top of page
Bea Alonzo at Dominic Roque - fb
Search

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | May 13, 2026



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Mayo 13, 2026 (Miyerkules): Malakas ka, kaya malakas din ang nakakabangga mo, pero ang panalo ay nasa iyo, lalo na kapag ‘di ka sumuko sa laban. Ito ang kahulugan ng araw ng iyong pagsilang.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Nasa desidido ng isang malapit sa iyo ang mga suwerte mo. Kaya sa kanya ka dumikit, pero dapat palihim lang upang lumipat sa iyo ang ilang mga suwerte niya. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-9-12-18-20-33-43.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Sumunod ka lang sa gustong mangyari ng taong makulit. Sa huli, ikaw ang makikinabang at hindi siya. Ito ang mensahe ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-6-11-21-26-38-40.


GEMINI (May 21-June 20) - Kumilos ka na parang wala kang problema. Kapag ganito ang ginawa mo, mahimalang maglalaho at hindi na babalik kailanman ang mga problema mo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-8-17-24-27-30-42.


CANCER (June 21-July 22) - Sundin mo ang pandama mo dahil ito ang magtuturo sa iyo sa kung ano ang pinakamagandang gawin upang mas gumanda ang buhay mo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-2-13-25-28-31-40.


LEO (July 23-Aug. 22) - Nagbababala ang kapalaran mo na kapag ‘di ka gaanong kumilos, katamaran ang maghahari sa iyo. At kapag ganito ang nangyari, puwede kang magkasakit. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-1-15-19-22-25-37.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Mahirap kang unawain ngayon. Mas maganda kung ‘di mo na hahabaan pa ang iyong mga paliwanag, at hayaan mo na lang upang hindi masayang ang iyong oras. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-5-16-20-26-33-45.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Igiit mo ang gusto mo, dahil sa huli, ikaw  pa rin naman ang masusunod. Minsan, ang pangungulit ay nagbubunga rin ng magandang resulta. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-7-14-30-35-38-41.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Ito ang araw na sadyang ginawa at inilaan para sa iyo. Anuman ang iplano at ipatupad mo, tiyak na mangyayari ito. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-3-10-15-24-32-40.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag mong ipagdamot ang kakayahan mo, lalo na ang mga susi mo sa tagumpay. Kapag marami kang natulungan, mas dadami ang biyaya sa iyo ng langit. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-4-11-19-25-28-39.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag kang magpapatalo sa pag-aalinlangan. At huwag ka ring magpapatangay sa mga taong mahihina ang loob. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-1-16-21-29-30-36.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag mong balikan ang mga malulungkot na pangyayari sa buhay mo. Hindi ka isinilang upang mabuhay sa kalungkutan. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-8-19-22-28-35-38.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Huwag kang malito. Kung ano ang gusto mo, iyon ang gawin mo. Tandaan mo, ikaw ang may hawak sa sarili mong kaligayahan. Gets? Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-5-17-24-31-34-40.


 
 

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | May 12, 2026



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Mayo 12, 2026 (Martes): Simple lang ang sikreto ng iyong kapalaran. Aasenso ka hangga’t gusto mong umasenso. Ngayong tag-init, aalalayan ka ng langit.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Muli, ipinaaalala ng iyong kapalaran na hindi mo dapat tigilan ang iyong pangarap, dahil habang nangangarap ka, ang mga suwerte ay tuluy-tuloy na magdaratingan sa buhay mo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-6-11-15-25-36-42.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Mas aangat ka kumpara sa iba. Ang kulang lang naman sa iyo ay ang pagtukoy kung ano ba talaga ang gusto mo sa buhay. Tukuyin mo na ito upang matupad mo ang iyong pangarap. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-3-16-18-22-34-40.


GEMINI (May 21-June 20) - Sakyan mo ang agos ng kapalaran. Habang nakasakay ka, gumawa ka ng pagbabago na hindi pa nasusubukan ng iyong mga kakumpitensya. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-5-14-20-32-37-41.


CANCER (June 21-July 22) - Pinagsisikapan ang pag-akyat sa tuktok ng tagumpay. Hindi totoo ang sinasabi ng iba na kikita ka sa mga bagay na ‘di mo pinagsusumikapan. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-1-12-24-26-35-43.


