top of page
Bea Alonzo at Dominic Roque - fb
Search

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | May 24, 2026



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Mayo 24, 2026 (Linggo): Hindi ka kayang pabagsakin ng mga kaaway mo, dahil habang naghahangad silang mabigo ka, mas lalo pang gaganda ang kapalaran mo.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Gaganda nang gaganda ang takbo ng kapalaran mo kahit pa mag-alinlangan ka. Ang mga pag-aalala mo ay walang basehan, sapagkat nasa isip mo lang naman ang mga ito. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-4-11-22-30-35-41.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ngayon na ang magandang pagkakataon upang manariwa ang nanlalamig na relasyon. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-2-17-19-25-28-37.


GEMINI (May 21-June 20) - Magpapatuloy ang suwerte mo. Kaya patuloy ka ring kaiinggitan ng mga taong pinagdaramutan ng kapalaran. Ibahagi mo sa kapwa ang ilan sa mga suwerte mo upang buwenasin ka pa. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-7-10-15-23-31-38.


CANCER (June 21-July 22) - Hawakan mo ang iyong sarili, dahil kapag natangay ka ng iyong damdamin, malaki ang mababawas sa iyo. Ito ang paalala para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-5-12-26-29-36-43.


LEO (July 23-Aug. 22) - Kahit hirap ang loob mo, kailangan mong sundin ang payo na pakitaan mo ng maganda ang mga umaaway sa iyo. Ito ang sikreto ng magandang kapalaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-6-13-16-20-24-30.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Punumpuno ng mga katanungan ang iyong isip kung ano nga kaya ang mangyayari sa iyong kinabukasan, pero punumpuno rin ng sorpresa ang langit upang ikaw ay sumaya. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-8-19-25-27-35-37.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Ibahagi mo sa iba ang mga bagay na hindi mo naman kailangan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-9-18-22-28-39-42.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Ingatan mong lumabis ang paggastos mo. Dapat mong isabuhay ang mga salitang, “Ang sobra ay hindi maganda.” Huwag na huwag mo itong kakaligtaan sa mga araw na ito. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-2-17-20-24-32-40.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kung ano ang naihanda para sumaya ang lahat, huwag mo nang dagdagan pa. Hindi naman mahalaga kung marami o kaunti lang. Ang importante ay kasama ka sa pagsasaya. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-4-12-26-30-38-42.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Ito ang araw na dapat mong itodo ang iyong pagsusumikap. Binuksan na ang pinto ng langit para sa iyo. Ang lahat ng mga pagsusumikap mo ay tutumbasan na ng mas malalaking suwerte at magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-5-14-21-25-34-41.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kahit hindi mo gaanong maunawaan, kailangan mo munang gawin ang utos ng kapalaran mo na nagsasabing pakitaan mo ng pagmamahal ang mga taong inaapi. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-3-23-29-31-33-44.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Walang nasa malayo o nasa malapit. Ang mahalaga, para lalo kang buwenasin ay pasayahin mo ang mga taong nagpapasaya sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-9-14-20-27-35-45.


 
 

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | May 23, 2026



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Mayo 23, 2026 (Sabado): Taglay mo ang kakayahang magparami. Gamitin mo ito sa kabuhayan upang magkaroon ka ng hindi mabilang na kayamanan.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Magmadali ka ngayon! Huwag mong pansinin kung may maiwanan ka man. Sa kabuuan, mas marami kang makukuhang pakinabang dahil sa pagiging mabilis mo. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-3-16-27-31-34-40.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag kang masyadong emosyonal. Ang hindi sumasang-ayon sa gusto mo ay huwag mong pilitin, at huwag ding sasama ang loob mo sa kanila. Tandaan mo, may kani-kanyang prayoridad ang bawat tao. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-4-18-22-28-39-41.


GEMINI (May 21-June 20) - Patuloy kang makakaranas ng hindi kapani-paniwalang pagdapo ng suwerte, ngunit kung susuriin mo ang iyong buhay, makikita mong likas ka palang masuwerte. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-6-15-19-24-30-37.


CANCER (June 21-July 22) - Muli, ipinapaalala sa iyo na hangga’t maaari ay kontrolin mo ang iyong sarili. Mas mahigpit, mas maganda. Ang taong hindi kontrolado ang sarili ay madaling matangay ng iba. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-2-11-20-25-32-42.


