top of page
Search

ni Jeff Tumbado | May 23, 2023



ree

Ang hindi pagkakasundo sa pagitan nina Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista sa pamamalakad sa Land Transportation Office (LTO) ang dahilan umano ng pagbibitiw bilang hepe ng ahensya ni Assistant Secretary Atty. Jose Arturo Tugade.


Bagama't hindi direktang sinabi ay binanggit na lamang sa mensahe ni Tugade na layunin nitong mabigyang laya si Bautista na maaksyunan ang ilang suliranin sa nabanggit na tanggapan.


Ani Tugade, sa pagbibitiw niya sa LTO, mabibigyan ng pagkakataon ang kalihim na pumili ng tao na nararapat na mamuno sa iniwan niyang tanggapan.


Ilan sa mga usapin sa kanilang opisina ang kakapusan ng card para sa lisensya at kakulangan ng plates para sa numero ng mga sasakyan. Naglabas din ng pahayag si Bautista at pinasalamatan si Tugade sa serbisyo nito.


 
 

ni Mai Ancheta | May 20, 2023



ree

May go signal na ang Land Transportation Office (LTO) para ikasa ang online registration renewal para sa mga pampublikong sasakyan.


Sinabi ni LTO Chief Jay Art Tugade, sa ganitong paraan ay hindi na mahirapan sa pagpaparehistro ang mga operator ng public utility vehicles o PUV at maiwasan ang korupsiyon lalo na ng mga fixer.


Ayon sa opisyal, naging maayos ang inilargang online renewal registration sa mga pribadong sasakyan noong Pebrero kaya gagawin na rin ito sa PUVs.


"This move is also aimed at eradicating corruption," dagdag ni Tugade.


 
 

ni Mai Ancheta | May 20, 2023



ree

Pinagbawalan ang mga personnel ng Land Transportation Office (LTO) pati na ang mga deputized agents na mangumpiska ng plaka ng motorsiklo.


Ito ang inilabas na direktiba ni LTO Chief Jay Art Tugade kasunod ng mga natanggap na reklamo at pagtatanong sa kanyang tanggapan kung makatwiran bang kumpiskahin ang plaka ng mga motorsiklong nahuhuli sa lansangan.


Dahil dito, naglabas si Tugade ng memorandum kung saan pinagbawalan ang kanilang mga tauhan at deputized agents na mangumpiska ng plaka ng motorsiklo.


"To avoid further confusion, all LTO enforcement personnel and its deputized agents shall be prohibited from confiscating motor vehicle licenses plates in lieu of the physical impoundment of the apprehended motor vehicles," anang memorandum ni Tugade.


Nakasaad pa sa memo na kahit pa mayroong parusa para kumpiskahin, suspendihin o bawiin ang rehistro ng motor o kaya ay i-impound, hindi agad-agad itong ipapatupad.


Ganito rin sa kaso ng lisensya ng driver o student permit, pati na sa pagbawi sa motor dahil kailangan munang isailalim sa alarma hanggang sa ganap na maipatupad ang parusa.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page