- BULGAR
- Aug 31, 2020
ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | August 31, 2020

Pinayuhan ng talent manager/veteran columnist na si Lolit Solis si Kim Chiu na hindi dapat isinasara ng aktres ang pintuan nito sa ibang network.
“Tanggap ko na loyal si Kim Chiu sa Kapamilya, Salve, pero hindi magandang sabihin na hindi siya magtatrabaho sa ibang outfit o network. Huwag nating isara 'yung chance na makita at mapanood pa rin siya ng mga fans niya as long as maganda ang usapan nila ng Kapamilya,” ang pahayag ni 'Nay Lolit sa kanyang Instagram post.
Dagdag pa niya ay hindi raw dapat mahinto ang career ni Kim kung talagang hindi na magiging active ang Kapamilya.
“Napaka-talented ni Kim Chiu para mahinto ang career kung sakali at maging inactive ang Kapamilya.
“Basta ok, loyal ako sa home network ko, but if given a chance to work with other (network), why not, 'di ba? Huwag 'yung parang sasarhan mo ang pinto mo at sasabihin, ayoko magtrabaho sa iba.
“Si Kim pa na ang daming puwedeng i-offer sa mga fans, sayang kung hindi mapapanood, 'di bah? Kaya iyon lang, basta kung ano'ng mangyari, sure na tuloy pa rin ang career ni Kim, kahit saan at kung anuman ang magandang iaalok,” saad pa ni 'Nay Lolit.
Well, ang alam namin ay hindi pa pinapayagan ng ABS-CBN na pakawalan ang mga prime artists ng network or ‘yung mga may network contract dahil puwede pa nilang bigyan ng mga projects ang mga ito under Star Cinema or through digital platforms tulad ng iWant.
As long as may ibinibigay na trabaho sa kanila ang network, for sure ay hindi talaga maiisipan ng mga 'yan na lumipat. Like si Kim, katatapos lang ng serye nilang Love Thy Woman and who knows, baka may pinaplano nang next project sa kanya.




