top of page
Search

ni Lolet Abania | October 19, 2021


ree

Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isang batas na magtatatag ng regulatory framework hinggil sa pagkakaroon ng ligtas na operasyon ng liquefied petroleum gas (LPG) industry.


Ayon sa Republic Act 11592, kailangang i-apply ang mga sumusunod:


* importing, refining, storing, exporting, refilling, transportation, distribution and marketing of LPG

* importation, manufacture, requalification, repair, exchange, swapping improvement at scrappage ng LPG pressure vessels, whichever is applicable

* safe operations of the entire LPG industry including all LPG facilities and the residential, commercial, industrial, and automotive use of LPG.


Kinakailangan ding isagawa ng Executive department na i-formulate at ilathala ito sa loob ng anim na buwan mula sa effectivity ng batas ang isang LPG Cylinder Exchange and Swapping Program, kung saan dapat nakabilang, bukod pa rito, ang procedure at timeline for exchange, swapping, at buyback ng LPG cylinders, at ang computation ng depreciated value ng LPG cylinders, at ang establishment ng accredited LPG cylinder swapping centers.


Ang mga guidelines ay bubuuin naman ng Department of Energy (DoE), katuwang ang Department of Trade and Industry (DTI) at isinangguni ito sa lahat ng LPG participants, consumer groups, at iba pang pampubliko at pribadong stakeholders.


May mandato rin ang bagong batas sa pulisya at ibang law enforcement agencies na kailangang asistihan ang DOE sa pag-inspeksyon ng LPG facilities at ang mga motor vehicles na magta-transport ng LPG na bultuhan at maramihan o mga nasa LPG cylinders at cartridges.


Ipinagbabawal naman sa naturang batas, ang tinatawag na importing used o second-hand LPG pressure vessels, pagbebenta ng adulterated LPG ng maramihan at ng pressure vessels, at pagtataglay ng ilegal o pekeng LPG seals, at iba pa.


Noong Oktubre 14 nilagdaan ng Pangulo ang nasabing batas subalit, ito ay nai-post lamang sa Official Gazette ngayong Oktubre 19.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page