top of page
Search

Dear Maestro,

Bakit tuwing papunta akong abroad, laging nagkaka-aberya? Noong April, aalis na ako kaya lang, hindi natuloy dahil sa COVID-19. Noong 2017 naman, nakapag-abroad na ako, pero hindi ko natapos ang aking kontrata at napauwi rin ako. Ang isa pang ipinagtataka ko, ganundin ang nangyayari sa kapalaran ng mister ko dahil malakas ang kanilang kumpanya at mapo-promote na sana siya, kaso naudlot din dahil sa lockdown.

Naguguluhan tuloy ako sa buhay namin, kaya naisipan kong sumangguni sa inyo dahil gusto kong mawala ang mga kamalasang nangyayari sa amin.

Sana ay matulungan n’yo kami alang-alang sa aming mga anak. Sa paanong paraan mawawala ang kamasalan at kailan kami magsisimulang umunlad at umasenso? February 14, 1989 ang birthday ko at August 5, 1985 naman ang mister ko.

Umaasa,

Marilyn ng San Juan, Santa Cruz, Laguna

Dear Marilyn,

Kapansin-pansing kapwa Taong Singko (5) kayo ng mister mo kung saan ikaw ay isinilang sa petsang 14 (ang 14 ay 1+4=5) habang ang mister mo naman ay saktong isinilang sa petsang 5, na nakatutuwa ring makitang mayroon kayong magandang lagda o maayos na pirma. Ibig sabihin, may magagandang kapalarang tiyak na darating dangan lamang hindi mo pa ito pinapapasok o pinatutuloy nang lubusan sa inyong bahay o buhay mag-asawa.

Magagawa mong papasukin ang suwerte at magagandang kapalaran kung sisimulan mo na ngayon sa ganitong pamamaraan:

Una, silver o metallic blue ang dapat ninyong gamiting kulay na mag-asawa. Sa ganyang paraan, unti-unting gaganda ang inyong kapalaran. Bukod sa silver at metallic blue, puwede rin ang gray, aluminum o stainless.

Pangalawa, sa parte mo naman, mapalad ka sa batong amethyst, habang ang batong sardonyx naman ang suwerte para kay mister, higit lalo kung ang mga batong nabanggit ay ipalalamuti sa silver na singsing.

Pangatlo, kailangang lagyan mo ng bahagyang pagbabago o inobasyon ang iyong lagda. Partikular ang letrang “m”, buhayin mo ito at lagyan ng mahabang paa na dapat tapusin ng straight line. Sa ganyang paraan, magtutuluy-tuloy na ang mga paparating pero naudlot pang mga suwerte at magandang kapalaran.

Pang-apat, maikling buhok lang ang dapat dahil ang mahabang buhok ay hindi tugma sa iyong magandang kapalaran. Sa madaling salita, kung iiklian o ipapuputol ang iyong buhok, magsisimula nang umasenso at gumanda pa buhay mo. Partikular hangang batok o leeg lang dapat ang buhok, upang magningning nang todo ang iyong aura na siyang sasagap ng mas marami pang magagandang kapalaran.

Pang-lima, mapalad kayong mag-asawa tuwing sasapit ang mga petsang 5, 14, 23, 8, 17, 26, 9, 18 at 27, higit lalo kung natapat ang mga petsang ‘yan sa araw ng Miyerkules, Sabado at Biyernes. Kusa namang iigting ang mabuting kapalaran mula sa ika-23 ng Disyembre hanggang ika-23 ng Pebrero, mula sa ika-23 ng Hulyo hanggang ika-23 ng Setyembre.

Sa sandaling nasunod mong lahat ang mga simpleng rekomendasyong inilahad na sa itaas, mawawala na ang mga kamalasan nitong mga nagdaang panahon, upang ito ay palitan ng suwerte at mas marami pang magagandang kapalaran. Kasabay nito, tuluy-tuloy na ring uunlad at papalarin ang buhay ng inyong pamilya, na ayon sa Decadens ng Kapalaran ay magsisimulang mangyari sa 2021 sa edad mong 32 pataas at 36 naman si mister.

