top of page
Search

ni Jasmin Joy Evangelista | November 30, 2021



Napanalunan ng nag-iisang mananaya ang mahigit P162 milyong jackpot prize sa Grand Lotto 6/55  draw nitong Lunes ng gabi, Nobyembre 29, 2021.


Sa website ng Philippine Charity Sweepstakes Office, nakasaad na isang mananaya lang ang nakakuha ng winning combination sa naturang draw na 29-42-12-41-01-35.


Ang kabuuang premyo ay umabot sa P162,347,069.60.


Matatandaang nitong nakaraang Biyernes, isang mananaya lang din ang nanalo ng mahigit P378 milyon sa Ultra Lotto 6/58 draw.


Samantala, wala namang nanalo sa kasabay nitong Megalotto 6/45 draw nitong Lunes.

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | November 27, 2021



Napanalunan ng isang mananaya mula Calapan City, Oriental Mindoro ang mahigit P378 milyong premyo sa Ultra Lotto 6/58 nitong Biyernes ng gabi, Nobyembre 26, 2021.


Sa website ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), nakapaskil ang lumabas na kombinasyon na mga numero: 20-17-12-29-10-46.


Umabot sa P378,750,791.20 ang kabuuang premyo.


Wala namang nanalo sa kasabay nitong Megalotto 6/45 draw na ang kombinasyon na lumabas ay 20-23-15-28-43-12, at may premyong P47,588,952.00.

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | November 25, 2021



Masuwerteng nasolo ng isang lalaki mula sa San Carlos City, Pangasinan ang mahigit P125.6 milyon jackpot prize sa Super Lotto 6/49 draw noong November 4, 2021


Sa pahayag ng Philippine Charity Sweepstakes Office, sinabing kawani ng gobyerno ang nanalo ng P125.6 milyon sa lotto 6/49 matapos na tamaan niya ang lumabas na kombinasyon ng mga numero na 05-03-10-17-43-49, noong Nov.4.


Batay umano sa kuwento ng lalaki, mayroon siyang mga numero na laging tinatayaan pero naging masuwerte siya sa ginawang pagtaya sa pamamagitan ng lucky picked combination.


Samantala, wala pa ring nanalo sa Ultra Lotto 6/58 draw nitong Martes, Nobyembre 23, 2021.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page