top of page
Bea Alonzo at Dominic Roque - fb
Search

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | May 10, 2026



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Mayo 10, 2026 (Linggo): Kaarawan mo ngayon. Kaya tiyak na susuwertehin ka. Magsimba, sumamba, o makibahagi ka sa anumang religious at spiritual activities. Makikita mo, lalo pang dadagsa sa buhay mo ang mga suwerte at magagandang kapalaran.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Mawawala na ang dilim sa landas ng iyong nilalakaran. Dahil dito, ngayon na ang tamang pagkakataon upang gawin mo nang mabilis anumang gusto mong gawin. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-7-21-28-30-34-42.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Magpapatuloy ang pagganda ng ikot ng iyong kapalaran. Dapat mong malaman na kaya mo lamang inaakalang hindi maganda ang takbo ng iyong kapalaran ay dahil natatangay ka ng inis sa mga taong naiinggit sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-3-11-17-20-36-41.


GEMINI (May 21-June 20) - Huwag mong piliting masolusyunan ang mabibigat mong suliranin na noon pa man ay nakadikit na sa iyong buhay. Sapagkat noon pa man, ang mga bagay na hindi mo kaya, langit mismo ang kumikilos upang makayanan mo ito. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-7-16-25-27-30-38.


CANCER (June 21-July 22) - Emosyon ang magbibigay sa’yo ng suwerte. Kaya sa araw na ito, damhin at pairalin mo ang iyong emosyon upang mas gumanda ang kapalaran mo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-9-19-23-26-32-43.


LEO (July 23-Aug. 22) - Magniningning tulad ng isang paganda nang pagandang bituin ang iyong personalidad. Saan ka man makarating, marami ang maghahangad na maging bahagi ka ng kanilang buhay. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-2-18-21-24-36-37.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Bawasan mo ang iyong pag-iisip. Alalahanin mo na ang mga isda ay wala sa malalim na tubig, kundi nasa mababaw lamang. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-5-15-22-28-30-42.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag kang maniwala sa iyong mga mata at huwag ka ring makinig sa iyong mga naririnig. Magpasya ka ayon sa nadarama ng iyong puso. Sa ganyang paraan, mas magtatagumpay at liligaya ka. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-7-20-33-34-38-41.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Pinahihirapan mo lang ang iyong sarili. Kahit pa magulo ang iyong isip, sakyan mo lang ang dikta ng iyong kapalaran. Sa ganitong paraan, liligaya at mapapanatag ang loob mo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-9-14-18-21-29-35.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Maaakit sa iyo ang mga suwerteng nasa paligid mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-6-17-22-32-39-44.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Ramdam mo bang susuwertehin ka ngayon? Tama ang iyong pakiramdam dahil nagpasya na ang langit na hulugan ka ng mga biyaya. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-2-16-20-26-35-40.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hindi mo obligasyon na bigyang-katuwiran ang iyong mga ikinikilos. Ang mga taong kung anu-ano ang sinasabi sa iyo ay dapat mo lamang dedmahin dahil nakakaabala lang sila sa mga suwerteng paparating sa buhay mo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-8-11-19-23-30-34.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Mula sa malayo, magmamadaling dumapo sa iyo ang malalaking suwerte. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-4-13-24-27-35-43.


 
 

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | May 9, 2026



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Mayo 9, 2026 (Sabado): Yayaman at magkakaroon ka ng malawak na lupain. Ito ang kahulugan ng araw ng iyong pagsilang.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Mabilis mong maisasagawa ngayon ang iyong mga plano. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-8-19-21-27-33-40.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kikita ka nang marami ngayon. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-6-17-29-30-33-38.


GEMINI (May 21-June 20) - Magdahan-dahan ka nang sa ganun ay mapili mo ang pinakamagandang pagkakakitaan. Ang pagiging mabilis ay nagdadala sa tao ng kawalan ng pagkakataong mapili ang pinakamaganda. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-5-11-14-23-34-45.


CANCER (June 21-July 22) - Nakakatuwa ang kapalaran mo ngayon. Ang mga kinaiinisan mo ay mapapalapit sa puso mo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-7-12-20-29-32-41.


