top of page
Search

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | November 21, 2025



Horoscope


Sa ma kaarawan ngayong Nobyembre 21, 2025 (Biyernes): Mabilis at patuloy kang itataas ngayon, at ikagugulat ito ng mga taong walang bilib sa iyo.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kung saan may magandang kita, iyon ang pasukin mo. Hindi ngayon ang panahon ng pakikipagsapalaran sa mga walang katiyakang bagay. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-3-19-25-29-34-36.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag kang patatangay sa mga taong porke nakatikim ng suwerte, hihinto na agad. Ang pagpapayaman ay tulad ng panganganak—patuloy na iniiri hanggang ang sanggol ay maluwalhating lumuwal. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-2-12-26-30-37-42.


GEMINI (May 21-June 20) - Dapat mabilis ka rin, at kung maaari ay ‘yong parang hindi ka na nag-iisip. Ang mga araw ngayon ay nangangailangan ng mabibilis na pag-aksyon. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-5-11-17-29-31-38.


CANCER (June 21-July 22) - Hindi puwedeng maghalo ang damdamin sa pagpapaunlad ng negosyo. Kontrolado ng mga magagaling sa hanapbuhay ang kanilang emosyon. Ito ang paalala ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-9-15-26-33-34-41.


LEO (July 23-Aug. 22) - Kahit labag sa loob mo, gawin mo. Ang ikonsidera mo ngayon ay ‘yung matagal nang pagsasama. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-1-15-20-28-32-37.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Labanan mo ang pakiramdam na ikaw ay angat na angat kesa sa iba. Sa katunayan, mas maganda pa rin na akalain nila na pantay-pantay lang kayo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-9-18-23-35-39-42.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag kang maiinip, dahil ang mga taong bilang nang bilang sa kanilang daliri ay madalas ‘di makakilos. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-3-16-21-34-37-40.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Magsakripisyo ka ng mahabang oras para sa paghahanapbuhay. Sa ngayon, ang panahon ay angkop na angkop sa pagpaparami ng kabuhayan bilang paghahanda sa hinaharap. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-5-17-20-22-28-45.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kahit pagod ka, ituloy mo lang ang hangarin mong mabago ang iyong buhay papunta sa mas lalo pang maganda at matatag na kinabukasan. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-4-11-19-25-27-33.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Masaya ka ngayon dahil damang-dama mo ang pagganda ng takbo ng iyong kapalaran. Mas sasaya ka pa dahil higit na mas masuwerte ka sa darating na mga araw. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-7-15-20-28-39-43.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Limitahan mo muna ang iyong paglalakwatsa. Ang tutukan mo ay ang mga suliraning patuloy na gumugulo sa isip at damdamin mo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-1-14-18-29-38-41.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Ikaw ang bida ngayon sa sarili mong kasaysayan. Ang mga gustong sumingit dahil akala nila ay mahalaga rin ang papel nila sa buhay mo ay huwag mo munang intindihin. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-2-12-21-24-35-40.


 
 

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | November 20, 2025



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Nobyembre 20, 2025 (Huwebes): Nagbubunga ng magagandang kapalaran ang kabaitan ng isang tao. Tulad mo, ang mga suwerte ay laging nakaabang sa iyong nilalakaran.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Bumaba ka para itaas ka. Ito ang pangako ng langit para sa iyo. Hindi naman kabawasan ang magpakumbaba. Sa halip, makakaani ka pa ng papuri at paghanga. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-3-11-19-25-30-33.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag kang magpaliwanag sa mga kaibigan mo dahil ang tunay na kaibigan, lagi kang mauunawaan. Gayunman, hindi mo rin obligasyong magpaliwanag sa ibang tao. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-2-13-22-28-31-42.


GEMINI (May 21-June 20) -  Pipiliin mo ang mas bata. Ganundin sa kapalaran, sariwa at bago ang mga pagkakataong ihaharap sa iyo ng langit, upang mas mapabilis ang iyong pag-asenso. Masuwerteng kulay-maroon. Tips sa lotto-5-16-21-23-29-32.