 
 
  • Maestro Honorio Ong
  • May 18, 2020

Bulgar Horoscope

Sa may kaarawan ngayong Mayo 18, 2020 (Lunes): Hindi ka mabibigo. Ang totoo nga, hindi lang isang tagumpay ang iyong makakamit. Ito ay ginagarantiyahan ng araw na ito ng iyong pagsilang.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Gawin mo ang makakaya mo nang sa gayun ay malalaking tagumpay ang mapasaiyo. Kapag hindi mo ginawa ang lahat ng kaya mo, maliliit na panalo lang ang makakamit mo. Masuwerteng kulay-beige.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ngayong malapit nang luwagan ang pagbabawal na lumabas ng bahay, kailangan mong makabuo ng plano kung saan mabilis na aasenso ang iyong buhay. Masuwerteng kulay-blue.

GEMINI (May 21-June 20) - Magpapatuloy ang lungkot mo kahit nakadiskubre ka ng ilang paraan para sumaya. Gayunman, ang kalungkutan mo ay walang epekto sa mga suwerteng darating sa iyo. Masuwerteng kulay-black.

CANCER (June 21-July 22) - Pagkatapos palayain ang tao, tumaya ka sa kapalaran mo. Makipagsapalaran ka at magugulat ka dahil malalaki at maraming suwerte ay mapasasakamay mo. Masuwerteng kulay-violet.

LEO (July 23-Aug. 22) - Napakarami ng naiisip mong gawin kapag puwede nang lumabas ng bahay. Ang payo ay nagsasabing, ang piliin mo sa mga plano mong proyketo ay ang malalaki at kikita ka ng marami. Masuwerteng kulay-peach.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Magturo ka! Ituro mo sa mga malalapit sa iyo ang natuklasan mong mabilis na pagpapayaman. Ikaw ay naatasan ng langit na maging tagaturo at sila ang tagasunod. Masuwerteng kulay-red.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hindi lang sakit ang nakahahawa dahil ikaw din ay nakahahawa, lalo na ang kakaibang personalidad mo kung saan nahahawa ang malalapit sa iyo kaya sila nagiging masigla. Masuwerteng kulay-brown.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag mong pilitin ang ayaw maniwala sa iyo. Kapag nakita nilang sila ay naiwanan mo, tutularan ka rin nila. Kaya lang, sobrang layo na ng agwat ninyo. Masuwerteng kulay-white.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag kang tumulad sa mga pinagandang salita ng mga awtoridad na ikinakapit sa paghihigpit. Ito ay nakalilito sa marami. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-green.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Nag-aabang ang mga suwerte sa landas ng buhay na iyong lalakaran pagkatapos ng utos na bawal lumabas ng bahay. Ganito kaganda ang kapalaran mo at ikaw ay sobrang sasaya. Masuwerteng kulay-yellow.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag mong seryosohin ang buhay. Noong nagseryoso ka, naalala mo ba na mas nalungkot ka? Muli, para sa iyo, ang buhay sa mundo ay isang pakikipaglaro. Masuwerteng kulay-purple.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Sumunod ka kahit ayaw mo. Walang magandang mapapala sa pagsuway sa mga awtoridad. Sa mundo, ang mga bagay ay nangyayari kahit hindi ito tama. Ito ay kailangan mong tanggapin. Masuwerteng kulay-pink.

![endif]--![endif]--

 
 

Katanungan

  1. Maiiwasan ba ang nakatakdang kapalaran? Naitanong ko ito dahil sa kakabasa ko sa inyong mga artikulo. Napansin kong biyak ang Heart Line sa aking palad at iniisip kong ito ay may masamang ibig sabihin.

  2. Tama ba ako, pangit ba ang interpretasyon kapag nabiyak o naputol ang Heart Line ng isang tao sa guhit ng kanyang palad at kung negatibo ang kahulugan nito, maiiwasan ko ba ang pangit na kahulugang ito?

Kasagutan

  1. Tandaang may dalawang pangunahing dahilan kung bakit kailangan malaman ng indibidwal ang kanyang takdang kapalaran. Una, upang kung pangit ang kapalarang ito ay magawa o masubukan niyang iwasan at kung maganda naman ito ay lalo niya pang mapagbuti at mapaghusayan. Ibig sabihin, lalo mo pang mapagbuti o ma-maximize ang magandang kapalarang ito na paparating sa iyong buhay.

