top of page
Search

ni Mary Gutierrez Almirañez | March 23, 2021




Tigil-operasyon muna ang Light Rail Transit (LRT) 1 simula sa ika-31 ng Marso hanggang sa ika-4 ng Abril dahil sa kanilang Holy Week maintenance schedule, batay sa Light Rail Manila Corporation (LRMC) ngayong umaga, Marso 23.


Ayon pa kay LRMC COO Enrico R. Benipayo, “The work we will need to do on our lines is to ensure that our train system continues to perform at its best.


We are doing everything we can for a better and smoother commute on the LRT-1.”


Kaugnay nito, nauna na ring nag-abiso ang LRT-2 sa naka-schedule nilang maintenance ngayong darating na Holy Week kaya pansamantalang maaantala ang kanilang operasyon.


Inaasahan namang magbabalik-operasyon ang mga tren sa ika-5 ng Abril.

 
 

ni Lolet Abania | February 2, 2021




Apat na construction workers ang nasugatan matapos na mabagsakan ng steel bars sa Blumentritt, Manila kahapon ng hapon.


Tatlo sa kanila ay nagtamo ng minor injuries at pinayagan nang makauwi habang ang isa ay sumailalim pa sa medical tests at hinihintay ang X-ray results, ayon sa NLEX Corp.


“Particularly ‘yung isa, nadaganan siya sa area ng kanyang dibdib at tiyan. May ilang mga bakal po ang dumagan sa kanya, estimately po, mga tatlo, apat,” sabi ni Francisco Vargas, OIC ng Raha Volunteer Fire Department.


Nangyari ang insidente sa isang construction site kung saan 20 metro ang layo mula sa LRT-1 Blumentritt station, pahayag ng Light Rail Manila Corporation.


Ayon sa Blumentritt Police Precinct chief na si Lt. Ferdinand Cayabyab, ang steel bars ay galing sa isang foundation para sa ginagawang NLEX-SLEX connector road sa nasabing lugar. Bumigay ang mga kable na gamit sa pagkakabit ng steel bars na siya namang bumagsak sa apat na construction workers.


Sa isang statement ng NLEX Corp., nangako ang kumpanya na magbibigay sila ng lahat ng kailangang assistance para sa mga naturang workers na naaksidente.


"The company is committed to upholding safety standards on all its projects, and will be conducting a full investigation of the incident," ayon sa statement.


Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page