ni Gina Plenago @News | November 16, 2026

Photo: FB Light Rail Transit Authority - LRT
Magpapatupad ang pamunuan ng Light Rail Transit (LRT) Line 1 ng holiday schedule para sa mga biyahe simula sa Nobyembre 16 hanggang 18 sa gitna ng pagdaraos sa bansa ng 49th ASEAN Summit and Related Summits.
Sa advisory, ang unang tren na magmumula sa Dr. Santos Station ay alas-5:00 ng madaling-araw ang biyahe, sa halip na alas-4:30 ng madaling-araw at gayundin ang unang biyahe mula sa Fernando Poe Jr. Station.
Ang huling biyahe naman sa northbound at southbound o Dr. Santos Station ay alas-9:30 ng gabi at alas-9:45 ng gabi sa Fernando Poe Jr. Station, sa halip na ang regular na schedule na alas-10:30 at alas-10:45 ng gabi.
Binigyan-linaw ng pamunuan ng LRT na ang pagdedeklara ng special non-working holidays sa Metro Manila sa nasabing mga araw ay dahilan para ipatupad din ang holiday schedule ng mga pagbiyahe ng tren.