LEO (July 23-Aug. 22) - Malalaking suwerte at magagandang kapalaran ang nakalaan sa iyo. Puwede mong tanggapin at puwede mo ring hindi pansinin, ngunit ang nasabing mga suwerte ay mananatiling nakalaan sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-3-18-22-25-39-44.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Tulungan mo, kahit medyo labag sa loob mo ang lalapit sa iyo. Mas magandang makasunod ka sa banal na utos na mahalin ang kaaway. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-8-10-13-24-31-42.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Napakalakas ng kapangyarihan mo ngayon. Ang mahawakan mo, kahit sa anumang parte ng katawan, ay mapapasunod mo, at siya ay maaalipin mo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-1-16-19-28-30-37.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Inuutusan ka ng langit sa araw na ito na bigyan ng konsiderasyon ang mahal mo sa buhay, tulungan mo siya nang palihim. Makikita mo, lihim kang pagpapalain ng langit. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-9-12-20-29-35-43.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kumapit ka sa magagandang katangian mo. Hindi ka dapat magpatalo sa mga negatibong pananaw na naglalabas-masok sa isipan mo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-4-11-18-22-25-34.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kung ano ang malaki, iyon ang para sa iyo. Ito ang gawin mong gabay sa lahat ng aspeto ng iyong buhay. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-7-10-13-27-32-40.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Mabilis, na parang hinipan ng malakas na hangin, na mawawala sa harapan mo ang mga taong nagbibigay sa iyo ng pagdurusa at kalungkutan. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-2-9-28-31-38-44.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kung ano ang gusto mo, iyon ang mapapasaiyo. Malabong mabigo ka, maliban na lang kung bigla mong babaguhin ang gusto mo. Ang pagpapalit ng pasya ay hindi makakabuti sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-6-17-21-26-36-41.

 
 

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | May 8, 2026



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Mayo 8, 2026 (Biyernes): Mula sa ibaba, iaangat ka ng langit, at darating ang panahon na matutulungan mo pa ang mga taong umapi sa iyo. Ito ang nakakamanghang kapalaran mo.

 

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Patitibayin ka nang husto ng langit, dahil inihahanda ka nito sa mas malalaking suwerte sa panahong ito ng tag-init. Kapag hindi ka naghanda, masasayang lamang ang mga biyayang darating. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-9-18-24-33-35-40.

 

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag kang mabahala sa mga pagsubok na nasa iyong harapan. Kusa ring maglalaho ang mga ito, dahil sinusubok ka lamang ng langit. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-6-16-20-25-30-42.

 

GEMINI (May 21-June 20) - Nagbababala ang araw na ito at ang mga susunod pang araw na maaari kang mairita. Kapag nangyari ito, kontrolin mo ang iyong sarili upang hindi lumala ang sitwasyon. Kapag kalmado ka, mas maraming pera ang darating sa iyo. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-5-12-22-29-37-41.

 

CANCER (June 21-July 22) - Habang dumadapo ang patak ng hamog sa mga bulaklak, mistulang sumasaya ang mga halaman. Huwag mong katakutan ang nagbibigay sa iyo ng espesyal na atensyon; sa halip, siya ay iyong pasalamatan. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-8-13-19-27-35-43.

 

LEO (July 23-Aug. 22) - Ilabas mo na ang alas na matagal mo nang hawak-hawak. Magugulat ang iyong lantad at lihim na mga kaaway, at sila ay mag-aatrasan dahil alam nilang wala silang panalo laban sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-2-18-23-31-37-44.

 

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Hindi maganda ang anumang sobra. Suriin mo ang iyong sarili. Kapag may natagpuan kang labis sa iyong mga katangian, gumawa ka ng paraan para ito ay maitama at mapabuti. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-7-11-14-25-38-44.

 

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Sinusukat muna ang damit bago bilhin. Sukatin mo muna ang kakayahan ng nagpapakita sa iyo ng pagtingin upang hindi ka magsisi sa dakong huli. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-2-10-16-28-31-45.

 

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Araw mo ngayon, kaya wala kang dapat gawin kundi kumilos. Anuman ang iyong gawin, tiyak na mamumunga pa rin ito ng tagumpay at limpak-limpak na salapi. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-4-18-22-30-39-41.

 

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hindi masama ang humingi ng tulong. Gayunman, huwag mong tanggihan ang mga tulong na iniaalok sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-3-11-25-27-32-40.

 

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Ang mga sasalungat sa iyo ay makakaranas ng hindi magandang kapalaran, samantalang ang mga susuporta sa iyo ay lubos na pagpapalain. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-4-13-19-24-26-43.

 

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hindi man nakikita ang hangin, nararamdaman naman ito. Gayundin, ang itinatago mong pagmamahal ay mararamdaman din ng taong para dito, kaya hindi mo na kailangang magpakilala pa. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-1-18-21-33-39-45.

 

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Nakakatuwa ang iyong kapalaran, dahil kung sino pa ang iyong kinainisan, siya pa palang iyong mamahalin. At ang mas nakakatuwa pa, hindi ka papayag na maagaw siya ng iba. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-7-10-23-28-34-42.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page