CANCER (June 21-July 22) - Kung ano ka, iyon ang iyong ipakita. Sa ganitong paraan, malalaman mo kung tanggap ka nga ba ng taong nais ka makasama habambuhay. ‘Wag tumulad sa iba na mapagkunwari, plastik, at ayaw ipakita ang tunay na sarili. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-2-14-26-31-38-40.


LEO (July 23-Aug. 22) - Mahina ka ngayon at matatalo ka ng iyong damdamin. Sa una, magiging mahigpit ang pagsupil sa damdamin mo, pero ito pa rin naman ang mananaig. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-8-10-15-25-34-44.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kung ano ang tama, iyon ang ipaglaban mo. Ito ang lihim na utos sa iyo ng langit, na may kalakip na pangako na ang magagandang kapalaran ay mapapasaiyo bilang iyong regalo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-2-11-17-24-33-43.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - May katapusan ang lahat ng bagay sa mundo, pero ang pagmamahalang natapos ay mahimalang bubuhaying muli. Ito ang katotohanang nagpapagulo sa isipan mo ngayon. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-6-13-20-26-38-41.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Malulunod ka sa saya’t ligaya. Subalit, ang sobrang kaligayahan ang kadalasang nagpapalayo sa reyalidad. Masuwerteng kulay-lavender. Tips sa lotto-9-18-27-34-38-43.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hadlang ang problemang nasa iyong harapan. Gayunman, ituloy mo pa rin ang matagal mo nang pangarap. Masuwerteng kulay-old rose. Tips sa lotto-2-15-22-31-39-42.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Naghihiganti ang mahihina, habang ang malakas naman ay nagpaparaya. Piliin mo ang huli, dahil ang regalo ng langit sa sinumang mapagparaya ay malaking biyaya at mga pagpapala. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-9-16-25-28-37-40.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Takasan mo ang problema. Sa katunayan, hindi naman masamang takasan ang nagpapahirap sa damdamin at kalooban. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-1-17-21-36-39-42.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Pagbigyan mo ang nakikiusap, dahil minsan din naman, bilang tao ay nakiusap ka rin sa kapwa mo. Ang pahabol na payo ay nagsasabing kapag nagbibigay ka sa nakikiusap sa iyo, ang nasa Itaas mismo ang gaganti. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-3-15-22-23-37-41.

 
 

ni Fr. Robert Reyes @Kapaayapaan / Patakbo-takbo | November 19, 2025



Fr. Robert Reyes


Pumanaw kamakailan ang isang kababata. Hindi siya kilala, hindi sikat. 

Meron namang namatay noong nakaraang Huwebes, Nobyembre 13, 2025. Kilalang-kilala siya at merong dalawang mukha. Una, meron siyang mukha ng kapangyarihan, mukha ng kayamanan, mukha ng pulitiko. Pangalawa, meron siyang tagong mukha, ang tagong epekto ng halos anim na dekadang ‘pagmamalabis’ sa kapangyarihan at paglabag sa batas. 


Ang kababata kong minisahan natin noong nakaraang araw ay anim na taong nakaratay sa kama. Unti-unti siyang nanghina. Nawalan ng boses dahil nabutasan na ang lalamunan para makahinga (tracheostomy). Ilang taon bago pa ito, nawalan na rin siya ng pandinig hanggang pati ang kanyang mga mata ay tuluyan nang lumabo hanggang sa mabulag. 


Hindi mayaman ang aking kababata, ngunit naging matagumpay siyang bangkero noong malakas pa siya. Nakaipon silang mag-asawa kaya’t ito ang unti-unti nilang pinanggagastos hanggang sa huling sandali para mapanatili ang buhay ng kababata ko.

Malaki ang pagkakaiba ng dalawang lalaking pumanaw. Iisa ang mukha ng aking kababata. Mabuting asawa’t anak, mabait na tao sa lahat. 