  2. Pangalawa, dapat alam ng tao kung ano ang sasapitin niyang kapalaran upang kung hindi man niya ito maiiwasan at kung ito ay masamang kapalaran ay kanyang mapaghandaan. Kumbaga, walang iniwan sa pagdating ng malakas na bagyo, lindol o pagsabog ng bulkan at pagdating ng Covid-19 at iba pang biglaang delubyo. Halimbawang isa o dalawang taon pa lang ay alam mo nang darating ang Covid-19, ngayon palang ay makapaghanda ka na ng iba’t ibang uri ng preparasyon upang hindi mo man maiwasan ang virus, dahil maaga pa lang ay nagtayo ka na ng testing facilities at nag-stock ng mga pagkain, gamot at vitamins, sa ganitong paraan, tiyak na mababawasan ang pinsala sa ating bansa ng nasabing virus.

  3. Pero nakita mo naman, ang nangyayari ngayon sa pagdating ng Covid-19. Dahil hindi gaanong napaghandaan, nagkakagulo ang bansa dahil sa mabilis na pagbagsak ng ekonomiya sanhi ng lockdown sa iba’t ibang bahagi ng bansa, ganundin sa kapalaran ng tao. Hindi mo ito mapipigilan at kung nagkataong hindi mo alam kung kailan ang eksaktong petsa, pero alam mo namang darating ang negatibo o masamang kapalaran, dapat ngayon pa lang ay pinaghahandaan mo na ito.

  4. Tulad ng kapalaran mo, Maybelyn, ang ibig sabihin ng nabiyak na Heart Line (Drawing A. at B. h-h arrow a.) tulad ng nakikita sa kaliwa at kanan mong palad ay may tatlong bagay. Anu-ano ang ibig sabihin ng mga ito?

  5. Una, maaaring magkaroon ka ng live-in partner o karelasyon na hindi mo naman makatutuluyan. Pagkatapos mong makipag-live in ay hindi siya ang iyong mapapangasawa at panghabambuhay mong makakasama.

  6. Pangalawa, maaaring magkaroon ka ng anak, pero ang ama ng bata ay hindi mo naman makakasama, kumbaga, aanakan ka lang at bigla kang iiwanan.

  7. Pangatlo, maaari ring ang ibig sabihin ng nabiyak na Heart Line (h-h arrow a.) ay ang napipintong paghihiwalay ninyong mag-asawa o boyfriend mo kung may boyfriend ka man ngayon. Samakatuwid, tama ang iniisip mo, sa sandaling biyak ang kaliwa at kanang palad (h-h arrow. a.), lalo na’t kinumpirma rin ito ng pangit na lagda, ng zodiac sign na Leo, Aquarius o Pisces at pangit ding Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad, ang negatibong pahiwatig ng biyak na Heart Line (arrow a.) ay siguradong magaganap sa panahong inilaan ng kapalaran.

Mga Dapat Gawin

  1. Kung may asawa o may boyfriend ka na, wala kang dapat gawin kundi mahalin at pasayahin mong mabuti ang iyong karanasan. Wala kang dapat gawin kundi magpakasawa at magpakaligaya sa piling niya upang kapag nangyari na ang nasabing pagtaya ng nabiyak na Heart Line (arrow a.), kapag nagkahiwalay kayo, walang gaanong panghihinayang na mdarama dahil noong magkasama pa kayo ay ginawa mo na ang pinakamainam at pinakamasarap na sandali ninyong dalawa, kaya kapag siya ay biglang nawala, tanggap at pinaghandaan mo na talaga bago pa naganap ang nasabing negatibong senaryo.

  2. Sa pagkakataong ito, pepetsahan natin ngayon kung kailan mangyayari ang itinakdang kapalaran kung saan ayon sa iyong mga datos, ang nasabing nabiyak na Heart Line (h-h arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad ay nakatakdang maganap sa 2021 sa edad mong 35 pataas. Kaya bago pa dumating ang panahong tinuran, ngayon pa lang ay dapat maghanda-handa at magpakatatag ka, kasabay ng preparasyon o mga pagpaplano sa iyong sarili na halimbawang biglang nawala o bigla kang iniwan ng kasalukuyan mong boyfriend, asawa o kinaksama, ano ang mga bagay na gagawin mo upang mapanatili tagumpay at masaya ang iyong buhay?

 
 
RECOMMENDED
bottom of page