LEO (July 23-Aug. 22) - Kung ano ang nakaayos na, ‘yun ang simulan mo. Ang aayusin pa lang ay magiging sanhi ng pagkaantala ng iyong malalaking pagkita ng pera. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kumonsulta ka sa kilala mong may maunlad na hanapbuhay. Hindi puwedeng lakas lang ng loob ang iyong puhunan, dapat ay may sapat kang kaalaman. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Timbangin mo ang mga oportunidad na nasa iyong harapan. Kung saan malaki ang iyong kikitain, ‘yun ang iyong piliin. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran sa araw na ito. Masuwerteng kulay-blue.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag mong hadlangan ang sarili mo. Ito ang madalas mong pagkakamali kung saan ikaw mismo ang sumasalungat sa hanagrin mong magpayaman nang todo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Namahinga ang iyong kapalaran kasabay ng pananatili sa bahay. Kapag nakalabas ka na, ang mga suwerte mo ay maglalabasan din. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Hinahon ang kailangan mo sa harap ng masalimuot na sitwasyon. Sa pagiging mahinahon, ang solusyon sa problema ay iyong makukuha. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Nagbabalita ang araw ngayon na ang magagandang kapalaran ay magdaratingan na sa iyong buhay kung kailan mamamangha ang mga tao sa iyong paligid. Masuwerteng kulay-red.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Tumibay ka sa nagdaang mahabang araw na wala kang gaanong ginagawa. Kaya sa muling pagbabalik ng kalayaan, ang mga pagsubok ay madali mong makakayanan. Masuwerteng kulay-brown.

![endif]--![endif]--

 
 

Dear Maestro,

May boyfriend ako ngayon at bago siya dumating sa buhay ko, matagal akong walang boyfriend, kaya ang saya-saya ko noong dumating siya. Kaya lang, hindi ako malambing at bihira ko siyang i-text dahil iniisip ko na baka masanay siya, hanggang isang araw ay humihingi siya ng “space”. Dalawang buwan na kaming hindi nagkikita, mapapatawad niya kaya ako at magkakabalikan pa kami? Naiiyak ako sa tuwing maiisip ko ang isa’t kalahating taon naming pinagsamahan.

December 4, 1995 ang birthday ko habang December 14, 1994 naman ang boyfriend ko.

Umaasa,

Irish ng Liciada, Bustos, Bulacan

Dear Irish,

Pansining kapwa kayo nagtataglay ng zodiac sign na Sagittarius, habang ang destiny number mo namang 4 ay siya ring destiny number ng boyfriend mo.

Ito ay dahil ang birthday mong December 4, 1995 ay kinokompyut ng ganito: 12+4+1995=2011/ 20+11=31/ 3+1=4. Habang ang birthday naman na December 14, 1994 ng boyfriend mo ay kinukumpyut ng ganito: 12+14+1994=2020/ 20+20=40/ 4+0=4.

Ibig sabihin, hindi lang kayo sa Western Astrology tugma o compatible, sa halip, may pagka-tugma at may pagka-compatible rin kayo sa Numerology.

Sa madaling salita, ayon sa iyong mga datos, partikular sa birth date mong 4 at sa destiny number mong 4 na siya ring destiny number ng boyfriend mo, kung kapwa kayo mahilig sa black, pink, blue red, at green, tiyak ang magaganap ngayong 2020 (na nagkataong ang 2020 ay 20+20=22/ 2+2-4 na siya ring kapwa destiny number ninyo). Pagkatapos ng Enhanced Community Quarantine (ECQ), magkakabalikan na kayo upang muling pagsaluhan ang matamis at masarap na pag-ibig, na malaki ang tsansa na sa taon ding ito o sa susunod taon ay tuluyan na ring kayong magpapakasal at bubuo ng maligaya at pang habambuhay na pamilya.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page