LEO (July 23-Aug. 22) - Huwag mo munang itodo ang pagmamayabang sa social media. Ang magandang araw ay sa mismong birthday mo. Kung ngayon ka magyayabang, maaari kang kainggitan ng mga nagkukunwaring kaibigan mo at ipagdasal ang iyong pagbagsak. Masuwerteng kulay-apple green. Tips sa lotto-4-13-21-24-39-44.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Sinasabing daig ng maagap ang masipag. Sa ngayon, ang mararanasan mo ay daig ng mabilis mag-isip ang masipag, at ang masipag ay mas nagiging pursigido pa. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-7-10-14-23-28-37.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Nakakatuwa ang kapalaran mo ngayon dahil ang matatanggap mong regalo ay mas maganda pa kaysa sa iyo. Ingatan mo ito at mahalin habambuhay. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-1-12-22-25-34-41.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag kang malibang sa masasayang araw. Bilangin mo ang iyong kabuhayan at planuhin mo ang gusto mong mangyari sa susunod na panahon. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-2-6-11-19-26-39.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Baka sarili mo pa ang makalimutan mo sa dami ng suwerteng dumarating sa iyo? Mahalagang pasayahin muna ang sarili bago pasayahin ang ibang tao. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-3-13-29-33-38-42.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Hihinto pansamantala ang orasan ng iyong kapalaran. Mamalagi sa mga oras kung saan ikaw ay masaya, at ibahagi mo ito sa iba. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-4-19-21-28-30-45.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Mabilis ang mga pangyayari. Sa huli, magugulat ka dahil matatala sa aklat ng iyong kapalaran na ito ang isa sa pinakamasayang panahon para sa iyo. Oo, ngayon na ang pinakamasayang araw para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-9-18-20-24-36-40.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Sa panahong ito ng iyong buhay, sasaya ka dahil may mga biglaang suwerte at magagandang kapalarang sunud-sunod na darating. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-7-15-25-31-37-43.

 
 

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | May 22, 2026



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Mayo 22, 2026 (Biyernes): Huwag mong sayangin ang mga araw mo para lang sa pakikipaglaban sa mga walang kuwentang bagay at walang kuwentang tao. Ang labanan mo ay ang mga hamon ng kapalaran na mag-aangat sa iyo tungo sa pag-unlad at kasaganaan.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Lihim mong paunlarin ang iyong kabuhayan. Huwag kang tumulad sa mga taong ibinabandera ang kanilang malalaking kinikita at ipino-post pa sa FB ang mga bagay na nabili nila. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-2-17-25-31-39-42.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ito ang araw na nagpasya na ang langit. At ang unang pasya ay ang bigyan ka ng magandang kapalaran. Kaakibat nito ay ang pagdating ng mas marami pang suwerte na hindi mo inaasahan. Kaya lagi kang magpasalamat sa langit. Masuwerteng kulay-ocher yellow. Tips sa lotto-4-10-21-35-38-40.


GEMINI (May 21-June 20) - Dito sa mundo, lahat ay may katapusan. Kaya natatapos din ang mga araw ng mga hindi magagandang pangyayari. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-1-13-20-26-30-35.


CANCER (June 21-July 22) - Huwag mong pansinin ang mga salitang masakit sa tenga lalo na kung ito ay mula sa taong nagmamahal sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-5-12-18-22-37-44.


LEO (July 23-Aug. 22) - Walang nang sasarap pa sa banayad na simoy ng malamig na hangin. Ang ibig sabihin nito, bawasan mo ang pagiging agresibo, mayabang, at dominante. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-6-11-19-28-34-41.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Naaagapan ng mabagal ang panganib na nag-aabang. Kaya mas magandang isabuhay ang dahan-dahang pag-asenso. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-7-14-23-29-32-45.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Inspirasyon ang nagpapakilos upang umunlad ang buhay. Ang walang inspirasyon ay wala ring kabuhay-buhay. Kung saan ka masaya, roon ka. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-3-10-24-31-38-43.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag mong pahirapan ang iyong kalooban sa mga pagkakamali ng iba. Tandaan mo, hindi mo dapat pinapansin ang mga taong nagbibigay sa iyo ng sama ng loob. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-9-18-27-30-34-42.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Sukatin mo ang kakayahan ng tutulong sa iyo. Kapag hindi gaanong kalakasan, huwag mo na silang asahan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-7-16-20-25-39-44.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Ngayon mo pahalagahan ang iyong kinabukasan. Huwag kang tumulad sa nabubuhay lang sa kasalukuyan. Sa huli, ang panghihinayang ay mapapasakanila. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-1-17-26-33-40-42.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Alalahanin mo na ang nagbigay sa iyo ng sakit ng damdamin ay maaaring pasakitin muli ang iyong puso. Hindi na dapat balikan pa ang mga taong posibleng problema lang ang dala-dala. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-8-15-21-28-32-37.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Palakihin mo ang maliliit na suwerte mo. Tiyak na matutulad ito sa isang punong mayabong. Alalahanin mo, sa munting buto lang nagsisimula ang malaking puno. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-4-19-22-25-35-38.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page