top of page
Search

ni Lolet Abania | September 22, 2021




Apat ang sugatan matapos ang salpukan ng isang sports car at van sa intersection ng Macapagal Boulevard at Aseana Avenue sa Parañaque City, ngayong Miyerkules nang madaling-araw.


Agad na isinugod sa ospital ang apat na sakay ng van, habang ang nagmamaneho ng luxury car na isang dayuhan ay nasa maayos namang kalagayan.


Sa tindi ng impact, tumagilid ang van at nawasak ang halos lahat ng bintana at salamin ng sasakyan. Nasira naman ang harapang bahagi ng dilaw na sports car na isang Ferrari F8 Tributo na nagkakahalaga ng P29 million, habang lumobo ang airbag nito at nagkalat din ang mga bubog mula sa mga nabasag na salamin sa kalsada.


Ayon sa isang nakasaksi, nag-beating the red light umano ang sports car saka tuluyang bumangga sa van.


Inaalam pa ng mga awtoridad kung saan nanggaling at patungo ang parehong sasakyan subalit naganap ang insidente sa labas ng isang casino hotel sa Parañaque. Patuloy naman ang imbestigasyon ng Parañaque Traffic sector sa naging sanhi ng banggaan.


 
 

ni Lolet Abania | June 18, 2021




Aabot sa 21 mamahaling sasakyan ang sinira ng Bureau of Customs (BOC), kabilang na ang isang McLaren 620R na nagkakahalaga ng P33 million sa Port Area, Manila at Cagayan de Oro Port ngayong Biyernes.


Ayon sa mga opisyal ng BOC, ininspeksiyon nilang mabuti ang mga sasakyan bago nila ito winasak sa headquarters ng ahensiya. Nasa pitong mga luxury cars sa Port Area, habang may 14 na gamit nang Mitsubishi Jeeps naman sa Cagayan de Oro Port ang magkasabay na winasak ng BOC dahil sa misdeclaration at hindi pagbabayad ng tamang buwis.




Sa report, hindi umano idineklara sa mga dokumento ang totoong brand ng mga kotse at kung saan ito gawa. Gayundin, dahil ‘misdeclared’ ang mga luxury cars, P3 milyon lamang ang buwis na babayaran sana ng mga importer sa halip na P35 hanggang P40 milyon dapat.


Ayon kay Vincent Maronilla, spokesperson ng BOC, mula sa mga winasak na mamahaling sasakyan, nadiskubre nila ang ganitong paraan ng pagpasok nito sa bansa matapos ang ginawang X-ray inspection.


Aniya, hindi umano tumutugma ang mga deskripsiyon sa papeles at sa mga detalye na lumalabas sa X-ray visual ng mga sasakyan. Sa ngayon, wala pang tugon mula sa mga importers para linawin ang kanilang mga papeles habang hindi pa rin nakikipag-ugnayan ang mga ito sa BOC.

 
 

ni Lolet Abania | February 11, 2021



Winasak ng Bureau of Customs (BOC) ang mga nakumpiskang puslit na luxury cars na umabot sa mahigit P45 milyong halaga sa Port of Cebu.





Ang mga smuggled luxury vehicles, kabilang na ang isang sasakyang Bentley, ay tinangkang ipuslit upang hindi makapagbayad ng karampatang buwis.


Kasabay ng pagdiriwang ng ika-119 anibersaryo ng Customs, ang sampung mamahaling SUV at kotse ay sinira ng crane ng ahensiya sa nasabing lugar, kung saan nagkakahalaga ang lahat ng ito ng P45.243 milyon.


"We are doing this to prevent smugglers from circumventing the law by attempting to acquire these vehicles through the auction process," pahayag ni Department of Finance Secretary Carlos Dominguez sa naganap na okasyon.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page