top of page
Search

ni Lolet Abania | January 22, 2022


ree

Magdudulot ang namataang isang low pressure area (LPA) ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms sa buong Caraga at Eastern Visayas, habang ang Northeast Monsoon (Amihan) ay makaaapekto sa Northern at Central Luzon, batay sa ulat ng PAGASA ngayong Sabado.


Ayon sa 4PM weather forecast ng PAGASA, ang Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region (CAR), Aurora, at Quezon ay makararanas ng maulap na papawirin na may mga pag-ulan dulot ng Amihan.


Makararanas naman ang Metro Manila, Ilocos Region, at ang natitirang bahagi ng Central Luzon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pabugso-bugsong mahinang pag-ulan.


Habang ang natitirang bahagi ng bansa ay makararanas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may kasamang pabugso-bugsong pagbuhos ng ulan o thunderstorms na posibleng magdulot ng mga pagbaha o landslides sa panahon ng severe thunderstorms.


Sa wind speed forecast ng PAGASA sa natitirang bahagi ng bansa, katamtaman hanggang sa malakas na pagbugso habang ang coastal waters ay magiging katamtaman hanggang sa mabigat na pag-alon nito.


Ang araw ay sisikat ng alas-6:25 ng umaga ng Linggo.


 
 

ni Lolet Abania | December 22, 2021


ree

Isang low-pressure area (LPA) ang inaasahang papasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) sa Disyembre 26 o 27, batay sa ulat ng PAGASA ngayong Miyerkules.


Ayon sa PAGASA, ang LPA ay posibleng tumama malapit sa kalupaan ng Mindanao sa gabi ng Disyembre 29 o umaga ng Disyembre 30.


Gayundin, sinabi ng state weather bureau na nasa 60 hanggang 70% ang tiyansa na ma-develep ito at maging tropical depression.


“In this regard, the public are advised to continue monitoring for possible changes on the forecast scenario, undertake precautionary measures, and remain vigilant against unofficial information coming from unverified sources,” pahayag ng PAGASA.


Base sa morning forecast ng ahensiya, makakaapekto ang Intertropical Convergence Zone (ITCZ) sa bahagi ng southern Mindanao sa Miyerkules, Disyembre 29.


Makararanas naman ang Davao Region ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan, at pagkulog at pagkidlat dulot ng ITCZ na may posibleng flash floods o landslides dahil na rin sa katamtaman at paminsang malakas na pagbuhos ng ulan.


Ang Metro Manila at ang natitirang bahagi ng bansa ay makararanas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pabugso-bugsong pagbuhos ng ulan o thunderstorms dahil sa ITCZ at localized thunderstorms na may posibleng flash floods o landslides sanhi ng severe thunderstorms.

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | December 14, 2021


ree

Ipagpapaliban ng Department of Health (DOH) ang ikalawang yugto ng “Bayanihahn Bakunahan” Program sa mga lugar na posibleng daanan ng tropical depression na Odette.


Ayon kay DOH Secretary Francisco Duque III, imbes na gawin sa darating na Disyembre 15 hanggang 17 ay gagawin na lamang ito mula Disyembre 20 hanggang 22 sa mga lugar na tatamaan ng bagyong Odette.


Kabilang sa mga lugar kung saan postponed ang bakunahan ay ang Southern Tagalog region, Central at Eastern Visayas at Northern Mindanao.


"Kailangan po malayo sa peligro ang ating mga kababayan sa panahon nitong bagyong Odette," ani Duque.


Ang mga lugar naman sa Northern at Central Luzon ganundin sa Calabarzon ay itutuloy ang Bakunahan 2 sa Disyembre 15 hanggang 17.


Nauna nang sinabi ni PAGASA weather forecaster Chris Perez na inaasahang magdudulot ng malakas na pag-ulan ang bagyong Odette sa Eastern Visayas at Caraga regions.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page