top of page
Search

ni Ronalyn Seminiano Reonico | July 24, 2021



Balik-operasyon na ang Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) at Light Rail Transit Line 1 (LRT-1) matapos itong pansamantalang ihinto dahil sa naganap na magnitude 6.6 na lindol sa Calatagan, Batangas na naramdaman din sa Metro Manila.


Kaagad na nagsagawa ng “full inspection of tracks and facilities” ang LRT-1 kaugnay ng lindol.

Bandang 6:25 AM naman nang nagbalik-operasyon ang LRT-1.


Saad naman ng MRT-3 bandang alas-7:04 nang umaga, “Bumalik na sa normal na operasyon ang MRT-3 matapos pansamantalang itigil ang biyahe ng mga tren, matapos magsagawa ng safety check at assessment sa mga istasyon at pasilidad nito kaugnay sa nangyaring lindol kaninang 4:49 AM sa Calatagan, Batangas.”


Samantala, sa inisyal na ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), unang naitala ang lindol bilang magnitude 6.7 ngunit ibinaba ito sa magnitude 6.6.

 
 

ni Mary Gutierrez Almirañez | April 20, 2021




Magpapatuloy ang operasyon ng LRT-1 sa ika-24 at 25 ng Abril, taliwas sa unang pahayag na mahihinto iyon dahil sa naka-schedule na maintenance, ayon sa paglilinaw ng Light Rail Manila Corporation (LRMC).


Paliwanag pa ni LRMC Chief Operating Officer Enrico Benipayo, "Our Engineering team did their best to accelerate and compress activities though improved planning and coordination. LRT-1 will no longer need another 1-weekend shutdown and will be back to serve our passengers this coming weekend."


Iginiit din niya na walang magbabago sa schedule ng mga tren mula 4:30 nang umaga hanggang 9:30 nang gabi kada araw.


Sa ngayon ay limitado pa rin ang kapasidad ng mga pampublikong sasakyan, kabilang ang mga tren dahil sa ipinatutupad na quarantine restrictions at health protocols sa NCR Plus.

 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | April 13, 2021




Pansamantalang ititigil ang operasyon ng Light Rail Transit Line 1 (LRT-1) sa April 17-18 at April 24 to 25 upang maipagpatuloy ang maintenance at rehabilitation works, ayon sa operator na Light Rail Manila Corp. (LRMC).


Pahayag ng LRMC, “The works to be carried out during this period would cover the maintenance of trains, stations, and various systems including the scheduled replacement of overhead catenary wires.


“The additional days will also accelerate the preparations needed for the commercial use of the new Generation-4 train sets in fourth quarter 2021.”


Ayon din sa LRMC, kinumpirma na ng Department of Transportation (DOTr) ang deployment ng mga public utility buses sa Route 17 — mula Monumento hanggang EDSA via Rizal Avenue/Taft Avenue para sa mga apektadong commuters.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page