top of page
Search

ni Lolet Abania | February 1, 2022



Ipinahayag ng Light Rail Manila Corp. (LRMC), ang private operator ng Light Rail Transit Line 1 (LRT-1), na natapos na nila ang pag-upgrade ng signaling system ng naturang railway system.


Sa isang statement na inilabas ng LRMC, sinabi nito na ang completion ng pag-upgrade ng signaling system ng LRT1 sa Alstom ay naging posible matapos ang sunud-sunod na test runs at trial runs noong Nobyembre 28, 2021, Enero 23, 2022, at Enero 30, 2022.


Ayon sa kumpanya, nag-adopt ang LRT-1 ng tinatawag na advanced communication at modernong technolohiya upang patuloy na kontrolin at i-monitor ang operasyon ng kanilang mga tren.


“The upgrading of signaling system will improve capacity and performance across the line, enabling more trains with better connections and greater reliability,” pahayag ng LRMC.


Gayundin, sinabi ng kumpanya na ang bagong signaling system sa kahabaan ng umiiral nang linya – ang Baclaran hanggang Balintawak Station – ang magpa-facilitate ng testing, commissioning, at operasyon para sa revenue service ng ikaapat na henerasyon nang train sets, kung saan target na simulan ito sa kalagitnaan ng 2022.


“We are happy to inform you that we have reached another milestone at LRMC as we have successfully migrated to the new Alstom signaling system. We have carefully planned these works to also improve the total traffic control system of LRT-1 while the operation was suspended on three Sundays,” sabi ni LRMC chief operating officer Enrico Benipayo.


“We would like to thank our passengers for their understanding and patience as this initiative will surely result to a more modern and reliable system at LRT-1,” ani pa ni Benipayo.

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | December 21, 2021



Nag-abiso ang LRT-1 private operator Light Rail Manila Corporation (LRMC) sa mga commuter na nakatakdang paikliin ang operating hours ng tren sa bisperas ng Pasko at Bagong Taon.


Sa inilabas na abiso ng Light Rail Manila Corporation (LRMC), sa December 24 o Christmas Eve, ang last trip mula sa Baclaran Station ay aalis ganap na 8:15 p.m. mula sa dating 9:15 p.m. na departure sa regular weekends/holiday schedule.


Sa December 31 naman, ang last trip mula sa Baclaran Station ay aalis ganap na 7:00 p.m. at ang last train mula Balintawak Station ay aalis nang 7:15 p.m.


Magsisimula naman ang operasyon ng LRT-1 sa mga nasabing petsa ng alas-4:30 ng madaling araw.


Nilinaw din ng pamunuan na mananatili ang operasyon ng tren sa December 25, December 30, at January 1 alinsunod pa rin sa schedule ng regular weekends/holiday.


Samantala, mananatili pa rin na pansamantalang suspendido ang operasyon sa Roosevelt Station upang magbigay-daan sa isinasagawang Unified Grand Central Station na magko-connect sa mga istasyon ng LRT-1, MRT (Metro Rail Transit System)-3, at MRT-7.

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | November 23, 2021



May abiso ang Light Rail Manila Corporation hinggil sa pansamantalang tigil-operasyon ng LRT-1 upang magbigay-daan sa isasagawang upgrade sa bagong signalling system nito.


Ayon sa inilabas na advisory ng Light Rail Manila Corporation (LRMC), magsasagawa ng necessary tests at trial runs ang kanilang pamunuan at contractor nito sa LRT Line 1 sa November 28, 2021, January 23, 2022, at January 30, 2022 dahilan para pansamantalang suspendihin ang operasyon nito.


“We look forward to the many exciting developments lined up for LRT-1 in 2022. The migration to the new signalling system underscores LRMC’s commitment in modernizing the LRT-1 and delivering better service to our customers,” pahayag ni Enrico R. Benipayo, LRMC Chief Operating Officer.


Humihingi ng paumanhin si Benipayo sa mga maaapektuhang pasahero at siniguro naman nito na ang isasagawang aktibidad ay magiging kapaki-pakinabang para sa lahat, sa matagal na panahon.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page