top of page
Search

by BRT @Brand Zone | Jan. 7, 2025


File Photo: Lotto


Solong tinamaan ang P314.5 milyong jackpot prize sa Ultra Lotto 6/58 draw nitong Linggo ng gabi, Enero 5, 2025.


Sa website ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), nakasaad na ang lumabas na mga numero ay 36-46-16-19-23-27, at may kabuuang premyo na P314,591,292.80.


Nabili umano ang ticket sa SM Megamall sa Mandaluyong City.


Huling tinamaan ang jackpot sa Ultra Lotto 6/58 noong October 27, 2024 draw, na ang lumabas na mga numero ay 07-24-13-16-10-02, at umabot din sa P321 milyon ang premyo.


Sa ilalim ng TRAIN law, may 20% tax ang mga premyong higit P10,000. (BRT)

 
 
RECOMMENDED
bottom of page