- BULGAR
- Dec 16, 2025
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | December 16, 2025

Sa may kaarawan ngayong Disyembre 16, 2025 (Martes): Isinilang ka na may mayamang imahinasyon. Dahil dito, ang pagpapayaman ay tiyak na mapapasaiyo.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Huwag kang maniniwala sa mga nag-aalok ng malalaking kita na hindi pinaghihirapan. Marami na ang nadaya ng ganyang istilo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-4-13-20-29-33-42.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag kang papatangay sa mga kagustuhan ng iba. Mas maganda kung sila ang tatangayin mo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-6-15-21-33-40-45.
GEMINI (May 21-June 20) - Isip ang sundin mo at ‘wag ang bugso ng damdamin. May pagkakataon na emosyon ang dapat sundin, pero ang payo ngayon ng iyong kapalaran ay gamitin mo ang iyong isipan. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-5-14-22-28-32-44.
CANCER (June 21-July 22) - Magmumula sa mga kaibigan mo ang magagandang kapalaran. Ito ang tandaan mo ngayon. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-7-11-23-25-34-45.
LEO (July 23-Aug. 22) - Bago ka kumilos, magplano ka muna. Tandaan mo, nabibigo at nasasaktan ang mga walang plano sa buhay. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-4-12-20-31-37-40.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag kang magdamot, sa halip, palaguin mo pa ang iyong ideya. Ito ang magsisilbi mong unang hakbapara yumaman. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-1-9-18-27-33-41.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Iwasan mong mag-isip ng mga problema. Mas mainam kung maghahanap ka ng mapaglilibangan kahit na nasa bahay ka lamang. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-3-14-23-31-39-44.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Pahalagahan mo ang sarili mong kapakanan. Huwag kang tumulad sa iba na akala ay tama na unahin ang ibang tao kesa sa sarili. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-6-16-19-25-30-42.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Palakasin mo ang iyong katawan. Kailangan mo ang malakas na pangangatawan dahil kapag malakas ang iyong katawan, lalo na sa aspetong sekswal, sunud-sunod na darating sa iyo ang suwerte at magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-maroon. Tips sa lotto-1-18-24-32-38-45.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag kang umasa sa iba. Sa halip, ang magdadala sa iyo ng kakaibang suwerte at pag-angat ng kabuhayan ay ang paggawa mo ng mga nais mong gawin kahit hindi mo kailangan ang tulong ng iba. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-4-17-26-35-39-43.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Ito ang araw na sadyang inilaan para sa iyo. Anuman ang naisin mo, gawin mo agad. Kapag ikaw ay mabilis, tiyak ang iyong tagumpay at pagwawagi. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-7-11-22-31-36-41.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hindi lamang aktuwal na plano at mabusising pag-iisip ang pormula ng iyong tagumpay. Higit pa riyan, ikilos mo ang mga dino-drawing mong plano sa iyong isipan. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-2-7-16-25-34-42.