LEO (July 23-Aug. 22) - Pigilan mo ang pagiging galante ngayong araw. Ito ang katotohanan para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-4-17-21-29-38-44.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Magandang maalala mo na sa mga araw na ito, pinagpapala ang gumagawa ng kabutihan sa kapwa. Bibiyayaan ka kapag pinasaya mo ang alam mong naghihirap. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-3-19-23-27-37-40.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Higit kaninuman, dapat kang maniwala sa iyong kakayahan. Ito ang sikreto ng maganda mong kapalaran.  Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-2-14-26-30-33-41.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Simple lang ang sikreto ng agos ng buhay na umiiral ngayon. Kung sino ang masaya, mas papasayahin pa. Kaya itago mo muna ang iyong kalungkutan at magsaya ka. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-7-18-25-28-34-40.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Dalawa lang ang dahilan ng kawalang pag-usad ng kapalaran mo. Una, ang kawalan ng tiwala sa sarili, at ikalawa, ang hindi pakikipagkaibigan sa iba. Baguhin mo na ang iyong personalidad upang mabago na rin ang iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-8-11-15-20-22-39.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Noon ka pa sinusuwerte, at mas bubuwenasin ka ngayon kapag dinalasan mo ang pagdarasal. Masuwerteng kulay-maroon. Tips sa lotto-9-16-21-29-31-45.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Muli, kumilos ka nang kumilos upang kumilos din ang iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-1-15-22-25-37-42.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Lumayo ka sa mga pala-daing at reklamador. Sapagkat ngayong panahong ito ng tag-init, hindi lang sakit ang nakakahawa, bagkus maaari ka ring mahawa sa mga reklamador. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-2-19-26-28-30-43.


 
 

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | May 11, 2026



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Mayo 11, 2026 (Lunes): Gawin mo kung ano ang gusto mong gawin, at huwag kang mag-aalinlangan. Ito ang sikreto ng iyong kapalaran na dapat mong malaman at isagawa upang suwertehin ka.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kailangan mong mahirapan ngayon, dahil may babala na lalabis ang tiwala mo sa iyong sarili. Aakalain mong madali lang makuha ang bawat gusto mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-3-16-19-23-28-39.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Hindi mo kailangan ng alalay. Hindi ka dapat masanay na laging may umaagapay sa iyo. Mas maganda kung malaya mong nagagawa ang gusto mong gawin nang mag-isa. Sa pag-iisa, mas mabilis ang suwerte at pag-unlad. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-6-18-21-24-34-40.


GEMINI (May 21-June 20) - Bakit inaakala mong mas malakas sa iyo ang iyong mga karibal? Sa katunayan, sa biglang tingin lang sila malakas. At ang isa pang totoo, kapos sila sa talino. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-5-12-20-26-33-38.


CANCER (June 21-July 22) - Nakalimutan mo na ba na ang takot ay nasa isip lang? Magpakatapang ka at gawin mo ang lahat ng gusto mo. Makikita mo, kapag sumugod ka, mas madaling mapapasaiyo ang mga inaambisyon at pinapangarap mo. Masuwerteng kulay-maroon. Tips sa lotto-2-15-22-30-35-42.


LEO (July 23-Aug. 22) - Malamig ang loob ng refrigerator, pero hindi ka dapat manlamig sa pagsisikap. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-4-14-27-31-36-41.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kumuha ka ng ideya sa mga nauna na sa iyo. Hindi ka puwedeng magmalaki ngayon. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-9-17-28-30-39-43.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag kang magtago sa masasayang aktibidad. Ang mga problema ay hindi iniiwasan. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-7-18-21-23-32-45.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kung ano ang kailangan mo, iyon ang pag-ukulan mo ng pansin. Hindi ka dapat matuksong maghangad sa mga bagay na hindi mo naman talaga mapapakinabangan. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-1-15-25-31-39-42.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kung saan ka madadalian, iyon muna ang iyong unahin. Ang mahihirap na gawain ay ipagpaliban mo muna. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-6-17-20-22-35-40.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Pinaghahandaan ang hinaharap, at hindi hinihintay. Nagsasakripisyo at nagsisikap ka para sa magandang kinabukasan, hindi ba? Kaya huwag mong kalilimutan ang mga bagay na ito. Masuwerteng kulay-lavender. Tips sa lotto-9-16-18-24-27-39.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kahit wala kang gawin, sa araw na ito ay magsisimula nang umalis sa iyo ang mga hindi magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-2-13-20-25-30-44.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Huwag mo nang habulin ang mga taong umalis. Sa katunayan, kusa rin silang babalik. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-8-14-28-31-34-41.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page