Dalawa naman ang mukha ng yumaong pulitiko. Ang mukhang opisyal at ang mukhang itinatago. Lumalabas na ngayon ang mga nagawa nito noong siya’y bata, malakas at makapangyarihan. Nagtayo ito ng malaking kumpanyang gumagawa umano ng posporo. Kinailangan niya ng maraming puno, kaya’t siya’y nagtayo ng “logging corporation” sa hilagang Samar, Bukidnon, Butuan at iba pang lalawigan. Madali niyang nagawa ito dahil sa kanyang kapangyarihan bilang mataas na opisyal ng gobyerno.


Maaalala ang iba’t ibang kaso ng karahasan at pagpatay tulad ng massacre sa hilagang Samar noong 1981 nang ginamit umano ng kanyang kumpanya ang isang para-military group upang ‘lipulin’ ang 45 katao. Nasangkot din siya sa maraming kaso ng korupsiyon, gaya ng PDAF at pork barrel scam. Nakulong din naman ito, ngunit sa isang komportableng silid ng ospital (hospital arrest), at pinakawalan din dahil pinawalang-bisa ang kaso ng isang presidente. 


Personal tayong naapektuhan ng kapangyarihan ng powerful na taong ito. Ito ay dahil sa binitiwan nating pahayag tungkol sa “pagpatay” ng kanyang anak sa aking pamangkin noong Setyembre 25, 1975. Kasama ng kanyang anak na sinasabi kong “pumatay” sa aking pamangkin, kinasuhan nila ako ng libelo. Nakulong tayo ng tatlong araw hanggang sa nakapagpiyansa noong Mayo 30, 2002. Tiniis natin ang kulungan maski na wala tayong kasalanan. Napaikli ng tatlong araw na pagkakakulong. Mahaba ang siyam na taong paglilitis sa ilalim ng dalawang hukom, Normandy Pizarro at Christine Azcarrage Jacob. Salamat sa Diyos at nakita ng babaeng hukom ang katotohanan at inhustisya ng walang katapusang paglilitis sa palsong kaso. Salamat sa isang Judge Christine Jacob sa desisyon nitong i-dismiss ang kasong libelo na isinampa sa akin. 


Nasa 50 taon na ang nakararaan mula nang mapatay ang aking pamangkin ng anak ng makapangyarihang lalaki ngunit wala pa ring hustisya. Hindi nakasuhan, hindi nakulong ang kanyang anak. Pati siya, sa rami ng kanyang mga kasalanan, magaang ang naging parusa niya at sa huli, nakuha pa siyang maglingkod sa anak ng diktador na pinaglingkuran.


Hindi tayo nagsasaya, nagdiriwang o nagpapasalamat dahil namatay na ang makapangyarihang pulitiko. Nalulungkot tayo dahil walang katarungang natanggap ang aking pamangkin at ang kanyang pamilya.


Inilibing na ang aking kababatang pumanaw. Maraming taong lumuha dahil sa kanyang kabutihan. 


Ililibing na rin ang makapangyarihan at mayamang pulitiko. Iiwanan niya ang kanyang kayamanan. Bula, usok, abo na ang kanyang kapangyarihan. Maraming umiyak nang siya’y buhay pa. Hindi natin alam kung sila’y natutuwa ngayon. Nakalulungkot lang na sa pagpanaw ng mga yumaman dahil sa kanilang kapangyarihan at ang pagpupugayan lang ay ang kanilang unang mukha. 


Alam ng Diyos ang pangalawa, ang tagong mukha nila. Kung walang ganap na katarungan dito sa lupa, walang korte, walang abogado, walang halaga ng salaping kayang kontrahin ang katarungan ng Diyos.


Ngunit galit at sawa na ang marami sa mga nagaganap na pagtatakip at pagtatago ng mga may dalawang mukha. Kailangang mangyari rin ang katarungan sa lupa. Kailangan ang tunay na pamahalaan, totoo at malinis na pamamahala ng mga mabubuti, marangal at iisa lang ang mukha.



 
 
RECOMMENDED
bottom of page